Flashback...
"Huhuhuhuhuhuhuhu!!! UWAAAAAAAH!!! HUHUHUHU 😭 UWAAAAAAAAAAAAAAH!--"
Narinig ng isang batang lalaki ang isang babae sa playground na umiiyak halos mabingi sya sa sobrang lakas ng iyak nito.
Ng makita nya ang babae, agad nya itong nilapitan. Aaminin nya na kahit bata palang. Maganda na talaga ito.
"Bata..." sabay abot ng panyo mula sa bulsa nya.
Akala nya tatanggapin nya agad ito kaso...
"Ayoko!! Baka may germs yan saka sabi ni Mommy, don't talk to strangers!" sabi nito kahit pa may tumutulo ng sipon mula sa ilong nya.
"Pft, hahahahahahahahaha!"
tawa nung lalaki. Sa paningin nya kasi kahit na pinagsungitan nya ito eh, nacute-an pa rin sya dito."H-hoy bata! Anong tinatawa tawa mo dyan? T-tumigil ka nga!"
sabi nung batang babae habang namumula.Kaya lalong tumawa yung lalaki dahil sa pamumula nito.
"Aish! Bahala ka nga!! Argh!"
"H-hoy teka lang, ito naman di mabiro. Tumatawa ako kasi, ang... ang.. a-ang.. c-cute mo."
nahihiyang sabi ng batang lalaki.Nagulat naman ang batang babae at bigla rin syang namula. 😊
"Oh, tanggapin mo na yung panyo puro luha na yang mukha mo saka puro sipon. Yak! Hahahaha!" sabi nung batang lalaki.
"Hmf! Akin na nga!" sabay kuha ng batang babae sa panyo.
"Ang pangalan ko nga pala ay Marco Gwapo. Naks! Hahaha!"
sabi ni Marco."Duh!? Mas maniniwala pa kong Marco name mo kesa sa Gwapo ka! HAHAHAHAHA" Sabi naman ng batang babae.
"Sus! Na gwapuhan ka talaga sakin. Maraming nagsasabi sakin nyan. Sigurado pag laki ko maraming babae ang magkakandarapa sakin." pagmamayabang naman ni Marco.
"Ewww, mahiya ka nga! Hahaha!" sabay tawa ng batang babae. Napatigil si Marco at tinitigan ang batang babae.
'Ang ganda nya.' sa isip nito.
"Huy! Marco!! Huy!!" winawagayway pa ng batang babae ang kamay nya sa mukha ni Marco dahil napatigil ito.
"Hah? A-ah a-a-ano.. Uhm, bakit?" sabi ni marco. Di nya maintindihan kung bakit sya nauutal.
"Eh, bigla kang natahimik dyan. Kung kailan tumatawa na nga ako." sabi ng batang babae kay marco.
"Ah eh, teka? Bakit ka nga pala umiiyak kanina hah?"
"Nawawala kasi si Mama. Hindi ko sya mahanap." at nagsisimula nanamang magtubig ang mata ng batang babae.
"Oy teka. Wag ka na umiyak dyan. Tutulungan na kitang mahanap si Mama mo. Tahan na." saka cinomfort ni Marco ang batang babae.
Naglakad lakad ang dalawa para hanapin ang mama ng bata. Pero di pa rin nila ito nakikita.
Tumigil sila sandali dahil pagod na silang dalawa."Teka, kanina pa tayo magkasama di ko pa alam pangalan mo." tanong ni Marco sa batang babae.
"Hah? Ah, ang pangalan ko ay----"
"DIANNE!! ANAK!!"
Napalingon ang batang babae pati na rin si Marco.