#Fear 12: The Gangs

4.1K 137 11
                                    

#Fear 12: The Gangs


Xenzel's POV

Monday na naman ngayon kaya maaga na naman ang pasok namin. Tulog pa yung roommate kong si Olivia noong umalis ako.


"Good morning, Xen." Napalingon ako sa bumati sa'kin. Si Nate pala.

"Hi Nate! Good morning." Bati ko rin sa kanya.

"May klase ka na?" Lumapit siya sa'kin at sabay na kaming naglakad sa hallway. Konti na lang yung mga estudyanteng nasa daan.

"Oo. Ikaw? Sa third floor ba ulit klase mo?"

"Wow, natatandaan mo pa pala." Ngumiti siya. Ang cute-cute niya kapag ngumingiti. Naniningkit kasi yung mga mata niya.

"Oo naman. Sabay na tayong umakyat?"

"Sa hagdan tayo dumaan, pwede?" He asked and I looked at him.

"Bakit?"

"Para makapag-usap pa tayo nang mas matagal...I guess?" Binigyan na naman niya ako ng isang nakakaaliw na ngiti kaya naman tumango na lang ako't ngumiti din sa kanya.

"Dinadala mo'ko sa ngiti ah." Bulong ko sabay akyat sa hagdang nasa dulo ng hallway.


I heard him chuckle in amusement. Loko 'to ah. Pasalamat ka cute ka.


"Anyway, you seem famous in this university." Pag-oopen topic ko.

"Bakit mo naman nasabi yun?" Nakangiti pa rin siya.

"Well, by the stares I get whenever I'm with you."


Bigla siyang natahimik.


As in TAHIMIK talaga, at nawala rin yung maliwanag niyang ngiti.


"W-Why?" Nagtataka akong nakalingon pa rin sa kanya habang umaakyat.

"Uhh... Well..." Napalunok siya at binigyan niya'ko ng palihis na ngiti at yumuko siya. "I was famous." Dagdag niya sabay buntong-hininga. "And I still am. But it's not what you expect it to be."


Naguluhan naman ako dun.


"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo kong follow up question sa kanya.


Tinignan niya ang relong suot niya at nanlaki ang mga mata niya.


"L-Late na pala ako! Mauna na'ko, Xen!" Bigla niyang pamamaalam sabay takbo paakyat sa ikatlong palapag ng building.


Napanganga na lang ako habang pinapanood siyang tumatakbo paakyat.


What the hell was that..?


Inihakbang ko ang isa kong paa habang nakatingala pa rin sa kung nasaan siya kanina nang bigla itong nabunggo sa isang baitang ng hagdan at natalisod ako!


"Ahh!" I squeaked and tried to grab the railings pero nabigo akong gawin 'yon at nahulog ako—

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon