French Fries <3

11 1 0
                                    

A/N: First story for this part! Hope you like it!


~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~¤~

Dumaan ako dito sa McDo para umorder ng paborito kong french fries! Yeah, Fave. niyo din ba ito? Love na kita kung gusto mo rin 'to. Hihihihi

Papasok na ako sa loob at..

Huwaaatt???!!!!! Bakit ang haba ng pila bellies dito? Anubayan may gala pa naman ako ngayon.. Grrrr.... hayaan mo na, just do it for the fries gurl! T^T

..............

Shocks!! Antagal naman!!! Kanta muna tayo para tanggal inip.

"Mahal kita pero~

Mahal kita pero~

Mahal kita pero,pero,pero ooohh~."

"Ano pong order niyo ma'am?"

" 'di puwede kay nanay 'di puwede kay-- ay! Ano po?"

Sino naman tong hampaslupang kutong lupa na 'to para istorbohin ang kanta ko?

"Ano pong oorderin niyo?"

Ako na ba? Yesss!! After 10 billion years naabot ko din itong counter na 'to!

"French fries."

"French fries lang po ba? Bawal po kasi ang french fries lang kailangan po may drinks or something na may kasamang french fries."

"Edi french fries with mcburger and cola. Sus common sense naman diyan!."

"Sige po maam. Paki hintay nalang."

And again, after 3 thousand zillion years.

"Eto na po order niyo ma'am."

Hindi ko na siya pinansin at kinuha na ang paperbag na may letter m. Pero siyempre nag bayad ako noh! Anong akala mo sakin, thief? Hehe joke peace tayu!

Pumunta ako sa basurahan at tinapon ko ang burger at cola ko. 'tas frenchies ko nalang ang natira. *___*

Hindi ko pa nasusubo ang hawak kong french fries nang may nabunggo akong french fries-- ay este lalaki pala. T___T waaaaaahhhhhhhh!!! tumalsik yung french fries ko!

"Uwaaaaahhhhhhhh!!!!" iyak ko at pinaghahampas ang kung sinumang lalaking ito, wala akong pake kung sino siya basta ang alam ko lang pinatay niya yung french fries ko!

Ako lang ang may karapatang pumatay sa french french fries ko at hindi ikaw! Kiking ina mo bantut!

"Uwaaahhh!! Pumila ako nang pagka haba haba doon tapos anong ginawa mo?!!! Pinatay mo! Uwaaahhhh!." hagulgol ko habang di ako nakatingin sakanya.

"I'm sorry miss,oh heto sayo nalang ang french fries ko. Favorite ko pa naman yan."

Natauhan ako bigla.. French fries ba kamo?

"Fe-french fries?" tanong ko sakanya habang nakayuko.

"Oo sayo nalang, cheese yan."

Hindi na ako nag dalawang isip pa at hinablot ko yung nasa kamay niya.

"Thank you very much! Buti nalang at may fren-- Ikaw?!!"

Bigla akong nakaramdam ng inis at galit.

Binalik ko sakanya ang french fries niya at nag simula nang maglakad paalis.

"Teka Zaira, akala ko ba gusto mo 'to?."

Hindi ko alam na sinusundan niya pala ako.

"Uy, ano bang problema mo? Bakit lagi mo akong iniiwas--"

"IKAW, IKAW ANG PROBLEMA KO! KAYA PLEASE LEAVE ME ALONE!" nagulat nalang ako nang napataas ko ang boses ko.

"Ano bang sinasabi mo Zaira? Bakit iiwan kita? Alam mo bang m-mahal kita?" sincere niyang sabi. Hindi, wag kang magpapauto sa sinasabi niya, niloloko ka lang ng salita niya.

"Hindi ba mahal mo din ako? Nung time na sinabi mo yun alam mo ba na ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo na halos hindi na makatulog tuwing gabi? Sa tingin ko sobrang mahal na mahal na talaga kita..."

Yayakapin na niya sana ako pero umiwas ako.

"P-please... tu tumigil ka na..." nakayuko ako dahil papatak na ang mga luha ko. Biglang nagflashback ang mga alaala ko nang tumulo ang luha ko



Si Mark ay ang nag iisa kong matalik na kaibigan..lahat nasa kanya na... Guwapo, famous, captain sa basketball, at mabait.

Matagal ko na siyang gusto kahit hindi niya pa ako kilala.. Pero nagkakilala kami dahil magkatabi kami nang upuan. Naging close kami. At yun na nga... Habang tumatagal ay lalo akong naiinlove sa kanya..

Hanggang dumating ang tamang araw, magkikita kami sa likod ng school at ako mismo ang mag coconfess ng feeling ko para sakanya..

Dumating siya sa tamang oras at lugar.. At kaming dalawa lang ang nandoon.

"Ziara, may sasabihin ka?"

Eto na oras na para sabihin ang totoo.

"Uhmm... M-Mark? Sa tingin ko mahal na kita.."

Hindi siya nakapagsalita at nakatingin lang siya sa akin.. At hihintayin ang susunod niyang sasabihin..

"Ziara, may girlfriend na kasi ako.. At mahal ko siya. Meron ding lalaking para sa iyo. Kalimutan mo na ako." umalis na siya pagkasabi niya non.

Sa oras na iyon halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.. At nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

Lumipas ang maraming panahon pero hindi ko na siya nakikita, at hindi narin siya pumapasok.

Nakatulong din iyon sa pag mo move on ko, ang hindi siya makita. Lahat ng tungkol sa kanya ay nakalimutan ko na..

Pero heto siya ngayon.. Nakatayo sa harapan ko..

"Sa totoo lang, nung araw na yon wala akong girlfriend.. Ni wala nga akong first girlfriend eh.. Kasi sine save ko yung pwesto nayun dito sa puso ko... Ang trono mo.."

Napapaniwala niya ako sa lahat ng sinasabi niya pero nilalabanan ko iyon.

"Bakit ba napakasinungaling mo?"

Ngunit parang hindi niya naririnig ang mga pinagsasabi ko at tuloy tuloy lang siya sa sinasabi niya..

"Kasi kung naging tayo nung araw nayun, alam kong masasaktan ka.. Napakasakit para sa akin nung sinabi kong kalimutan mo na ako.. Kaya wala ako araw araw sa school... Hindi ibig sabihin na iniiwasan kita.. Lumipat kami ng states para makapagaral ako ng mabuti doon.. Nagsumikap ako, ikaw ang naging inspirasyon ko..."

Patuloy na tumutulo ang mga luha ko at hindi ko maibuka ang bibig ko dahil naniniwala ako sa mga sinasabi niya...

"Sabi ng tatay ko pag nakapagtapos na ako pwede na akong pumunta kahit saan... Kaya dito ako tumungo para makita ka.... Bumili pa naman ako ng french fries.."

Inangat niya ang ulo at muling nagsalita....

"Ziara, would you be my girlfriend."

Hindi ko maipaliwanag ang sitwasyong ko ngayong basta ang alam ko sobrang saya ko ngayon.. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang ang napaka guwapo niyang mukha..

"Silence means yes.... I love you Ziara."

I just closed my eyes and I felt his soft lips touched mine.

~~~~~~~~~~TheEnd~~~~~~~~~~~~

A/N: Vote and comment for more!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon