Sabi nila, "Blood is thicker than watter." pero bakit? Bakit mas pinipili mo pa ang iba kesa sa sarili mong kadugo? Hindi pa ba sapat na iisa ang dugong nanalantay sa atin? Wala bang halaga ang pagiging magkapatid natin?
Tanong na lagi kong gustong masagot mo. Ngunit wala na atang pag asa na masagot ito. Wala na ang Dess twins. 'Di na tayo iisa.
Kaya napag pasyahan ko na sa dadating na Summer, mag hahanap ako ng mga bagong kaibigan. Mga taong totoong tatanggap sakin. At pahahalagahan ako kahit hindi kadugo. Mga ka-fling na alam mong di ka sasaktan dahil una palang alam mo na ang limitasyon ninyo.
At dito na mag sisimula ang aking, Summer Flings