Two - Please be okay
A year and few months ago...
Seoul, South Korea
"Are you kidding me?" I asked nang makarating kami sa kung anong tuktok nitong tower na ito. I've been here in Seoul for a few times pero first time kong pumunta dito... And I don't see anything interesting.
"What? This is the highlight of that long walk, Pres. Dali na!" Hila niya sa akin papunta sa napakadami at patong patong na padlocks.
Excited na excited niya akong hinila papunta doon and I couldn't help but to shake my head in amusement.
"When did you become this cheesy?" I asked while trying to hide my smile nang inabot niya sa akin ang isang padlock.
"When did you become this KJ?" Sagot naman niya habang sinusulatan yung isa.
Damn, this girl. Kung hindi lang talaga kita mahal.
It's the last night of our one week trip here in Seoul, tomorrow afternoon ay lilipad na kaming pabalik ng Pilipinas. Surprise gift ko itong trip na 'to kay Corr for our first year anniversary since we got back together. Technically our 5th together. But you know what happened.
Tuwang tuwa at inis na inis siya sa akin nang ibigay ko sa kaniya yung ticket last month. Tuwang tuwa sa gulat at saya dahil sa surprise - Kahit na Korea lang ito, co'z I know she's been everywhere noong high school pa kami, still... It's the thought that counts, you know? at eto ang unang beses niyang paglabas ng bansa simula nang namatay ang dad niya.
At syempre, inis na inis dahil ginastusan ko na naman daw siya.
Pssh. Hindi pa ba siya nasanay.
"There!" Proud na proud niyang sabi nang ipakita sa akin ang dalawang padlock na may nakalagay na P❤ at C❤ naman sa isa, nakasulat din ang date today sa ilalim nito.
Pinisil ko agad ang ilong niya habang nangingiti siya magisa, ayan sumimangot tuloy agad.
"Ang cute cute talaga ng girlfriend ko." I said.
"Pssh. Cute ka dyan? Ano ako, aso?" She snapped at saka tumalikod para ilagay yung mga padlocks namin sa rails.
"Edi... Ang ganda ganda ganda naman ng girlfriend ko!" Pangiinis ko habang nakangisi.
Yumakap ako mula sa likuran niya habang busy siya sa pagkabit ng padlocks.
"Tigilan mo nga ako, Pres!" Pagsusungit niya kahit alam kong nangingiti naman siya.
"Ayan... Now our Korea trip is complete." Sabi niya nang makabit na yung dalawang padlocks at dahan dahang humarap sa akin. "I love you." She said, sabay halik sa akin sa ilong. "Thank you for this trip. It's wonderful."
"All the best for you, love." I sincerely said, kasabay nang paglabas ko ng isang kahon mula sa pocket ng coat ko. "...and this is for you." Nanlaki agad ang mga mata niya nang makita ang maliit na kahon na hawak hawak ko. Pumula ng husto ang kanyang mga pisngi habang pabalik balik ang tingin niya sa makinang na kahon at sa mukha ko.
"Don't worry... I'm not proposing... yet." I smirked dahil kabisado ko na ang iniisip niya.
"God. I hate you! Why you always do that?" Sabi niya sabay sampal sa balikat ko. "Ang hilig mo mang ganito."
"Mang-what?"
"Yung parang magp-propose effect ka, pero hindi naman talaga. Parang last time, when you gave that VF ring. Ang hilig mo sa ganun!" Sabi niya habang nakanguso sabay kuha sa kahon sa kamay ko.