"Am I better off dead?
Am I better off a quitter?
They say I'm better off now
Then I ever was with her
As they take me to my local down the street
I'm smiling but I'm dying trying not to drag my feet"
"Pre congrats ah! Ang Cumm Laude ng tropa natin! Naks naman!" Bati sakin ni Lucas, kaibigan ko simula pa noong highschool.
"Oo nga! Akala namin nung highschool tayo eh tetengga ka na lang sa pagdoDOTA natin eh. Well, kahit certified DOTA boys pa rin tayo, tayo ang magpapatunay na di lahat ng DOTA boys, tambay ang ending! Orayyt!" Tama si Nate, nung highschool, pariwara talaga ako. Actually kami. Ako talaga ang pinakanaunang nagbago samin. At yun ay dahil sa kanya. Nagbago ako para sa kanya.
"Woooh! Happy graduation satin mga pre! Nga pala, mamaya magpapaparty si Prof para satin. Talagang feeling teenager tong si Prof eh nuh. Oh, Migs, tingin ko game ka naman na this time di ba? Walang exams, paperworks at kung anu ano pa! Tsaka si Prof nagyayaya noh! Sasama ka ha!" May point naman to si Lucas. Tsaka ilang taon din naman akong humihindi sa mga yan para lang magfocus sa pag-aaral ko. Tingin ko it's not really bad to have a celebration naman this time.
"Sige, asahan nyo ko. Pupunta ako mamaya."
"Talaga Migs?! Ayos! Oh! 8 pm sa Pad. Wag kang mang-iindian ah! Alis muna kami ni Lucas. May lakad muna kami ha! Adios Miguel!" Lumabas na sila sa condo ko. At mag-isa nanaman ako ngayon dito.
Lumapit ako sa player ko at naghanap ng pwedeng mapatugtog sa shelf. Nakita ko ang album ng Science and Faith ng The Script. Ito yung pinaka unang album na meron ako. Rinegalo nya ito nung 4th year highschool palang kami nung birthday ko. Paborito naming banda ito noon.
Pinatugtog ko yung album sa player. Habang tumutugtog to, hindi ko pa rin talaga maiwasang isipin sya. Aaminin ko, hindi pa rin talaga ako sinasapian ng mga salitang 'move on' at hanggang ngayon? Mahal na mahal ko pa rin sya. Almost 4 years na since nung araw na naghiwalay kami. Pero, di ko maintindihan kung bakit di pa rin nagbabago yung ihip ng hangin. Hanggang ngayon pa rin kasi, nararamdaman ko pa rin yung sakit.
Sinubukan ko namang ayusin yung relasyon namin pero naging immature pa rin ako tuwing bibigyan nya ako ng chance. At nasasaktan ako tuwing nakikita ko syang nasasaktan kaya dun ko napagdisisyunan na tapusin na lahat. Ako lang ang nagbibigay ng sakit sa kanya eh.
Nasa iisang school pa rin kami, nagkakasalubong paminsan minsan pero para status namin tuwing magkakasalubong kami? Complete stranger. Pero lagi nyang napapaalala lahat ng nangyari sa amin tuwing magkakatinginan kami ng mata sa mata. Alam mo yun? Yung kahit na hindi na kami magsalita pero tuwing makikita ko yung mata nya na nakatingin sakin? Bumabalik lahat lahat.
Wag nyo kong husgahan. Di ito kabaklaan o kung anuman. Ako nga lang ang nakakaalam na mahal ko pa rin sya eh. Miski si Lucas at Nate walang alam. Ayoko nang malaman pa nya mahal ko pa rin sya. Ayoko na sanang bigyan pa ng isa pang shot yung relasyon namin. Ayoko nang masaktan pa ulit sya dahil sakin.
Nakilala ko sya sa computer shop samin dati. Ako? NagdoDOTA samantalang sya, gumagawa ng assignment. Dati akong pariwara pero simula nang makilala ko sya, dun ko na pinahalagahan yung future ko. Future namin... sana. Sya yung nagturo sa akin na marami pang pwedeng ienjoy sa buhay at kung ano nga ba talaga ang tunay na mundo. Inayos ko ang buhay ko. Siguro kung hindi rin dahil sa kanya, di siguro ako nakagraduate ng highschool. Mahigit isang taon din kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Stories to Sing (One-Shot Compilation)
KurzgeschichtenWhat's your favorite song? Oh, is that it? I know it has to do with your own life story, let me sing it for you.