Una pumasok ka sa nakasanayan mong Jollibee store kung saan kayo madalas kumain. Tignan ang paligid at pagmasdan 'yung upuan at mesa kung saan kayo parating naka-upo. Naaalala mo ba sweet moments niyo? 'Yung siya ang nag-order para sa'yo at ikaw pinaupo niya lang sa table para maghintay na lang. Mga alaala ng kahapon diba? Sakit! Pangalawa, lumapit sa counter. Pag-isipan kung ano ang i-o-order pero walang kwenta parin kasi sa pagkarami-rami ng choices 'yung Chicken Joy parin ang i-o-order mo. Pwede namang mamili ng ibang putahe diba? Kapag naibigay mo na ang order mo, 'wag kalimutang mag bayad. Buong pera ang ibigay mo. Like 500 or 1000 na peso bill. Tapos sasabihin ng cashier, "Sir wala po kayong smaller bills?" Taena lang! Sagutin mo 'yung cashier. "Miss para kang EX ko. Buong-buo na ang ibinigay ko pero kulang pa rin!" Hintayin ang sukli sabay walk-out. Umasa ka na lang na habulin ka ng cashier na mag-sorry. Parang una, umasa ka na magkabalikan kayo. Pero ibibigay pala niya sayo 'yung application form ng Happy Plus Card. >_<