This is it!

13 0 0
                                    

"Hello :)"

Gooooosh! Nag-reply siya!!!!! ^_______________________^ Magpapaparty na ba ako? HAHAHAHAHA

"Kilala mo ba ako?"

Tapos typing ulit HAHAHAHA Ang bilis niya mag-chat, in fairness!

"Oo. HAHA Ikaw yung pumunta dito nung isang araw diba?"

"Ah oo. Ako nga HAHAHA"

Then the convo goes by HAHAHAHAHA Kinikilig ako. Grabee!

So time goes by, araw-araw na kami nagkakausap sa chat. Okay HAHAHA Kinikilig ako!!! I don't know why. Maybe it's a crush thing. Normal lang naman yun eh. He got the looks kasi. Para sakin, ideal man siya, PHYSICALLY! Well, di ko pa naman masasabi na mabait siya kasi di ko pa naman napapatunayan talaga. But he's nice! Hindi siya snobber and masipag! He got his part-time job nga sa Japan eh. 87,000 yen a month or every 15 days? Malaking pera na yun. I can say na masipag siya because a boy like him won't work early in his age kung may kaya naman family niya diba? Haaaays. Nahuhulog log log log log log log log ang ate niyo HAHAHAHA

Hindi na kami nakaulit na bisita sa lolo niya sa hospi. Hindi kasi namin alam kung nag-discharge na ba or hindi pa. It was afternoon nang ma-bad trip ako kasi pinaasa nanaman ako nila mama na kakain daw kami sa foodstrips pero hindi pala. So nag-online nalang ako. Tapos naisipan nila mama na dalawin ulit si Lolo Nestor sa hospital. Pagka-scroll ko sa news feed ko, nag-post si Tita Rizza ng "paalam na aming ama... mamimiss ka namin..." So, it just means that wala na si Lolo Nestor diba?

"Eh wala na."

"Anong wala na pinagsasasabi mo?!"

"Wala na si Lolo Nestor. Patay na siya."

"ANO???!!!"

Tapos pinakita ko yung post ni Tita Rizza. Ayun, umiyak na sila. Well, close friend na rin kasi namin sila. Kaya ayun, pumunta kami ng bahay nila agad.

Pagkarating namin, si Teresa ang sumalubong para buksan yung gate nila. Pagkapasok namin sa loob, andun silang lahat. Una kong nakita yung Tita nila. Si Tita Rachelle. Tapos sumunod kong nakita si Zaldy ^__________^ HAHAHA Okay. Back to reality. Nag-uusap silang siblings eh.

Nag-pray muna kami ni mama sa harap ng bangkay ni Lolo Nestor pagkatapos umupo ako sa katapat na chair ni Zaldy. HAHAHA Di ko yun sinadya no. Edi ayun. Kausap niya si Kuya Vincent tapos si Jayr. Gaya gaya nga siya ng position eh HAHAHA Naka-de kwatro kasi ako, pero yung panglalake style. Aba gumanun din siya! Tapos nung nangalay ako, umayos ako ng upo, umayos din siya ng upo!

Maya-maya, lumabas silang magkakapatid. Tapos tumambay dun sa kapit-bahay nilang may pisonet. Tapos nagkwentuhan lang. Medyo, ay no. MAHIYAIN talaga sila. Si Jayr lang ka-close ko ng bongga sa kanila eh.

Nang bibili ng bumbilya si Lola Violy, nag-volunteer sila mama na sa tricycle nalang namin sila sumakay para hindi na hassle at makabili na agad. Ayun, pumayag naman sila. So ibinaba muna namin yung mga bag namin sa tricycle. Kasama na rin yung guitar ko. Nakakatawa nga eh kasi parang na-amazed yung mukha niya nung nakita niyang may bitbit akong guitar. Ano? Turn-on diba Zarudei? HAHAHA

So ipinasok na namin sa bahay nila yung mga gamit namin. Actually may veranda sila, so dun namin nilagay. Tapos dun na rin ako umupo. Medyo nakakahiya rin kasi sa loob. Andun sila Tita Rachelle tapos Tita Malene. Si Tita Malene yung Mama nila Zaldy. HAHA Kung first impression ang pagbabasehan natin, medyo masungit siguro. HAHAHA First impression lang naman eh.

"Maiwan ka muna? Bibili lang kami ni Mother ng bumbilya."

"Oh sige po."

Tapos biglang lumabas si Tita Rizza, panganay na anak.

"Sige ta ako muna mama mo no?"

Tapos nangiti nalang si mama. Hay Tita! Baka po pamangkin! Magiging kami pa ni Zaldy oh HAHAHA

Edi ayun. Pagkaalis nila para bumili, naiwan ako sa veranda kasama si Teresa. Nag-offer pa nga siya ng apple kasi kumakain siya nun. Pero sabi ko okay lang. Binabantayan niya si Tom habang natutulog sa stroller niya.

Para naman hindi ako ma-bored, nag-facebook nalang ako. Naka-online si Zaldy. Nireplyan na pala niya yung message ko kanina. Magcocondolence dapat ako kasi na-late reply siya. Ngayon lang siya nag-reply.

"Uy bro."

"Hello"

"Condolence"

""

"Kumain ka na?"

Tapos nag-out nanaman. Di pa ata siya kumakain eh. Nakikipag-usap kasi sa barkada nila ng kuya niya. Si Vanister.

Tumagal, scroll, like lang nanaman ginagawa ko sa phone ko. I'm starting to get bored.

Naisipan kong lumingon kay Zaldy kung anong ginagawa niya, tamang-tama, paglingon ko, nakatitig siya sakin!

Yung feeling na titingin palang ako sa kanya pero nakatingin na pala siya sakin ❤ ilang beses ko din siyang nahuling nakatingin sakin! Gosh! HAHAHA

Maya-maya, pumasok na siya ng bahay nila. Kakain na siguro. Mga 10 minutes din tsaka siya lumabas ulit. Ang bilis naman niya kumain. Paglabas niya, may dala siyang C2! Gosh! C2! Bigla tuloy akong nauhaw! HAHAHA

"Kakatapos ko lang. Ikaw?"

"Sa tingin mo? Di pa nga kami nakakauwi eh."

"Ay edi wiw haha"

"Penge ng C2! HAHAHA jk lang."

Tapos nag-out nanaman. Nakipag-usap nanaman siya dun sa barkada nila. Tinitignan ko siya. Bawat galaw niya. Bawat buka ng bibig niya. Bawat ngiti at tawa niya. Masasabi ko nalang na SHET! ANONG NANGYAYARI SAKIN?

Tuloy parin siya sa pagnakaw ng tingin sakin. Sus! Sa kanya na nga ako halos laging nakatingin eh, malamang makikita't makikita ko.

Maya-maya, pumasok ulit siya ng bahay nila. Ewan ko ba. Parang nagpapapansin lang! Ramdam ko kasi ganun din ako kapag nagpapapansin HAHAHA nung lumabas ng bahay nila, dumiretso rin siya sa veranda kung saan nakaupo Mama niya! Sabi na, nagpapa-cute to sakin eh! HAHAHA Mga 2 meters away lang siya sakin. Actually natakpan siya ng electric fan na nakatutok kay Tom para di siya mainitan HAHAHA pa-cute talaga eh!

Mga 3 minutes lang din siyang umupo dun kasi nga din niya rin ako makita HAHAHA tumayo din siya tapos lumabas nanaman dun sa barkada nila.

Maya-maya naman, dumating na sila Mama. Tumagal parin naman kami dun ng 30 minutes. Lahat parin sila nag-momourn. Pwera lang dun sa magkakapatid. Medyo okay na sila eh.

Nang lumalim na yung gabi, nagpaalam na rin si Mama kay Lola Violy tapos sa kanila Tita.

Pagka-uwi namin, chinat ko si Zaldy. HAHAHA syempre no! Alam naaa ❤

"Ginagawa mo na?"

"Yung? Haha"

Aba pelosopo! HAHAHAHA sa bagay, mali yung tanong ko

"Ay sheyt. Anong ginagawa mo?"

"Nakaupo. Wag kang magmumura. Di bagay sa babae ang nagmumura."

"Edi wow. Grabe siya oh! "

"Hahaha"

"Magpupuyat ka niyan?"

"Oo. Babantayan ko lolo ko"

"Ay uh. Wag ka na masyadong magpuyat. Sige goodnight na. Ingat ka"

"Sige goodnight. Ingat ka din."

End of the convo. HAHAHA medyo simple muna! Start palang eh. HAHAHA oh pag-ibig!

My Summer StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon