Chapter 14: Hybrid Powerful Eyes

5.8K 230 3
                                    


Kumatok ako sa pintu-an ng makarating na ako sa room kung saan gaganapin ang make- up class namin ni miss Liza.

Pinihit ko nalang ang door knob kasi mukhang walang bubukas sa akin. Nang mabuksan ko ito ay tiningnan ko ang kabuu-an, parang mini library pala ang silid na ito at may dalawang sofang magkaharap at sa gitna neto ay may mesang hindi kalakihan na tamang- tama lamang para sa dalawang sofa. May isang pinto sa kaliwang bahagi ng silid at ang lahat ng nasa paligid namin ay mga bookshelves na madaming librong nakalagay.

Tinatawag nilang sirene room ang silid na ito. Sabagay nakaka relax ang ambiance kapag nandito ka sa loob ng silid na ito.

Ilang Segundo lang at bumukas ang pinto sa kaliwang bahagi kaya napa lingon ako doon. Lumabas doon ang babaeng may mahabang itim na buhok na naka pencil skirt at naka polo. Siya na siguro si miss Liza, ang magiging make- up prof ko hanggang sa maka abot ako sa kasalukuyang mga topic.

"Oh,. You must be azrael Pilgrim. I'm Liza Lockheart your assigned prof for your make- up class. So, please sit down and sorry about earlier. I'm inside the comfort room nature calls., hehehe.." nahihiyang pahayag neto sa akin, ngumiti naman ako sa kanya at umupo sa isang sofa.

Naglakad naman siya palapit sa akin, umupo sa sofang nakaharap sa akin at yumuko para kunin ang isang libro sa mesa. Binuksan niya iyun at hinanap ang unang topic na tatalakayin namin ngayon.

"Alam mo naman ang role ng mga reapers diba??" tanong neto sa akin ng magkaharap kami, napatango naman ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin.. bigla namang uminit ang mga mata ko kaya bigla ko itong naipikit at natakpan ng dalawang kamay ko.

"teka, azrael,. Anong nangyayari sayo??" nag- aalalang sambit ni miss Liza sa akin na hinahawakan na ang dalawa kong mga kamay na nakatakip pa din sa mga mata ko.

"Ang.., ang..i- initt.. ang init.." sambit ko sa kanya habang patuloy lang siya sa pagkukuha ng kamay kong nakatakip sa aking mga mata.

"Wag mong takpan azrael,. Akina.." sambit neto at kinuha ang dalawa kong kamay na nakatakip sa mga mata ko. Nakapikit pa din kasi ako sa kanya.

"Open your eyes, azrael..," sambit neto sa malambing na tinig kaya unti- unti kong minulat ang aking mga mata. Nang maimulat ko na ang aking mga mata ay ganun nalang ang kanyang pagsinghap at napatakip pa siya ng kanyang bibig at napaupo siya sa sahig sa harapan ko.

"Miss.., liza??" sambit ko dito pero patuloy pa din siya sa pagtitig sa mga mata ko at tila nanginginig na nakatingin sa akin.

"Your eyes.., what a- are you..??" yun ang mahinang sambit niya sa akin na nagpakaba sa akin, bakit anong nangyari sa mga mata ko??

Bigla ko nalang naitakip ulit ang aking mga kamay sa mga mata ko at tumahimik nalang bigla. Kumakabog ang aking dibdib at gulat na gulat sa aking nakita bago ko maitakip ang aking mga mata.

"Miss Liza.., are you., are you a half breed??" mahinang sambit ko at ibinaba ko ang aking mga kamay. Napanganga nalang si miss liza sa akin at tila gulat na gulat sa nalaman ko.

"How did you know?" mahinang sambit neto at tinitigan ako ng taimtim.

"I just saw it." Sambit ko nang nakakibit balikat, bumuntong hininga naman siya at tumayo at umupo sa sofa at tumingin ng seryoso sa akin.

"what are you azrael??" seryosong tanong neto sa akin, tinitigan ko lang siya at hindi umimik sa tanong niya.

"Damnit azrael, with that eyes. Your not just a simple reaper to be. You're more than that. A hybrid eyes are a rare case in our world especially that kind of powerful eyes. Tell me, your a hybrid a powerful hybrid." Seryosong sambit neto sa akin pero di pa din ako umimik. Napabuntong hininga na lamang siya at umiling- iling at napasapo sa kanyang noo.

"A demon and an angel eyes,. Those eyes are critical, Nobody in this world have that eyes. Mostly, a demon and human eyes or an angel and human eyes but having a demon and angels eyes is too much. Marami din namang hybrid eyes pero wala pang hybrid eyes na demonyo at anghel ang mga tulad nila ay namamatay agad sa unang stage ng pag e- evolve ng kanilang mga mata. It is because nag- aagawan ang dalawang dugong nananalaytay sa kanila kung sino ang mas malakas. They are colliding and it is rare that one of it survive, only one and it is you azrael.., but, sa tingin ko hindi lang simpleng evolution ang nagaganap sa dalawa mong mga mata at nakakagulat tingnan na hindi nag a- agawan ang dalawang dugo kundi nagsasama pa ito. It is like na parang compatible sila sa isa't- isa." Mahabang sabi ni miss Liza sa akin, napahinga naman ako ng malalim sa kanyang pinagsasabi.

"Ikalawang stage na ito ng pagbabago ng mga mata mo azrael,. At sa pagkakaalam ko may ikatatlo pang stage at last stage na ito. Asan ang mga magulang mo azrael, sino sila??" napatingin ako sa clear blue eyes ni miss Liza nang banggitin niya ang mga magulang ko at parang maiiyak na naman ako.

"Their dead.., and I- i don't want to talk about them.." napaiwas nalang ako ng tingin ng sambitin ko iyun sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at hinawakan ang mga kamay ko at pinisil iyun ng mahina. Patay naman talaga sila eh at ayokong pag- usapan dahil maiiyak lang ako at sigurado akong malilito siya kapag sinabi kong nauna akong mamamatay sa mga magulang ko.

"I'm sorry.." mahinang sambit neto sa akin, hinigit ko lang ang mga kamay ko at huminga ng malalim at tumingin sa kanya.

Tumagilid siya at kinuha ang isang maliit na salamin sa kanyang purse at nilahad sa akin. "look at your eyes." Sambit neto sa akin. Kinuha ko naman iyun at tiningnan ang aking mga mata.

"Look at the colors of your eyes., they're mixing together not colliding." Tama nga si miss Lizza, hindi na light brown ang kulay kundi red orange tsaka yung maliit na itim na itim na nasa gitna ay naging pahabang nakatayo na parang katulad ng mga nasa pusa pero hindi itim ang kulay neto kundi dark blue. Parang nagkaroon ako ng cat eyes in an instant ang ganda pero ang weird din at the same time.

"Babalik pa ba sa dati ang mga mata ko?" tanong ko sa kanya at ibinalik ko din sa kanya ang salamin.

"Ikinalulungkot ko pero hindi na babalik yan sa dati, okay lang naman yan eh. Maganda naman siya kaya lang.., ahm.., nakakagulat lang., yun lang., " awkward na sambit ni miss Liza sa akin, napatango- tango lang ako sa kanya.

"Ahm., azrael,. Matanong ko lang hah', nakikita mo pa din ba ang mga pakpak ko?" napatango naman ako kay miss Liza, yup., nagulat ako kanina ng Makita ko ang puting pakpak ni miss Liza., isa siyang nephilim.

"I guess., advantage mo yan, madali mo nalang makikita ang tunay na anyo ng mga nasa paligid mo sa estado ng iyong mga mata. Ang kailangan mo nalang gawin ay masanay dito." Napangiwi nalang ako at napakagat labi, ka abnormalan na naman..,

"So mabalik na tayo sa business natin,. Di ko naman siguro kailangan na matakot sayo kasi mukhang harmless kana man. Hehehehe.." sambit ni miss Liza at napangiti nalang ako sa kanya, well wala naman sigurong masama kung kahit isa lang dito sa university ay maging ka close ko diba?

"So,. Ang una nating leksyon.., paano palabasin ang iyong scythe........." nakinig nalang ako sa mga pinagsasabi ni miss Liza, mukhang mapapadali na siguro ang lahat sa akin.


-------------------

"so azrael,. Saturday bukas kaya walang pasok pero ikaw mag me- make- up class pa din sa akin. Bukas after lunch sa training room tayo, don't worry walang mga aedis doon kailangan lang nating ipalabas ng totoo ang scythe mo." Ngiting sambit ni miss Liza sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya, nagpaalam na din ako sa kanya bago umalis sa silid na iyun.

Naglalakad na ako ngayon sa hallway papuntang dorm room ko ng maisip ko si raziel. Paano ko na makakausap si raziel kung wala na ang envelop kung saan siya nagpapadala ng mga mensahe.

Sinunog na niya kasi iyun ng bago ako magpunta dito sa university at about sa mama ko? Wala na siya, I mean binura na ang illusion niya. Binura na din ata ang existence ko sa dating mundo ko.

Kaya basically and literally, nag- iisa nalang ako dito. Walang kamag anak, walang kaibigan at walang mga magulang.

-----------------------------------------------------------------------------------

Nephilim- half human, half angel.

INFERNAL: The Crimson Reaper (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon