Four - She's not okay

49 5 5
                                    

Four - She's not okay

A year ago...

"What's your dream, babe?" I asked habang nakahiga ako sa kaniyang lap habang siya naman ay binabasa yung bagong dating na libro niya from Amazon. Ayan, di tuloy ako pinapansin. Tch.

"Hmm?" She absentmindedly asked.

"Anong pangarap mo?" I repeated, at ibinaba yung libro na kanina pa niya binabasa.

Kita kong nasa kalahati na siya. Eh kanina lang niya 'to inumpisahan eh. Adik talaga 'to sa pagbabasa!

Kumunot pa ang noo niya sa ginawa ko kaya agad kong hinagod ang dalawa niyang kilay gamit ang dalawang daliri ko.

"Oh.. Nakasimangot ka na naman." Sabi ko, kaya agad nya akong nginitian. Ayan, alam na nyang nagtatampo na ako dahil hindi niya ako pinapansin. Lol.

"Sorry. Nakaka-hook kasi yung book eh."

"Lahat naman, nakakahook sayo." Tawa ko.

"Ewan ko sayo!" Sagot niya sabay pisil sa ilong ko. "Bakit ang random naman ng tanong mo?" Biglang balik niya sa topic kanina.

"Wala lang. Just answer it... Maliban sa pagiging singer at pagkakaron ng banda, ano pang pangarap mo?"

"Well... Pangarap kong yumaman." She truthfully say, which earned a snort from me. "Hey! Totoo kasi!"

"Lahat naman tayo pangarap yumaman 'no!"

"Well... Except you. Mayaman ka na."

"Edi mayaman ka na din." Pasimple kong sagot.

"If you will ask me before, bago 'tong Crescendo, isasagot ko talaga ang pagiging singer at pagbabanda. I've been dreaming about this since I was young..." And I know that. 

Alam kong mga bata pa lang kami ay mahilig na si Corr sa pagkanta at pangarap niya talaga 'to. Stage nga nya ang coffee table nila sa bahay... Well bago ito nasira. 

Kaya nga hindi ko siya pinigilan kahit na ayoko - ayoko dahil napapagod at nasstress siya sa trabahong ito. You know how stressful it can be in this kind of industry. Idagdag niyo pa yung mga walang ka-kwenta kwentang bagay na tulad ng tsismis... But yeah, because she wants this, I let her be.

"But now..." She sighed. "I don't know... Simula nung nabuo itong banda at narating namin 'tong posisyon na 'to... Yes, we're famous and successful... But alam mo yun... Its as if something is still missing... I just feel like... This isn't the dream I'm dreaming ever since... The gossips and all that... This isn't for me."

Naramdaman ko na medyo nahihirapan siya sa pageexplain that's why I caress her face - like how I usually do if I know she's feeling down. And these past few days, she's feeling down. Lalo na na may blind item na naman about sa kaniya, and this time naiinvolve na ang sitwasyon ng Mommy niya. She's not taking this well at napapansin ko yun. Napapadalas ang pagkakatulala niya, and I know how paranoid she could get. Its making me worried.

"I just want to create music... To share my passion in music... But with all these... Baggage. Ang hirap. Ang hirap gawin." She sighed, and it hurts me even more na nakikita kong nahihirapan na siya ng ganito pero hinahayaan ko pa din siyang gawin 'to, because I know she loves what she's doing and she worked hard for this. Damn it. I'm so torn--

Nang bigla kong maalala yung lyrics notebook niya.

"Wait here." I said at mabilis na kinuha mula sa bag niya yung lagi niyang dalang kulay yellow na notebook. "Here."

"Ano 'to?"

"Lyrics notebook mo." I said.

"Duh. I know." Halakhak naman niya. "Anong gagawin ko dito?"

What happened to her? Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon