»Shayne's POV
Hays!
Ito nanaman ang mga parents ko, iiwan ako para sa company work kunno ^ alam ko namang para sa akin yan pero wala na silang time para sa akin eh! Kainis! Pero iintindihin ko nalang sila dahil mahal ko sila. Hihi
Ay! Ako nga pala si Shayne Margarette Labao.
17 yrs old. Sexy, matalino, mayaman at maganda. At Bitch. May condo ako dahil madalas nila akong iwan at ayaw kong maiwan sa bahay. At lilipat ako ng school ko ngayon sa St. Jude University. Bakit ako lilipat? Kasi yung walanghiyang ex ko lumipat doon at kasama ang girlfriend niya kunno ^ sa luma kong school. Ayaw kong makita ang pagmumukha nila.
So anyways, ito ako nagbibihis ng uniform. Sila mama pumunta ng Canada kahapon at hindi ko alam kung kailan sila uuwi. Papunta na ako ng school dala yung Red Lamborghini kong car, gift sa akin nila mama ^_^
Papasok ako ng gate andaming nakatingin sa akin. Oo alam kong maganda ako!
"Maganda sana kaso mukhang bitch" Yes, i know kaya humanda ka mamaya. "Sexy pare oh!" I know right "May bago nanaman tayong ibu-bully!" Subukan niyo lang. ./.
Maganda naman ang school. May nakaagaw ng pansin ko.
Pero Tiningnan ko sched ko at pumunta sa room.
Room A-1Inikot ko ang tingin ko at mukhang maayos naman na ito. Pumunta ako doon sa pinakadulong upuan sa likod. Maya maya dumating na ang teacher kasabay nun ang pagpasok ng lalaking ito at umupo sa tabi ko sabay tungo sa desk. Anong plano nito? Matulog? Yaan mo na kapag siya pinagalitan tsk! Tsk! At oo nga pala, first day of school kaya papakabait ako. Bitchmode off pa pero bukas baka ganyan din ako. Haha
"Okay class, may bago tayong student. Miss, please introduce yourself." Sabi ni gurang.
Lapit sa unahan, tingin sa kanila.
" I'm Shayne Margarette Labao. 17 yrs old. From Gregory University." Me said with pokerface.
May nagtaas ng kamay, " Bitch ka noh?"
Talaga bang halata sa mukha ko? Siguro, ang panget naman ng nagtanong feeling bitch. Eh ako lang dapat ang pinakabitch sa lahat!
" oo bakit?" Sabi ko. Natahimik din sa wakas.
Kaya bumalik na ako sa upuan ko pero nakatingin na sa akin itong katabi kong saksakan ng gwapo pero mukhang maangas at hari sa school na ito. Pano ko nalaman? Nakita ko siya kanina sa ground floor at tumatabi ang mga estudyante kapag dumadaan siya. Siya yung nakaagaw ng pansin ko.
Nag eye to eye kami, syempre kinikilig ako! Joke! hindi ako papatalo noh! At sa wakas, YEHEY! panalo ako dahil bumalik siya sa tulog.
Crush ko na siya. Hihi ♡Hindi naman na ako nakikinig dahil alam kona lahat ng iyan dahil napagaralan ko na iyan sa japan. 2 yrs din ako doon noh. Kaya ako nag- aaral dahil ayaw ko pang magtrabaho sa company namin.
Tinext ko yung dalawa kong loka lokang bestfriends. Oo! Meron akong bff pero bitch din sila! Haha
"Hoy mga inutil! Magkita tayo sa bar mamayang 8pm."At nagreply naman si Aya at
"Okie dukie!" Ganda ng sagot nila, right? ( lahat may E sa dulo haha)
Mamaya ko nalang sila ipapakilala. Umuwi na ako sa condo at 6pm na. Maliligo at magbibihis na ako para mamaya. Mamaya nalang ulit ha! Busy na ako ihh.