PROLOGUE

50 3 0
                                    


"Congratulation anak." Tipid akong ngumiti Kay mama.
"Thank you po mama."
"Saan ka magkolehiyo anak?" Inosenteng tanong nya.. Nagkibit balikat ako.
"Hindi ko po alam Kay Papa."tipid nya akong ngitian at inakay papunta sa sasakyan nila.. Today is my graduation in highschool. Luckily I'm the school valedictorian..
Maraming malalaking eskuwelahan ang nagalok sa akin ng scholarship dahil doon.. Ngunit wala pa akong pinauunlakan kahit isa sa kanila. Si papa daw kasi ang mamimili ng eskuwelahan na papasukan ko sa kolehiyo..

"Saan mo gustong kumain anak?" tanong ni mama ng makasakay na kami sa sasakyan nila..
Bago ako sumagot ay pinasadahan ko muna ng tingin ang loob ng sasakyan.. Nasa driver sit si Tito Austin( asawa ni mama) habang si mama naman ay nasa front sit at sa tabi ko ay si
Paul na busy sa kanyang cellphone.
Kumpleto sila.. Buti nalang sila nag effort na magpunta.. Kahit alam Kong Hindi ganon kabukal sa puso pero at least nagpunta sila di tulad ni papa.

" kayo na po ang bahala mama." Ngumiti ako Kay mama. At ngumiti sya sakin pabalik.

Tahimik ako sa buong biyahe..
Minsan ay sinusulyapan ko si Paul .. But he didn't bother to pay attention.. Buong biyahe ay nasa cellphone lang ang kanyang atensyon.. Isang beses ay tinanong ako ni mama kung kamusta ako sa bahay nila papa. I give her my usual honest answer.

"OK, naman po ma. Mababait naman po sila pero alam nyo na , na Hindi maaalis sa kanila ung galit ,minsanang pagsusungit at pagiging bias." Tumango tango lang si mama at Hindi muling nag tanong. And the car filled of silence again. Ganon lang , hanggang sa makarating kami sa isang fancy restaurant ..
Natagalan pa kami sa paghahanap ng table dahil halos puno na ung restaurant. Buti na lang at may natapos na kumain. Kaya na kahanap na kami ng mauupuan

" Ia , ano yung order mo?" Tanong ni mama sakin. Sumulyap akong muli sa menu. At binasa ung pangalan ng order Kong pagkain.

"Iyon lang po ba ma'am?" Tanong ng waiter ng masabi na namin isa isa ung mga order namin.
Isa isa kaming tiningnan ni mama. Humindi ung mag ama. Ako naman ay umiling lang.

Mabilis dumating ung order naming pagkain. Agad naman kaming nagsimulang kumain .. Tahimik rin kami wala ni isang nagsalita. Tunog lang kubyertos namin ang maririnig. We didn't look celebrating para pa nga kaming nagluluksa.
My mother start a topic kaya kahit papaano ay naibsan ang tensyon na bumabalot sa among hapag.

"Anak anong kurso nga pala ang kukunin mo.?"

"Education po, pero di pa po ako sigurado , wala pa po kasing approval ni papa." Sagot ko .. Sumubo muna si mama ng pagkain nya bago muling nagsalita.

"Ganon, pero anak sa tingin ko ay papayag naman si Frederic kung hihilingin mo na iyon ang gusto mong kuning kurso." Mapait akong ngumiti Kay mama.. Sa palagay ko ay Mali ang tingin nya .. Oo, papayag si papa pero kokontrahin kaagad iyon tita Willa o di kaya ay ni Lola.. Kaya Hindi ko na lang nanaisin na hilingin yon dahil bukod sa pagkontra ay may masasakit pa na salita pa akong matatanggap sa kanila.. Kaya mananahimik na lang ako at susundin kung ano man ang magiging desisyon nila.

Hindi na muling umimik si mama.. Nayari kaming kumain , hanggang sa paghatid nila sa akin sa bahay ay ganon din ang naging eksena.

"Pakabait ka anak ha, palagi kang mag iingat at alagaan mo yung sarili.. Mahal na mahal ka nang mama." Bilin sa akin ni mama. Niyakap nya ako at hinalikan ang aking ulo.. I really hate this part. Yung magpapaalam sya sa akin..
Hindi ko na pigilan ang pag iiyak .. Matagal nanaman kaming di magkikita ni mama.. Kahit konting oras ko lang syang nakasama ngayon ay ramdam ko ang pagmamahal nya bilang isang ina.. She so sweet and loving mother.. Kung pwede nga lang na sa kanya ako tumira ay gagawin ko. Ngunit Hindi pwede.. Hinding Hindi pwede.. Dahil masyadong kumplikado ang lahat. At ayoko ng makidagdag pa doon.

"Loreta, ano ba bilisan mo naman.!!" Sigaw ni Tito Austin Kay mama. Agad namang kumalas sa pagkakayakap si mama sakin. Mabilis nya akong hinalikan sa noo atsaka nag 'I love you.' .
Hindi kaagad ako pumasok , pinanood ko pang umalis ung sasakyan nila. Na mabilis namang nawala dahil sa pagpaharurot ni Tito Austin dito.

Marahan Kong pinunasan ang luha sa pisngi ko bago ako pumasok.

"Good evening ma'am Ia .." Bati sa akin ni Karen isa sa mga batang katulong dito. Tipid akong ngumiti sa kanya at tuluyan ng pumasok.
Nagtaka ako ng wala akong nakitang tao sa sala. Kaya pumunta ako sa dining area pero wala rin tao doon . Asan kaya sila? Hindi naman pwedeng na sa mga kwarto na dahil maaga pa naman.

"Manang Feli , asan po sila?" Tanong ko sa mayordoma ng bahay na ito.

"Wala sila , nag celebrated dahil graduation nga ni Lilaine ngayon di ba." Oo, nga pala.. Graduation nga pala ni Lilaine ngayon bakit ko pa nga pala tinanong eh nakita ko pa nga pala sila sa school kanina..

"Kasama po si papa?"

"Oo yata , ay sya nga pala kumain ka na ba Ia?" Ano pa nga ba aasahan ko , palagi naman syang free pagdating sa kanila. Palagi sya nakakagawa ng paraan para makapunta kahit sobrang hectic ng schedule nya.

"Opo , tapos na po." Hindi na nag abalang mag tanong si manang kung saan ako kumain.

Mapait akong ngumiti at naglakad na paakyat sa kwarto ko.
I'm alone again.
Hindi ko na napigilan ang umiyak muli.. Probably he forgot my graduation. Bakit pa nga ba ako magtataka birthday ko nga nakakalimutan nya..
Padarag akong humiga sa kama.
I cry , cry and cry.
Bakit ba kasi Hindi ako masanay eh palagi namang ganito. He always forget , they always forgotten me.. Like I'm not existing. Nag e-exist lang ako kapag may iuutos sila. Papansinin nila ako minsan. Pagagalitan at pagsasalitaan lang ng masama..
I never feel the love inside this house. I feel suffocated inside here. Lahat na kasama ko dito ay galit sa akin katulong lang ang may magandang pakikitungo.. Hindi kasama si papa don pero Hindi ko parin nararamdaman ang pagmamahal nya bilang isang ama.
Dala ko lang ung family name nila ngunit kailanman ay Hindi ko pa naramdaman ang pagiging parte ng pamilay nila. I never feel him being my father. I never feel that I'm part of their family.

AND I LOVE YOU SOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon