Chapter 1: Ang buhay ng isang Anika Yang. ^^

27 0 0
                                    

Anika’s P.O.V.

Pagkatapos akong sermonan kanina ni daddy naligo ako agad at nag-ayos ng sarili may pasok kasi ako ngayon. Inaantok pa nga ako dahil kakauwi ko lang kaninang 6 AM tapos ginising ako agad ni daddy ng 6:30 AM.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili kinuha ko ang bag ko at bumaba na ako para magbreakfast. Naabutan ko sa mesa sina mommy at daddy na kumakain. Nang makita ako ni manang pumunta na siya ng kusina para kumuha ng plato at mga kubyertos.

“Ibalik mo yan sa kusina. Ayokong kasabay kumain ang batang yan.”

Sinabi naman ni daddy yun ng makita ako. Tinanguan ko si manang para sundin niya si dad. Syempre hindi ako papayag na hindi makakain ng breakfast kaya pumunta ako sa kusina at kumuha ng plato. Pinayagan ko si manang na ibalik yun para hindi siya mapagalitan pero kakain parin ako noh! :p

“GoodMorning, mom.” Bati ko kay mommy nang makaupo sa upuan ko.

Bigla namang tumayo si daddy nawalan na daw kasi siya ng gana. Ako naman ay patuloy lang ang pagkain habang si dad ay umalis na papuntang office. Nung makaalis si dad tumayo na rin ako at tumayo na rin si mommy. Sinalubong ko siya sabay halik sa pisngi.

“Bye, mom. Bye, manang. Manong Jules, tara na ho.”

“Bye anak ingat.”

“Sige po.”

Sumakay na ako ng kotse at pinaandar na yun ni manong Jules. Nang makarating kami sa school umalis agad si manong at sinalubong ako ni Pam ang bestfriend ko.

“Anikaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” sigaw ni Pamela habang tumatakbo.

Sandali siyang tumigil sa harapan ko para maghabol ng hininga tsaka siya nagsalita.

“Anika, ako yung napili para maging exchange student sa Pilipinas. Pupunta ako ng Philippines. *_* Ang saya saya ko.”

“Dun mo tatapusin yung natitirang 2 months mo sa college? Magsasayang ka lang ng pamasahe.”

“School naman gagastos e. Mamaya na nga yung alis ko e.”

“Agad agad?”

“Oo. Dapat kasi nagpasa ka din ng form para magkasama tayo.”

Di ko na siya pinansin dahil nagtatampo ako sakanya hindi niya naman kasi sinabing nagpasa siya ng form tapos sasabihin niya dapat nagpasa ako kung alam ko lang edi sana nagpasa din ako para makapunta ng Pilipinas at makaharap ko na yung nanggago sa ate ko.

“Uy, bakit mo naman ako iniwan dun? Ikaw talaga wala kang kasweet sweet sa kaibigan mo. Di mo manlang ba sasabihing ingat ka ah. Iloveyou.”

“Hindi.”

Bigla naman siyang sumimangot at tumigil sa paglalakad kaya napatingin ako sakanya.

“Pam, ayan na yung service niyo oh. Bye na.”

Niyakap ko siya tapos bumitaw at naglakad na ulit. Bigla namang may bumusinang kotse kaya napalingon ako. Si manong Jules pala yun. Lumabas siya ng kotse at tumakbo palapit sa akin.

“Oh? Bakit kayo bumalik manong may naiwan ba ako?”

“Wala pero may kailangan tayong puntahan.”

“Saan ho?”

“Basta tara na.”

“Osige tara na”

Nung makalapit sa kotse agad agad akong sumakay at agad yung pinaharurot ni manong Jules. Dahil nga inaantok pa ako ay nakaiglip ako ng saglit at pagdilat ko ay nasa kotse pa rin kami. Sumilip ako sa bintana para tignan ang paligid at napansin kong papunta kami ng airport.

“Manong papunta na po ito ng airport ah. Saan po ba talaga tayo pupunta?”

“Sa airport nga tayo pupunta.”

“Ha?”

“Gusto po ng daddy niyo na itransfer kayo dun sa Philippines na branch ng school niyo para daw hindi na niya kayo makita.”

“Aba, ayoko! Itigil mo to manong!”

“Hindi pwede Nika magagalit ang daddy mo sa akin.”

“Tatalon ako dito.”

“Sige nga tumalon ka.”

Aba hinahamon ako neto ah. Agad kong hinawakan yung pinto at umakmang tatalon.

“Tatalon na ako.”

“Sige lang.”

“Manong tatalon talaga ako!”

“Eto na ihihinto na.”

Inihinto na nga ni manong. Bababa na sana ako kaya lang naisip kong pupunta din naman si Pam ng Philippines edi pupunta nalang din ako.

“Ayy, manong tuloy nalang po tayo.”

“Hindi. Wag na ayaw mo e.”

“Gusto ko na manong tara na.”

“Wag na po.”

“Gusto ko na nga! Tara na!”

Agad namang pinaharurot ni manong ang sasakyan. Maya-maya lang nakarating na kami ng airport. Pagdating ko dun nandoon sila mommy at manang Tessie parang may kulang? Bakit wala si daddy? Hindi manlang ba siya magpapaalam sa nagiisa niyang natitirang anak? Sus. Ako na nga yung aalis para maging okay buhay niya e. Hehehe. Naaawa ako sa sarili ko sana di ko nalang siya inaway kanina ano nalang sasabihin ko kay Pamela pag nakita niya ako dito sa airport ‘pinalayas ako ni dad kaya sasama nalang ako sayo sa pinas’ nakakahiya yun.

Bigla ko namang nakita si Pamela at yung mom and dad niya pati yung teacher na maghahatid sa kanya sa Philippines. Hay, buti pa siya kasama niya dad niya. Kahit naman lagi kong binabastos dad ko mahal ko yun kaya lang bastos din siya sa akin e kaya gantihan lang. :p

Nilapitan ako agad ni mom tapos niyakap umiiyak siya pati si manang lumuluha. Niyakap ko rin si mom tapos si manang naman.

“Anak, magiingat ka. May mga katulong ka na dun sa bahay natin sa Pinas tapos may kotse din dun sayo na yun ikaw na bahala kung gusto mo ng driver. Kakain ka sa oras ah. Pasensya ka na sa dad mo. Ikaw naman kasi tinarayan mo pa kaninang umaga e yan tuloy tinuloy niya yung plano niyang isend ka sa Philippines. Anak, Iloveyou. Your dad also loves you. Take care. Okay? Your dad will miss you ako din. Pupunta nalang kami ng  dad mo dun pag…..” Pinutol ko yung sinasabi niya nagsisinungaling na kasi siya e.

“Stop! Dad will never love and miss me. See, wala siya dito.”

“He’s just busy.”

“Busy? Damn it. Pag si ate kahit busy siya gagawa siya ng paraan para di magalit si ate.” Gosh. Eto nanaman ako nagseselos sa patay. Hayyy.

Yumuko lang si mommy tapos niyakap ako. Lumapit ako kay Pamela dahil tinawag na yung flight namin nag-usap muna yung teacher na kasama namin tsaka mommy ko tsaka kami umalis at sumakay sa eroplano.

Nung umadar na yung eroplano natulog ako saglit. Pagkagising ko agad kong tinignan yung cellphone ko hoping that dad text me na but wala. Miski one word na bye wala. Sabi na e he will never love me like he loves ate Annya. I’m just his daughter that’s all. Hayy, ang drama ko na.

Tiningnan ko yung labas. Ang ganda ng ulap nasan kaya dito si ate? Hihi. ^_^ I wish makita ko siya and I will tell her 'Unni, please tell daddy that I love him and please tell him also to love me back.’

Unexpectedly InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon