Hindi ako makapaniwalang ito ang kasal niya, that fucking woman who never deserved my love, that woman who made me cold, who made me doubt everything in life, huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, hindi niya alam ang presensiya ko dahil nasa gilid ako at tabi ng simbahan, sa bawat masayang paglalakad niya sa pasilyo ng simbahan ay katumbas ng sama ng tingin at loob ko sa kanya. Fuck you Lessandra, sana naririnig mo iyan.
Bumalik ako sa huwisyo nang may humawak sa kamay ko, "bakit ganyan ka nakatingin sa bride? Ang sama mo kung tumingin e." Bulong ni Eral sa akin sabay kuha ng litrato sa iba't ibang anggulo sa mga tao.
"Wala." Malamig na sagot ko.
"You're acting weird." Saad nito, "is something wrong?"
Umiling ako at tumungo sa labasan ng simbahan sa gilid kung saan kami pumasok kanina, hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Eral kaya naman nilingon ko siya, "you are one of the photographers of the wedding, you can't be here outside the church, go back inside and do your job. Hihintayin na lang kita sa loob ng kotse ko, don't worry, hindi kita iiwanan, you can trust me to that."
She smiled and nodded, muli siyang bumalik sa loob ng simbahan para gawin ang kanyang trabaho, naglakad na ako patungong kotse ko saka sumakay, mariin kong pinikit ang aking mga mata kasabay ng pagbabalik tanaw ko sa nakaraan, sa mga araw na dumating si Lessandra sa buhay ko.
"Ako nga pala si Lessandra, ikaw si Ice, right?" Ngumiti sa akin ang isang babae na kusang lumapit habang ako ay nagpapahinga, kakatapos lang ng photo session ko at alam kong may kasunod pa, matangkad siya ngunit mas matangkad ako, maputi siya at mukhang mestisa, tumango ako sa babae at saka ngumiti. Damn she is beautiful.
"Bakit?" I answered.
"We're going to be partners sa next photoshoot." She answered, "bago lang pala akong model, so I hope you give me tips later while we have the shooting."
"Hindi ka nag-seminar?"
Tumawa siya, "well, I did. Kasu nakatulog ako habang nagdi discuss yong proctor."
Umiling na lang ako, "just try to be natural, blend in with the background or subject, be elegant, and follow what the photographer says."
Tumango siya, bigla kaming tinawag ni Manager Ris, "let's go." Aya niya sa akin.
Hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili, isa akong lalake na mabilis maniwala noon, we became co-models for how many months, then I fell, hard. Nahulog ako kay Lessandra at akala ko ganun din siya. Ang saya ko nga noong sinagot niya agad ako nang niligawan ko siya. Naging kami for two fucking years, sa loob ng pagsasama namin ay napansin kong tumataba na siya, while we were having a photoshoot pati si Manager Ris nagtaka kung bakit lumalaki ang tyan niya, akala ko it was just because she was gaining weight, pero may iba pa pala.
She was pregnant and we never did it, we never had sex nor made love. Nalaman ko na lang nang nasuka siya sa gitna ng photoshoot namin, kinutuban muna ako at hindi naniwala na buntis siya, pero andoon na e lahat ng sinyales, pero ayaw kong maniwala. That can not be. Lagi kong napapansin na may morning sickness siya at may mga symptoms ng buntis, I ignored them until that fateful day that I went to her apartment to surprise her for our second anniversary, I had a spare key of her apartment so I just entered, but then I realized she was not alone.
May kasama siyang ibang lalake, it was Isaac, the cousin of Aisaia, hindi nila napansin ang presensiya ko, hindi nila ako napansin habang pinapanood ko sila, they were kissing and making out. Gusto kong sumugod, but I restraint myself when they stopped to talk.
"Lumalaki na ang baby bump." Lessandra sighed, "we can't hide it forever kay Ice, Isaac."
"Just break up with him." Isaac groaned.
"Alam mong hindi pwede babe, mayaman si Ice."
"He will find out eventually." Saad naman ni Isaac sabay haplos sa tyan ni Lessandra. "This is our baby, just marry me."
"Ipapalaglag ko na lang, hindi kita papakasalan, si Ice ang papakasalan ko, mas mayaman siya sa yo."
"Fuck, sa tingin mo hahayaan kita? Pumayag ako na makipagrelasyon ka sa kanya, Lessandra. Pumayag ako na maging secret boyfriend mo, for two fucking years, hinayaan kita sa piling niya, alam ko namang pera ang habol mo kay Ice, pero magtiwala ka sa akin, I will work hard hanggang sa maging mas mayaman ako sa pamilya niya."
"Kaya mo? Multi-millionaire sila, Isaac! Ipapalaglag ko ang anak mo!"
"Anak natin." Galit na pagtatama ni Isaac, "if you fucking try to kill our baby, si Ice naman mismo papatayin ko."
"Then I will just find another rich boy." Tumawa si Lessandra.
Kumuyom ang kamao ko hangga't sa nasira ang bouquet ng bulaklak na hawak ko, mabilis akong pumasok sa silid at halatang nagulat ang dalawa sa presensiya ko, malamig kong tinignan si Lessandra, nandiri ako sa kanya. Tila ba lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay napalitan ng galit at poot.
"Happy anniversary, Lessandra." Binato ko sa kanya ang bouquet, "and happy breakup too." Tumalikod na ako at saka ko hinulog ang susi ng apartment niya, naglakad na rin ako paalis, walang luha na tumulo. Hindi ko siya iniyakan. Parang nakalimutan ko na lahat ng masasayang bagay, I became cold, tila ba namatay lahat ng feelings ko.
Hinabol ako ni Lessandra habang umiiyak saka lumuhod, nagmamakaawa. Tinanggal ko ang yakap niya sa binti ko at saka siya tinignan, "mandiri ka sa sarili mo, Lessandra. Huwag mo akong hawakan."
"Ice, please huwag mo itong gawin sa akin..." she cried, kung noon nasasaktan ako sa tuwing umiiyak siya, ngayon para namang natutuwa ako na walang pake.
"Tanga ka ba? I said don't fucking touch me."
Bumalik ako sa huwisyo nang may kumatok sa bintana ng kotse ko, napatingin ako kay Eral na nakangiti sa akin, binaba ko ang bintana ng kotse ko, "tulala ka ata?"
I shrugged, "tapos na ang kasal?"
Tumango siya, "tapos na rin ang trabaho ko, so please take me home!"