9: Adobo

27 3 3
                                    

Nixie's Pov

Punyeta Calling...

Aba. Dont tell me nabalitaan nya rin na sinapak ko si pink monkey? Ang galing naman nya! Monitored na monitored mga galaw ko ah!

Sinagot ko ang tawag at inunahan na sya.

"Damn oo na! Tama ka! Sinapak ko nga sya! Sumosobra na kasi eh!"

/What? May sinapak ka nanaman?/

Di nya alam? Fvck ang ingay mo, Nix! Darn it!

"Huh? Ha-ha! Joke yun mom! Ha-ha-ha!"

/I'm not stupid, Nixie! Sayang! Ngayon pa naman sana kita pauuwiin dahil sa request ng dad mo! You just wasted your chance!/

"What?! Wait mommy--Ugh!"

Call Ended..

Makakauwi na sana ako. Ang tanga mo, Nixie! Ang tanga tanga mo! Ahhhhh! Tangina ang tanga mooooo!

Napasabunot nalang ako sa sarili ko. Bakit ba ang malas ko?! Wala naman akong ginawang masama noon! Pinagtanggol ko lang ang kaibigan ko! Bakit kailangang mangyari sakin to?!

"Ahhhhhh!" Sigaw ko habang pinagsusuntok yung wall. Dun ko nilabas lahat ng galit ko. Lahat ng frustrations. Lahat lahat. Habang sinusuntok ko yung wall, nagfa-flash sa utak ko ang mga mukha ng mga nanakit sakin. Yung mga ipis, si pink monkey at mga kaibigan nya, si mommy. Pakiramdam ko sila ang sinusuntok ko kaya lalo ko pang nilakasan habang papalakas rin ng papalakas ang sigaw ko.

Bumigay na ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako habang nakayuko.

"Dinumihan mo yung wall. Linisin mo yan." Napalingon ako sa pintuan at nakita si Blake. Tumalikod na ito at umalis. Di ko pala nasara yung pinto.

Napatingin ako sa pader at nakitang sobrang dami ng dugo doon. Dun na ako nakaramdam ng kirot sa kamao ko. Tinitigan ko ito at wala parin silang humpay sa pagdurugo. Napabuntong-hininga nalang ako at tumayo na para pumunta sa cr.

Hinugasan ko ang kamay ko at kumuha ng towel para punasan ito. Napangiwi ako dahil sa hapdi. Tungunu mashaket T^T

May bumagsak na first aid kit sa harap ko kaya tumingala ako kung san galing yun.

"Blake..." I almost whispered. Concerned ba sya?

"Di ako concerned. Pano ka makakapaglinis ng bahay kung ganyan ang kamay mo?"

Sabi ko nga -_- wag kasing assuming, Nix.

Kinuha ko yung first aid kit at nilinis na ang mga sugat ko. Umalis na si Blake ng walang pasabi. Di ko nalang sya pinansin. Binalot ko na ng safety bandage ang mga kamay ko atsaka niligpit ang mga ginamit ko.

Kumuha ako ng towel at binasa yon. Lumabas ako at pinunasan yung dugo sa pader at sa floor. Pagkatapos ay binanlawan ko na ito at sinampay.

Tumingin ako sa phone ko para tingnan kung anong oras na. Mag a-alas syete na pala. Kinain kaya nila yung niluto ko? Wag naman sana -,- akin yun eh.

Bumaba na ako at nakitang wala ni isang unggoy sa sala. Malinis parin dito. Buti naman nagligpit sila pagkatapos mag-inom.

Dumiretso ako sa kusina at bumungad sakin ang mga unggoy na nagsisigawan at mukhang may pinag-aagawan. Di nila ako napansin dahil busy sila sa pag-aaway. Sumandal nalang muna ako sa door frame at pinanood sila.

Tatlo lang silang nag-aaway. Wala si Blake. Asan kaya yun?

"Bitawan nyo na sabi eh! Ako ang unang nakakita nito!"

Living With The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon