Shes's a friend of mine.
Badtrip. Hindi ako makatulog dahil sa sinabing 'yon ni Jules.
Bakit naman ganon? Bakit friend lang? He used to be my ex. 'Di man lang niya sinabi sa'kin ang totoo.
Ano naman kaya ang dahilan niya. Ano, na c-creep out ba siyang aminin ang totoo? Na baka magalit ako sa kanya kasi kapatid/kambal ko ang naging ex niya?
Mygod! Ganon ba 'yon? Ang sakit sakit lang. Friend? Dafq.
Sa ibang tao ba ganon ang pakilala niya sa'kin noong kami pa?
Hays. He doesn't know what i've sacrifice just to see him again.
Tapos friend? Wow ha? 'Di man lang sinabing 'ex ko ang kapatid mo' i know that is very akward, pero 'di ba niya inisip na may connection ako sa tong 'yon? Na anytime pwede kong tanungin 'yon at sabihin sa kanyang sinungaling siya. Hays.
Stupid. Ang stupid ko. I feel so jerk. Simpleng ganong salita sobrang sakit na para sa'kin. No not that just simple. Beacause i am so very inlove with him.
Argh. Kahit pa na weekend bukas ayoko pa rin magpuyat pero binibigyan ako ng dahilan ng lintik na ex kong 'yan.
Hindi ko na alam ang next move na gagawin ko lalo pa't nagpapanggap akong lalaki. May posibilidad na pagkamalan talaga akong bakla.
Pero paano na lang ang plano ko? Argh nakakabanas.
Tinignan ko ang mga kasama ko dito sa dorm. Ang hihimbing na ng tulog nila. Pinagmasdan ko si Daniel.
Si Daniel. Tama si Daniel gagamitin ko siya para mapalapit kay Jules.
Pero paano? Aamin ako sa kanya? No hindi pwede.
I have to make a move. Pangit man tignan na lalapit lapitan ko siya kahit pa na nagpapanggap akong lalaki but i don't have a choice.
Hay, bahala na si batman.
---
The next morning.
Ayun, maga ang mata ko kasi umiyak din pala ako kagabi and at the same time puyat.
Nagpaalam ako kay ninong na uuwi ako ngayon kay mommy at pumayag naman siya.
Nagpunta ako dorm at kinuha ko lang yung mga importanteng bagay. Sinecure ko rin mabuti ang small size cabinet ko roon to make sure na walang makakakita sa mga pang girl staff ko.
Nang makalabas na ko ng dorm agad akong nagtungo palabas ng university.
Pumara ako ng taxi.
"Saan po tayo sir?" tanong nung manong driver.
Sinabi ko naman sa kanya yung address.
One hour ang biyahe. At balita ko traffic ngayon. Kaya minabuti ko na lang na mag-soundtrip.
Ganito naman ako eh kundi boring or naghihintay, nag-s-soundtrip lang ako.
Bumibigat nanaman yung pakiramdam ko. She's a friend of mine.
Lintek! Bakit ba nag-e-echo pa din yung boses niya?
