Ferrand's POV
Nakaupo ako sa couch habang nanonood ng movie ng biglang magring ang phone ko.
*Klein's calling
Priness ko agad ang answer button at nakipag-usap kay Klein.
"Hmmm Ferrand" pambungad nya.
"Bakit kuya Klein ?" Tanong ko sa kanya.
"Kamusta ka na ?" Tanong nya sakin.
"Ayos lang naman kuya , ikaw po kamusta ka ?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Ok lang naman din" sagot nya ulit sakin.
Dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nakakapagbonding ni kuya Klein ay niyaya ko syang maglaro ng PSP sa bahay.
"Kuya Klein libre ka ba ? Laro naman tayo ng PSP" pag-aaya ko sa kanya.
"O sige ba!" Sabi nya ng may excitement.
"Sige po" sabi ko.
"Bye na muna kakain labg kami" paalam sakin ni kuya Klein.
"Bye!" Matipid na sagot ko.
"Bye" sagot nya.
*Toot toot
Iniend ko na ang phone at inilagay sa may table na nasa tapat nitong couch.
Magpapakilala po muna ako sa inyo. Ako si Klein Jon Timmons , a 14 year old boy and a grade 9 student of Maxford Academy.
Section 1 ako at sa katunayan noong grade 8 pa lang kami ay ako ang naging top 1 ng klase. Priority ko ang pag-aaral at hindi ko inaatupag ang ibang bagay na walang kabuluhan maliban na lang sa paglalaro ng mga computer games or PSP etc.
Nakahiligan ko ito dahil ito lang ang aking ginagawa kapag nabobored ako.
11:46 na pala , maghahating gabi na. Matutulog na nga ako at may pasok pa ako bukas.
Tracy Love's POV
Pagkagising ko ay ginawa ko na agad ang morning rituals ko. Tutal mamaya pa namang tanghali ang pasok ko eh mag e-fb na muna ako.
Ipinagpatuloy ko ang pag i-stalk ko kay Ferrand at napag-alaman kong nasa same grade level lang kami kaso lang ako ay nasa last section at sya ay nasa pilot section.
"Ahh so ibig sabihin matalino pala 'tong si ---- " hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nung biglang nagsalita si kuya.
"Sinong matalino ?" Tanong nya sakin.
Hala ! Anong sasabihin ko ? TT_TT
"Kuya naman bakit hindi ka kumakatok ng pinto ? Pumapasok ka na lang bigla".
"Ayy pasensya naman bunso may sasabihin lang kasi ako sayo , pero sino yung sinasabi mong matalino ?" Sabi ni kuya.
"Ahhh si ano kuya si Claire , oo si Claire" sabi ko kay kuya , sana maniwala sya.
"Kuya ano nga pala yung sasabihin mo ?" Dagdag ko para di na sya magtanong.
"Ahh mamayang gabi aalis ako pupunta ako sa bahay ng kaibigan ko niyaya kasi ako maglaro". Sabi ni kuya na bakas sa mukha ang excitement.
"Ahh sige kuya" matipid na sagot ko.
A/N : Guys 'di ko rin po alam kung saan patungo ang story na ito hehe. Guys sana suportahan nyo ito.
Follow nyo po ako sa twitter
: @krjytorres