The Heiress - Chapter 15 (Yakap ng Ina)

268 9 0
                                    


Napanganga at natulala lamang si Jeff habang niyayakap siya ng kanyang ina na si Nanay Joyce. Matagal na panahon na din ang pangungulila ni Nanay Joyce sa anak dahil ang buong akala niya ay patay na ito. Pero nasa harapan niya na ang anak at yakap-yakap niya na ng mahigpit.

"Anak. Ikaw na ba yan?" sabay tingin niya sa mukha ni Jeff "Parang hindi umiba ang mukha mo. Ano ba ang nangyari sa'yo, anak? Paano ka nabuhay??"

"Jeff. Ang nanay mo oh" sambit naman ni Nathan sa kanya na wala pa rin imik habang tumutulo ang mga luha "Pansinin mo naman siya"

"Anak?? Bakit? Hindi mo na ba ako nakikilala?" hipo sa pisngi ng anak "Ako ito, ang nanay mo"

Tumingin naman sa wakas si Jeff sa mga mata ng ina "Naaalala po kita, nay" tanging sambit niya habang tumutulo ang mga luha "Hindi ko lang kaya na kausapin ka kasi nahihiya ako sa'yo"

"Ha?? Bakit ka naman nahihiya, anak?"

"Kasi matagal din na panahon akong nagtago" sagot ni Jeff habang puno ng luha ang mga mata "Hindi ko alam kung paano kita haharapin nay. Sorry po. Sorry po talaga nanay"

"Huwag ka nang humingi ng tawad sa akin, anak" habang hinihimas ang buhok ng anak "Ang importante sa akin ay nasa harapan na kita ngayon at buhay na buhay ka" dugtong ni Nanay Joyce "Miss na miss ka ng nanay. Kung alam mo lang kung ilang gabi ako umiiyak nang pagkawala mo, anak"

"Miss na miss po din kita nanay" sagot ni Jeff habang yakap niya din ito ng mahigpit

Pagkatapos ng yakapan ng mag-ina ay nagdesisyon sila na pumasok ng silid at para doon ipagpatuloy ang kanilang kuwentuhan.

Ikwinento nga ni Jeff ang nangyari sa kanya sa loob ng maraming taon. Simula sa pagkuha at pagsinunggaling sa kanya ni Alvin hanggang sa makita siya ni Don Rolando sa daan at dinala sa Espanya at inampon.

May halong inis, awa, at galak ang nararamdaman ni Nanay Joyce sa mga totoong nangyari at sa pagbabalik ng kanyang anak. Hindi siya talaga makapaniwala hanggang sa ngayon na buhay si Jeff.

"Ngayon ay alam ko na. Alam ko na ang nangyari sa'yo" sambit ni Nanay Joyce "Nagkamali pala ako sa'yo, Riley" sulyap niya kay Nathan "Hindi pala ikaw ang dapat sisihin sa pagkawala ng anak ko kundi si Alvin na yon. Pinagkatiwalaan ko siya. Kaya pala hindi na siya nagpakita noon at bumalik siya dito pagkalipas ang tatlong taon. Kaya pala"

"Opo nay. Kahit na ako ay niloko niya. Akala ko ay patay na kayo at kami na lang ang nabuhay" sagot ni Jeff "Binuhay niya ako sa kanyang ilusyon at sa kanyang kasinungalingan. Pero nalaman ko isang araw ang totoo iyon. At iniwan ko siya"

"Mabuti na lang ay nakita ka ni Don Rolando" sulyap niya sa matandang lalaki at ngumiti "Salamat sa'yo dahil inalagaan mo ang anak ko, Don Rolando"

"Walang anuman, Mrs. Dy" sagot ni Don Rolando "Napabuti at napakatalinong bata ang anak ninyo kaya hindi naging mahirap sa akin na alagaan siya"

"Maraming Salamat talaga" sagot uli ni Nanay Joyce at tumingin uli siya sa anak "Ano ang plano mo ngayon anak?"

"Katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, nay. Ipagpatuloy ko pa rin ang pagsasagawa ko ng plano laban kay Jean" paliwanag niya sa ina "Sa ngayon ay unting-unti na natutupad ang mga plano ko dahil nagpapanggap ako na walang naalala"

"Sigurado ka ba diyan anak?? Baka mabisto ka ni Jean"

"Hindi nay. Ngayon ay siguradong-sigurado na ako na babagsak ang Jean na yan" sagot niya

The Heiress (A CHINITO BOOK III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon