6: Rina's Meet Ups

154 2 1
                                    

“Alam mo simple lang naman ang mga rules dito eh. Wala namang mangyayari kung hindi mo lahat masunod yun. Well, meron mapapagalitan ka pero…”

Nasa likuran ako ni Tomomi habang siya busying-busy sa pag o-orient sa akin. Masasabi ngang matagal na talaga siya dito halos lahat na ata nalalaman niya, pati chismis.

     “Una, bawal ma-late especially pag dance class yung first class mo. Ikalawa, wag na wag kang magkakamali ng room na papasukan, trust me na try ko na yun at hindi nakakatawa. Pangatlo, bring your own gamit drumsticks, instruments, picks, damit lahat-lahat. Yan nga ang pakay mo dito, diba? Tatanga-tanga ka naman siguro kung kakalimutan mo. Pang-apat wag na wag kang magkakalat. Na try ko na din yun, at nilinis ko ang buong school. At ang panlima,”

Nagulat ako ng tumigil siya sa paglalakad at pagsasalita. Napatigil din ako.

Tiningnan niya ako ng may malaking mga ngiti at ang dalawang kamay niya ay nasa bewang niya. “Mag-enjoy ka and be friendly. Yan ang pinaka-importante,” sabi niya ng pabulong. Ngumiti na lang ako at tumango. Wala naman akong masasabi eh, masyado akong natutuwa(:

     Nakaupo ako habang nakikinig sa lecture n gaming instructor tungkol sa iba’t-ibang beats ng drums. Siyempre, masaya ako. Sino ba namang tao ang hindi sasaya pag inenroll siya sa isang pinaka-magaling na performing arts school dito sa Japan?

“Rina? Pwede ka bang mag-demo sa drumming skills mo dito?” Tawag sa akin ng instructor.

Kinabahan ako ng lahat ay tumingin sa akin.

“S-Sa hara po?” Nag-aalangang tanong ko.

“Bakit may drums ba jan sa likod, Rina?” Pamimilosopo ng instructor namin. Umiling naman ako.

“O sige na! Hali na! Sinasayang mo oras namin eh!” Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa harap bago pa siya mawalan ng pasensya sa akin.

“O,” iniabot niya sa akin ang drumsticks. Medyo nanginginig ko itong tinanggap.

Dahan-dahan akong umupo sa maliit na silya at huminga ng malalim.

One… *inhale*… Two… Three*exhale*…

Boom! Boom! Chug! Chug!

Tinugtug ko ang beats na alam at kabisado ko. Makalipas ang ilang minute pinatigil niya din ako. Ibinalik ko sa kanya ang drumsticks. Nagustuhan niya ba? Kulang pa ba?

“S-Sensei, kung kulang pa po kaya ko pa-”

     Nagulat ako ng tinaas niya ang kanang kamay niya bilang hudyat na tumigil ako sa pagsasalita. Ngumiti siya, “Hindi. That was incredible,” aniya. Napalaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Magaling daw ako? As in??? Tumingin ako sa mga kasama ko at nagpalakpakan naman sila. “Sige na. Bumalik ka na sa upuan mo. Starting this moment I expect a lot from you, Rina. Tandaan mo yan,” sabi niya. Ngumiti ako at tumango.

Tama… Tiwala lang at malayo talaga ang mararating ko.

     Lunch time na ngayon at eto ako nakaupo sa cafeteria ng mag-isa. Para akong tanga dito. Yung ibang studyante kasama ang mga kaibigan nila o di kaya mga ka-grupo nila. Samantalang ako… Eto lang mag-isa… Ayoko ko namang hanapin si Tomomi dahil baka mawala ako. Hindi ko pa kasi kabisado ang building ng Caless at ayaw ko namang mag paka FC sa kanya. Especially sa may bangs na yun-___-

*Sigh

Binuksan ko ang bento ko na hinanda sa akin ni mama kaninang umaga. Napangiti ako. Si mama talaga napaka-creative. May smiley face pa at may nakasulat na ‘Gambatte Rina-chan!’ sa ilalim(A/N: Gambatte means ‘Do your best!’).

“O? At ano ang binu-buntong hininga mo jan?” Maliit na boses. Alam na alam ko kung sino yun.

Tumalikod ako at tiningnan siya. “Hi?” Mahinang tanong ko.

“Yo,” sabi ng may bangs.

     Nagulat ako ng umupo si Tomomi sa harap ko at nilagay ang tray niya. Umupo din yung may bangs sa tabi niya. “Tomo, ang bastos mo ah? Hindi ka man lang nag-tanong sa kanya kung pwedeng umupo,” sabi ng may bangs habang binubuksan ang bento box niya. Binuksan ni Tomomi ang pakete ng chopsticks at hinati ito. “Mami, obvious naman o. Wala siyang kasama. Ako na nga ang nagmamalasakit sa kanya eh. Maki-join ka na lang kasi,” sabi ni Tomomi sabay siko sa balikat ni Mami pala ang pangalan ng may bangs.

“Kamusta ang first day mo sa Caless, Rina-chan?” Tanong ni Tomomi. Nakita ko na wala siyang bento dahil naka-tray siya at ramen siguro ang inorder niya.

“Ahh… Okay lang naman. Medyo pressure, hehe. Pero pinipilit ko namang makasabay,” sagot ko. “Nga pala. Ba’t wala kang bento, Ogawa-san?”

Nag-pout si Tomomi at bumuntong-hininga. “Paminsan-minsan lang kasi mag-luto si mama. Busy kasi sila palagi ni papa sa kanilang mga trabaho. Yan tuloy kung hindi sa cafeteria nagmumula ang kinakain ko sa fast food naman o di kaya sa convenient stores. Nakakasawa rin pag palaging take-out ah. Nakaka-miss talaga ang lutong bahay,” paliwanag niya. Ang open pala ni Tomomi sa ibang tao, kahit kakakilala pa lang niya sa akin nagku-kuwento na siya tungkol sa buhay niya.

     “Sabi ng ako ang gagawa ng bento mo eh,” sabi naman ni Mami na halatang nag-aalala kay Tomomi. “Pakipot ka pa kasi,” dagdag niya. “Mami namaaan! Ako na nga ang nahihiya sa’yo o! Baka maka-dagdag pa ako sa gawain at gastos niyo,” sabi naman ni Tomomi. “Sus, dadalawa na nga lang kami ni mama. Enjoyment na sa kanya ang pagluluto nuh,” nag-simula ng kumain si Mami.

     Magtatanong sana ako tungkol kay Mami ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Si Mami yung tipo ng tao na ayaw mag-open up sa iba maliban siguro kay Tomomi na matalik niyang kaibigan. Kahit na alam kong nag-eenjoy talaga siya pag-kasama niya si Tomomi, makikita mo pa rin sa mga mata niya na parang malungkot siya at may hinahanap. Umiling ako… Hay ano ba yaaan! Kung ano-anong naiisip ko. Kakain na nga lang ako!

“Haruuu! Nandito kami o! Yohooo!” Kumaway si Tomomi sa entrance ng cafeteria. Tiningnan ko naman kung sino ang kinakawayan niya at nakita ko ang isang maliit at payat na babae. Pero maganda siya ah, maganda talaga.

     Tumakbo papunta sa amin yung tinatawag niyang Haru. Nginitian ako nito at umupo siya sa tabi ko. “Nga pala Haru si Rina Suzuki. Bago siya dito eh, kaya nag-isip ako na sasamahan muna natin siya,” sabi ni Tomomi. “Hello po ako po si Rina Suzuki,” tumayo ako at nag-bow. Tumawa ng mahina si Haru. “Di mo na kailangan gawin yun, Suzuki-chan. Ako si Haruna Ono, nice to meet you,” aniya. Umupo ako, medyo napahiya ako dun ahL.

“Ummm… Hindi ko alam kung pwede kong sabihin ito pero… Okay lang ba talaga na nandito kayo. B-Baka kasi may iba pa kayong kasama eh,” sabi ko.

“Ano ba sa tingin mo, Suzuki?” Tanong naman ni Mami.

“Ah… Eh…”

“Enebeyeen! Okay lang noh! Kami-kaming tatlo lang naman palaging magkasama. Alam mo naman siguro ang kasabihang ‘The more the merrier,’ diba?” Sabi ni Tomomi.

“Talaga?” Tanong ko. “Oo naman noh!” Sabi naman ni Haruna.

Binuksan ni Haruna ang bento niya. “Since wala pa namang kumakain sabay-sabay tayo, ha?”

“Ano tawag mo jan? Haiist!” Turo ni Tomomi kay Mami na kumakain.

“Di bale… Tayong tatlo na lang,” sabi ni Haruna.

“Itadaikimasu!” sabay kaming kumain. Nagku-kuwentuhan at nagtatawanan.

Para lang kaming magkakaibigan. Sana nga mangyari yun…

Pero okay na ‘to ang nangyayari ngayon. I hope magiging maganda ang buhay ko dito sa Caless kasama ang mga bago kong nakilala.

---

Medyo wale yang chappy na ‘to. Pero anyway, salamat sa pagbabasa! Wag kalimutan mag-comment, vote & follow.

Pasensya na kung may maling spellings at grammars.

Xoxo,

CHiZUMi

SCANDAL(DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon