FOUR
“Kamusta ang relasyon niyo ni Shina?” tanong ni Papa while we were having breakfast. “Napapadalas yata ang pagkikita niyo.”
“Ummm just fine,” maikli kong sagot.
“So, we can continue your wedding engagement next month,” dagdag ni Mama.
“What?!” napatigil ako sa pagnguya. “What wedding engagement?”
“We need to make sure na sa kasalan na kayo mapupunta ni Shina,” it’s my father. “Like Kester and Jianna. They’re engaged now. Kasal na lang ang kulang sa kanila.”
“Besides, you like Shina,” si Mama. I’ve been telling her that I like Shina pero nililigawan ko pa nga lang siya diba? Hayyyy. >.<
“Hey bro,” si Jianna. “May date kami ni Kester mamaya. Magdouble date na lang kayo tayo? Gusto ko ding makilala si Shina.”
So yun, napilitan akong pumayag sa gusto ni Jianna. Nung kinausap ko si Shina about the double date, umayaw siya. Hindi niya daw alam kumain sa mga sosyal na resto. Saka wala daw siyang alam isuot kundi jeans and shirt.
Natawa lang si Jianna nung sinabi ko yun. Magdidinner na lang daw kami sa resto kung saan nagtatrabaho si Shina. Nakwento ko kasi halos lahat ng nangyayari sa amin sa kanya. Alam niya daw ‘yung feeling ni Shina. Owrayt, sa Lobel’s ang date namin.
“Ayos lang kaya itsura ko?” umikot si Shina. Napatunganga lang ako. She’s wearing a white floral dress. Nagmukha siyang mas babae. Hahaha. Nasanay kasi akong naka-shirt and pants lang siya. Akalain mo, may igaganda pa pala siya? Hahaha.
“Hoy,” binatukan na naman niya ako. “Hindi ko ba bagay ang ganito?”
Ngumiti lang ako. “Bakit hindi ka nagsusuot ng mga ganito? Ganda-ganda mo eh.”
Binuksan ko yung pintuan ng kotse tapos pumasok siya. Siya na ang nagsuot ng seatbelt ko pagkaupo ko. Sabi niya, dapat daw laging nagsi-seatbelt para iwas sa disgrasya. Sweet niya noh? Hahaha.
Nagsalamin siya sa side mirror ng kotse ko. “Kinakabahan ka ba?”
“Oo naman noh.” Ayan na naman po ang kasungitan niya. Huminga siya ng malalim. “Ayoko na. Babalik na lang ako sa apartment ko.” Ini-unlock niya yung pintuan ng kotse.
“Hey! Andito naman ako eh,” tawa ko na lang tapos ini-lock ko ulit ‘yung pintuan. “It’s just Jianna and her fiance. Hindi ka nun kakainin. Vegetarian yun eh.”
“Loko loko ka talaga.” Isang batok na naman napala ko.
Hinawakan ko ‘yung palad niya. “Honey.” Syet. Tinawag ko talaga siya ng ganun. Hahaha. “Andito ako sa tabi mo, okay? Jianna will like you.”
Ngumiti lang siya. Hindi niya na iniwas ‘yung kamay niya. ^_______^
Nauna kaming dumating sa Lobel’s. Tinext na ako ni Jianna, papunta na daw sila. Inaasar si Shina nung mga kasamaan niya dun. Ako lang daw pala ang magpapasuot sa kanya ng ganun. Eh ganito ako kapogi eh. Hahaha.
Pero mas gusto ko pa din ‘yung Shina na nakilala ko. Mas kumportable kasi siya sa ganung ayos. Hindi niya kasi alam gumalaw ng babae talaga. Hindi niya alam magpacute, pagsusungit lang ang alam niya. Hahaha. Sabi ko sa inyo, Shina is different from other girls. ^______^
BINABASA MO ANG
THIS GIRL HAS GONE FAR AWAY (short story)
Short StoryAng pang-MMK na love story nina Jarred at Shina. This is a love story how love conquers all. :)))