Moving On

515 9 2
                                    

Marahil ay nandito ka ngayon at binabasa ito dahil sobrang sakit na ng nararamdaman mo at desperada ka ng umusad. Hindi ko masasabing pagkatapos mong basahin lahat ay okay ka na pero sana makatulong. Isang mahigpit na yakap at tapik sa balikat kaibigan, alam kong masakit pero sabi nga ni John Green, "that's the thing about pain, it demands to be felt."

Basahin mo na, balik ka ulit kapag okay ka na. Balitaan mo ko ha.

1. Itanong mo sa sarili mo kung handa ka na ba talagang mag-move on. Kadalasang napagkakamalian yan. Akala mo kasi ready ka na hindi pa pala.

2. Matulog ka. Kung sa panaginip mo sumulpot pa rin siya it's time for you to wake up, bangungot tawag dyan. Pero seriously, nakakawala ng isipin ang pagtulog. Nasasaktan ka man ngayon at least hindi ka puyat.

3. Maligo ka para maging fresh naman ang utak mo at makapag-isip ka ng maayos.

4. Isulat mo lahat ng gusto mong sabihin sa kanya sa isang notebook o kahit saan man basta may mapaglagyan ka ng sama ng loob mo.

5. Manuod ka ng movies. Huwag love story ha, mas maganda kung horror, mystery tsaka tragedy. Isipin mo na lang ang namatay ay yung nanakit sa'yo. Umiyak ka na rin ng todo para damay na rin pati ang sama ng loob mo. Try mong panuorin ang Miracle In Cell, tulo pati uhog mo doon.

6. Ibaling mo sa ibang bagay ang sakit. Halimbawa sipain mo ang mga bato na nadadaanan mo o kaya ay magbasag ka ng pinggan tapos isipin mong siya yon.

7. Sunugin mo lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya. Siyempre yung mga mahal talaga (e.g. Cellphone, tablet, sapatos atbpa.) ay itago mo na lang, sayang kasi.

8. Makinig ka ng music. Dapat yung makakatanggal ng stress, don't play a song na alam mong maaalala mo lang siya. Iwasan mo makinig sa mga malulungkot na kanta kasi nakakaapekto lang yan sa mood mo. Try listening to chill songs muna.

9. Magstar-gazing ka. Tingnan mo nang maigi ang buwan at mga bituin. Ang sarap sa pakiramdam. Isipin mo nga ang buwan, ilang milyong taon na siyang mag-isa pero nakaya naman niya 'di ba? Did you see it crying? Hindi 'di ba? Isipin mo pati, yung taong nanakit sa'yo, parang buwan na iiwan ka din pagdating ng araw.

10. Try mong mag-isa sa kwarto. Okay lang na umiyak pero isipin mo kung ano ka bago siya dumating sa buhay mo. Kung walang-wala ka before he/she came, walang-wala ka din naman nung umalis siya, mas malala pa nga. Isipin mo na lang may darating pa diyang iba na hindi ka hahayaang masaktan ng ganyan.

11. Kumain ka ng spicy foods hanggang sa hindi mo na mapigilang uminom ng tubig. Then umiyak ka. Ilabas mo sa pagkain na yan ang sakit. Crying won't help a lot, pero nakakaalis siya ng kahit konting sakit.

12. Hang out with friends. Ipagpatuloy mo lang ang buhay mo. Sa ganyang paraan hindi mo siya laging maiisip. Kung kasama siya sa circle of friends mo then sa mga pinsan mo ikaw lumapit. Enjoy your life, because it's too short to be wasted.

13. Itext mo siya using other number, murahin mo, i-trash talk mo, ipaalala mo sa kanya kung gaano siya kawalang kwentang karelasyon para maitama niya ang pagkukulang niya.

14. Mag-isip ka ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa kanya. Reverse Bittering ang tawag diyan. Gaya ng kung gaano kabaho ang paa niya, tamad siya maligo, jejemon siya, basta ganun. Masama mag-isip ng masama sa kapwa pero hayaan mo na, gago siya.

50 Ways to Move OnWhere stories live. Discover now