Chapter 7

46 6 0
                                    

TASHA'S POV

Bahagya akong napangiti dahil masaya ang araw ko ngayon kahit na nakita ko kanina ang taong di ko inaasahan na makita, sa totoo lang parang kumirot ang puso ko kanina nung nakita ko siya na may kasamang ibang babae, oo inaamin ko na hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako tuwing nakikita ko siya na masaya sa iba. Sariwang-sariwa pa ang mga sugat dito sa puso ko dahil mahal na mahal ko pa rin siya kahit ang sakit sakit na. Wala naman akong karapatan na magalit kapag may kasama siyang babae dahil bestfriend niya lang ako at hanggang bestfriend lang ang tingin niya sakin.

Alas nwebe na ng gabi ng makarating kami ni Maxine dito sa condo ko, halatang pagod na pagod siya kaya pagdating namin agad siyang nakatulog. Pumasok muna ako sa aking kwarto para magbihis, pagkatapos kong magbihis ay agad naman akong pumunta sa kusina at nagtimpla ng gatas. Pumunta muna ako sa sala at nanood ng tv bigla kong naisip yung sinabi kanina ni Cza na dito rin nakatira si Tristan kaya di siguro maiiwasan na mag-krus ang landas namin. Bigla akong nakaramdam ng antok kaya pumasok na ako sa kwarto ko at natulog.

Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa boses ni Maxine, agang-aga nag vi-videoke akala mo naman kagandahan ang boses buti na lang sound proof tong unit ko kundi baka hanggang kabilang unit pa yung sintonadong boses niya. Makasigaw wagas parang akala niya walang natutulog ah, kaya bumangon na ako sa higaan at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"I came in like a wreaking ball------- " kanta niya na pasigaw.

"Ano ba Maxine agang-aga kumakanta ka na! ang sakit kaya sa tenga! Nakakasira ka ng tulog ah!" bulyaw ko sa kanya habang kinukusot ko ang aking mata.

"Naku pasensya ka na bored lang kasi ako eh kaya wala akong magawa. Hehehehe" aniya.

"Bahala ka nga dyan! nga pala pupunta akong Cafe mamaya" sabi ko sa kanya.

"Saang cafe ka pupunta?" tanong niya.

"Dyan lang malapit lang yun dito"

"Pwede bang' sumama?" pangungulit niya.

"Wag na dito ka na lang, gawin mo ang lahat ng gusto mo, magpakasaya ka"

"Hmph! Cge na nga, ano ba ang gagawin mo dun?" tanong niya.

"Wala ka na dun. Hahahaha" pagbibiro ko sa kanya.

"Aba ang daya mo ah!"

Agad naman akong tumayo at pumunta sa banyo para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako dahil ngayon ako aalis. Nagpaalam na rin ako ky Maxine na baka mamayang hapon pa ako makaka-uwi.

"Max aalis na pala ako" paalam ko sa kanya.

"Cge babosh!" sabi niya habang nanonood ng tv.

Nakarating na ko dito sa cafe et al, pumunta na ako dun sa counter para mag oder.

"Good day Miss, what's your order?"

"1 frappuccino and 1 red velvet cheesecake please" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"350 pesos po lahat maam"

Agad naman akong nagbayad at umupo dun sa sulok.

Habang naghihintay ako ng aking order nagbasa-basa muna ako ng dala kong libro ng biglang tintawag ang pangalan ko dun sa counter, agad naman akong tumayo at pumunta dun bigla akong tumigil dahil may nakita akong isang lalaki dun sa counter na umu-order na kahit naka talikod kilalang-kilala ko kung sino siya, di ako nagkakamali si Tristan talaga yun, aalis na sana ako ng bigla tintawag uli ng barista ang pangalan ko at napatingin sa gawi ko si Tristan.

Shit ano ang gagawin ko!? Parang natataranta na ako ngayon.

"Maam heto na po pala yung order niyo" sabi nung barista sakin.

Tiningnan ko si Tristan at hanggang ngayon nakatitig pa rin siya sakin, ibang-iba na siya ngayon kumpara noon, mas lalo siyang gumwapo at mas lalong gumanda ang hubog nga katawan niya. Di siya siguro makapaniwala na nandito na ulit ako sa pilipinas at tinupad ko ang pangako ko na babalik ako.

"Tasha" tawag niya sakin. Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

Sobrang higpit ng yakap niya sakin parang di na ako makahinga.

"Na miss kita, sobra" aniya habang yakap pa rin ako.

Natahimik ako, parang na manhid yata ako ngayon habang yakap ako ni Tristan parang di ako makapagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Simula nung umalis ka ba't di ka na nagparamdam?" biglang tanong niya.

"Alam mo bang' sobrang nalungkot ako nun dahil akala ko di mo na ako babalikan pero umasa ako kasi alam kong nagpromise ka sakin noon na babalikan mo ko at heto ka na ngayon tinupad mo ang pangako mo sakin" aniya.

Kumalas ako sa yakap niya.

"Ahh Tris--tan di ko alam ang sa--sabihin ko, kung sa-an ba ako magsi--simula" nauutal kong sabi.

Shit parang gusto ko na umalis dito. Parang iiyak na ako eh.

"Naiintindihan kita Tasha alam kong sariwa pa dyan sa puso mo ang sakit na dinulot ko sayo noon. I'm so sorry napakalaki kong gago"

"Tristan di mo namang kailangan humingi ng tawad eh, ako naman kasi yung may kasalan, na in-love ako sayo kahit alam ko na di pwede"

"Tristan aalis na pala ako tumawag kasi si Maxine at importante daw ito" pagsisinungaling ko.

"Ah ganun ba, cge mag-ingat ka" sabi niya na parang nalulungkot.

"Cge alis na ako"

"Gusto mo ba ihatid na lang kita sa pupuntahan mo?" pagprisinta niya.

"Ahh wag na, kaya ko na sarili ko. Salamat na lang, alis na ko" sabi ko at tuluyan ng umalis.


Naglakad na ako papunta sa aking sasakyan, di ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari kanina. I'm sorry Tristan kailangan kong gawin to, di ko pa kasi kaya na harapin ka sa ngayon. Kahit miss na miss na kita. Balang araw mawawala din ang sakit at nagsimula na akong magdrive pabalik sa condo ko habang umiiyak.

One Sided Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon