Una, iluto ang pasta sa kumukulong tubig. Salain mo hanggang sa maubos 'yung tubig. 'Yung wala na siyang maibigay kasi ubos na ubos na siya. Tapos isantabi mo. Diyan ka magaling e. Pag nabigay na niya lahat, iiwan mo. Tapos gagamitin mo 'yan mamaya. Pag tapos kana dun sa isa. Pangalawa, oo laging may pangalawa. 'Di ka kasi makuntento sa isa. Igisa mo 'yung bawang, sibuyas at karne tapos haluin mo na parang naglalaro ka lang. Paglaruan mo kagaya ng ginawa mo sa'kin. Lagyan mo din ng paminta. Pag wala ka nun, punta ka ng mall o kaya sa gym madami dun. Tapos ilagay mo na 'yung tomato sauce. Para maglasang spaghetti. Pakuluin mo. I-check mo 'yung pasta. Kasi masyado ka ng nawili diyan sa isa mo. Tapos paghaluin mo na 'yung sauce at pasta. Oo pagsabayin mo. Pagsabayin mo kami! Pagkatapos kainin mo na. MABULUNAN KA SANA!