TASHA'S POVDi ko alam kung gagana ba to ang plano ni Maxine sa amin ni Tristan pero kailangan ko ihanda ang sarili ko kung sakaling masaktan ako ulit. Ganun na ba talaga ako ka tanga para pumayag pa sa ganito? Nagpaka-tanga na ako noon, pati ba naman ngayon?
Haist! Kahit na maging desperada na ako ngayon, gagawin ko ang lahat saloob ng 30 days na yun mahalin lang ako ni Tristan pero kung hindi niya akong magawang mahalin kahit masakit tatangapin ko ulit. Pero ano ba ang dapat kong gawin para magawang mahalin niya ako? Marihap ba ako mahalin? Marami namang nagkaka-gusto sakin pero yung kaisa-isa kong gusto eh di ako magawang mahalin? Ano ba ang mali sakin?
Nandito ako ngayon sa veranda ng aking condo. Nagpapahangin lang at nag-iisip kung ano ang mangyayari sa pagka-desperada kong ito? Maagang nakatulog si Maxine dahil pagod na pagod raw siya sa pagwo-work out para ma achive na rin daw niya yung goals niya. Ewan ko sa kanya nagwo-work out pero kain pa rin ng kain.
Kahit kailan may pagka-boboness talaga yan si Maxine. Biglang nag-ring yung cellphone ko. Tiningnan ko kung sinong tumawag si kuya pala kaya sinagot ko na kaagad. Renzo Madrigal nga pala pangalan ng kuya ko, matanda lang siya sakin ng 2 years at na sa America siya ngayon dun kasi siya pinag-aral ni mommy at daddy. Minsan kami yung bumibisita sa kanya dun kasi busy daw siya. Busy daw!? siguro puro babae lang inaatupag nun!
Tasha: "Oh kuya ba't ka napatawag?"
Renzo: "Hi lil' sis miss na kita, kelan ka bibisita dito?"
Tasha: "Ikaw kaya ang pumunta dito kuya. Nakakapagod rin kaya pumunta dyan, nga pala andito ako sa pilipinas"
Renzo: "Akala ko magkasama kayo ni mommy sa Paris?"
Tasha: "Nagbabakasyon lang ako dito kuya"
Renzo: "Ahh ganun ba ok cge hang up ko na ha, paki kamusta na lang ako dyan ky Tristan. Babye"
Call ended...
May sasabihin pa naman sana ako pero takte binabaan ako eh. Tss bahala siya, siguro may kasamang babae naman yun. Hay! nakaka-stress talaga si kuya kahit kailan puro babae ang inaatupag. Pumasok na ako sa loob at pumunta patungo sa kwarto ko, inaantok na rin kasi ako kaya humiga na ako sa kama at nakatulog na ako.
TRISTAN'S POV
Ano naman kaya itong pakulo ni Maxine? Na sa loob ng tatlumpung araw na yun hahayaan ko daw si Tasha na ipakita sa akin kung gaano niya ako kamahal? Tss stupid idea. Sa ngayon di ko pa kayang sabihin ky Yssabelle na kahit kailan di ko siya minahal at rebound ko lang siya pero di ko yun magawa dahil sa tuwing nakikita ko siya naawa ako sa kanya dahil sa kagagohang ginawa ko. Masyado siyang mabait para saktan ko siya ng ganito pero ka pag di ko naman sa kanya sinabi mas masasaktan siya kaya napagdesisyonan ko na kausapin siya tungkol dito. Tinawagan ko siya kanina at sinabi sa kanya na may mahalaga ako sasabihin sa kanya, pumayag na man siya. Papunta na raw siya dito kaya inihanda ko na ang sarili ko sa mangyayari mamaya. Ok lang kahit magalit siya at kamuhian niya ako. Kasalanan ko din naman to eh.
Maya maya'y dumating na siya at umupo siya sa tapat ko. Marahil akong napapikit.
"Yssabelle may importante akong sasabihin ako sayo, alam kong pag nalaman mo to tiyak na magagalit ka sakin kaya sana mapatawad mo ako" panimula ko ng usapan.
Wala siyang imik. Nakatingin lang siya sakin, umiiyak. Di ko alam ba't siya umiyak kaagad, di ko pa naman nasabi yung sasabihin ko.
"I'm sorry na ang gago ko ginawa kitang rebound" nakayuko kong sabi.
"Alam ko, ramdam ko na di mo ko minahal nung simula pa" sabi niya habang umiiyak.
"Pero di kita masisi ba't mo to nagawa, alam ko ginawa mo lang to para makalimutan si Reina" saad niya.
ANO? KILALA NIYA SI REINA!?
"Kilala mo si Reina!? Di ko naman siya nabanggit sayo ah" nagtatakang tanong ko.
"Uhmm yes. We've been bestfriend since 7 years old kami. Nung highschool kami may kwinento siya sakin na may nanliligaw daw sa kanya at sabi niya Tristan daw ang pangalan. Schoolmate mo ako noon, di mo lang talaga ako siguro kilala o di napapansin kasi loner ako noon, wala akong masyadong kaibigan at iniiwasan ako ni Reina sa school dahil ayaw niya na masira ang pagiging sikat niya na malalaman ng iba na nerd pala yung bestfriend niya. Crush kita noon Tristan kaya nagawa kong magalit ky Reina dahil nililigawan mo siya. Sabi ko nga sa sarili ko noon, ba't parati na lang si Reina? parati na lang ako nasasaktan. Kaya simula nun di na ako nag-aral dun sa PU kasi nag transfer na ako ng ibang school" paliwanag niya.
"Nagmahal lang naman ako Tristan. Minahal kita kahit alam kong masasaktan lang ako sa huli. Nagpaka-tanga rin kasi ako sa'yo. Hindi ko rin magawang magalit sa'yo dahil kasalan ko naman to' ba't ako nagkakaganito" humihikbi niyang sabi.
"Sana mahanap mo yung taong magpapaligaya sa'yo. Baka nandyan lang yan sa tabi-tabi di mo lang nakikita. Wag ka na kasing magpaka-manhid! Haha. So I guess this is the last? Goodbye Tristan." sabi niya at akmang umalis.
Pero pinigilan ko muna siya. Bago pa siya maka-alis hinablit ko yung kamay niya.
"Yssabelle wait" pahabol kong sabi.
Lumingon siya at sinabing "Oh ano yun?"
"Sorry sa lahat ng nagawa ko" sabi ko.
"Forgiven but not forgotten. Hahaha" nakatawa niyang sagot kahit nasasaktan siya.
Niyakap ko siya at sinabing "Makikita mo rin yung taong mamahalin ka at di ka lolokohin. Bye Yssabelle and I'm very sorry"
At tuluyan na siyang umalis. Napaupo ako sa sofa, naisip ko yung plano ni Maxine. Ayoko kong' saktan ulit si Tasha. Is this stupid thing will work?
BINABASA MO ANG
One Sided Love
Novela JuvenilHas it ever happened na ma inlove ka sa taong parang balewala ka lang sa kanya? Parang lahat ng efforts mo di niya napapansin ky ang atensyon niya ay nasa iba at di ka niya magawang mahalin kasi kaibigan lang ang turing niya sayo. I know it sounds c...