November 12, 2014
Tulala kong pinagmamasdan ang alapaap habang nakahiga sa damuhan sa munting hardin ng aming unbersidad, nagpapalipas oras, nagbabakasali na makanakaw ng kahit kakaunting tulog man lang na ipinagkait sa akin ng aking mga takdang aralin at proyektong kinailangang tapusin. Habang ako'y nakahiga, tila ba ako'y napapaisip, dala ng musikang tumutugtog mula sa aking cellphone, isang pelikulang nabubuo mula sa aking imahinasyon na kung saan ako ang bida at "siya" ang aking leading lady. Teka, di pa pala ako nagpapakilala noh?
"Hi guys!!!!!!" sigaw na nangagaling sa lobby na katabi ng hardin kung nasaan ako nakatambay.
"Oh bat parang kulang kayo?" kilala ko kung kaninong boses nangaling iyon.
"Asan si Jake?"
"Baka nandun siya ulit sa garden, alam mo naman dun lang siya napapayapa eh."
Oh ayan. Ako si Jake Felix. Isang BS Math student sa University of the East. Simpleng tao lang ako. May mga kaibigan ako pero minsan mas gusto ko ang katahimikan na pumapalibot sakin dito sa garden pero hindi ibig sabihin nun ay ayoko narin sa mga kaibigan ko. Mahal ko rin sila. Para ko na nga silang pamilya eh. Lalo na yung pinaka kuyang kuya namin na kahawig daw ni Baymax na si Chris. Lalake ako pero tuwing niyayakap ko siya napapanatag loob ko kapag may problema ako. Ganyan siya para sakin, kuyang kuya ang dating niya. Tapos nandyan pa yung bahista ng banda kong daig pa adik sa pagiging high palagi na si Joseph. Balasubas yan at mukhang walang alam pero saming barkada napakamadiskarte niyan sa lahat ng bagay. Nabanggit ko na may banda ako noh? Oo gitarista at bokalista ako nun. Maliit na banda palang naman kami eh dahil nagsisimula palang kami. Si Patrick yung drummer namin, ang dakilang chickboy ng banda pero may mas chickboy pa sakanya eh. Marami pang tao sa barkada namin at lahat sila mahal ko pero may isang babae na talaga namang nakapukaw ng aking atensyon at palagi ko siyang hinahanap hanap. Siya si Charis, isang HRM student dito rin sa university. Hindi pa niya alam na may gusto ako sakanya. Ilang beses na sinabi ng mga kaibigan ko na pormahan ko na siya pero hindi ko pa kaya. Torpe ika nga.
"Oy guys puntahan niyo na si Jake dun. Baka napahimbing na tulog nun." boses yan ni Chris
"Eh bayaan niyo na. Hahaha! Iwan nalang natin." siraulo talaga itong si Joseph.
"Pucha. Dali na Joseph! May practice pa kayo diba? Makikijam rin ako!" tama yan Kuya Chris. tinatamad pa ako bumangon eh. Gusto ko kasi si Charis ang magpabangon sakin kaso never mangyayari yun.
"Ako na nga lang. Nandun lang siya sa pwesto niya palagi diba?" SHET BOSES NI CHARIS YUN. SERYOSO BA NARINIG KO?!
"HAHAHAHAHAHAHA! SIGE SIGE IKAW NA CHARIS!" BWISIT KA JOSEEEEEEEPH!!!!
"Oh bat parang tuwang tuwa kayo na nagvolunteer ako?" KASI NGA MAY GUSTO AKO SAYO AT ALAM NILA YUN!
"Walaaaaaaaaaa! Kasi Makakaalis na kami sa wakas!" isa ka pa Patrick eh
"Osige sige susunduin ko na siya. Mauna na kayo dun sa studio." Lintek na.
Narinig ko na may naglakad palapit sakin kaya nagkunwari nalang akong tulog. HAHAHAHA!
"Oy Jake gising na. HUY!" Wag mo ko kalugin! Kinikilig ako!
"Oh Charis bakit?"
"Anong bakit? May practice pa kayo! Hahaha! Pwede ba ako sumama?" SHIT SASAMA SI CHARIS?!
BINABASA MO ANG
Director's Cut
Teen FictionAng buhay para yang pelikula, may bida, may kontrabida. May leading man o leading woman at syempre merong mga pagsubok na kailangang harapin ang bida bago niya makasama ang minamahal niya. Pero pano kung sa dinami na ng pagsubok na naharap mo, bigla...