Ten - She's back

66 5 7
                                    

Note: This the newest update. (Chapter 9 was from last year pa lol.)

Sorry, I forgot Bettina's surname -_-

Ten - She's back

Nagpalitan kami ng numero ni Steve nang malaman niya ang madalas na pagbisita ko sa Seattle. Sabi niya ay magastos daw ang ginagawa ko, kaya iu-update na lang daw nya ako thru text at email.

Ang sa akin naman ay walang kaso iyon. This is Corr we're talking about. Walang kahit anong gastos ang makakatapat. Basta sya.

Kaya nga ako nagttrabahong maiigi eh... Para sa kaniya... Para sa kanila.

But well, sino ba ako para tumanggi. Kahit balita lang tungkol sa kaniya ay masaya na ako...

From: Steve

We'll be in the Philippines a week from now. Madaling araw ang dating namin. I emailed you the flight details.

Halos apat na taon din ang ginugol sa buong program ng therapy ni Corr. Naging mahirap para sa akin, pero kung sa ikakaayos naman ng mahal ko - ay maikling panahon lang iyon.

I'm not with her the entire time, but I made sure I'm involved.

Tumulong ako sa lahat ng bayarin ng kaniyang therapy, pati na din ang pagaayos ng papeles nilang magkapatid sa ibang bansa. Lahat lahat. Para lang kahit papano, ay maibsan ko ang kakulangan ko sa kaniya.

Ipinangako ko sa sarili ko na maging maayos lang si Corr at malagpasan niya ito ay siguro'y makukuntento na ako.

Then maybe I'll let her go...

Siguro ay sasaya na din ako.

Gusto ko lang siyang maging maayos at bumalik sa dati. Kasalanan ko naman din ang lahat ng ito.

Maybe that's the only time I could move forward.

From: Steve

And dude, I heard from Tita Cecille. You didn't need to do that. Sobra sobra na ang tulong mo sa amin.

To: Steve

Wag mo ng isipin yun. Safe flight. May magsusundo na ba sa inyo? Should I send Rico?

At dahil sumama si Steve kila Corr ay walang naiwan para sa kanilang ina. Nandyan naman ang iba nilang kamaganak to support, pero syempre iba pa din yung madalas bumibisita sa kaniya. Normal ko naman ng routine 'yon - ang pag dalaw sa kanilang ina.

Gusto ko lang, pag naging maayos na si Corr, kasabay noon ang Mommy niya. And I'm positive na malapit na 'yon.

From: Steve

Si Kyle na daw ang bahala. Sa kanila na muna kami tutuloy habang hindi ko pa naaayos yung sa condo.

Gusto kong umalma, gusto kong sabihin na hindi naman nila kailangang dun pa tumuloy. I got a lot of rooms in my place. Pwede sila doon. I can move out and they can stay for a while. At isa pa, hindi ko naman pinabayaan ang condo nila sa Tuscany. I maintained it for the past few years... Inasikaso ko lahat, kasi gusto ko paguwi niya, wala na siyang iisipin pang iba.

Pero ayoko din namang manguna. I feel like I lost my place in their lives for what happened to Corr... Na dapat ay sa sideline lamang ako... I can't cross that line anymore.

Wala na akong karapatan.


To: Steve

Ganoon ba? Sige, let me know if you need anything...


What happened to her? Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon