Chapter 2

130 3 1
                                    

Geisha's Pov

After 4 or 5 hours ang biyahe, nagising muna ako tsaka dumeretsyo sa C.R nag-hilamos at nag tooth brush ako.

*knock* *knock*

"May tao po." Sabi ko.

"Uh, si L-levi to, Geisha." Nanlaki ang mata ko dahil si Levi andito?! Aish, oo nga pala sinabi ni nanay to kanina.

"Oh, ikaw pala yan Levi. Wait lalabas ako." Sabi ko at lumabas rin ako nang C.R pag-kalabas ko palang, naka-ngiti na sya. Ngumiti rin ako. "Bakit ka pala andito Levi? Hmm, wala kabang kasamang pupuntang Japan? Or mag-eenroll ka sa university na papasukan namin ni Victoria?."

"Ang totoo kasi sasama ako sa inyo, uhm... Gusto ko kasing... Bantayan ka, sabi rin nang mama at papa mo. Tutal kaibigan mo ako kaya prorprotektahan kita." Sabi nya at ginulo gulo nya ang buhok ko.

"Oo na lang, hahaha. Sige balik na ako sa upuan ko nyan. Kita kits nalang tayo Levi mamaya, ipapakilala kita sa Bestfriend ko." Paalam ko sa kanya tsaka ko kinurot ang mag-kabilang pisngi nya.

Hays, nakaupo rin sa wakas. Eto namang katabi ko nakanganga na. Tinakpan ko ang bibig nya nang panyo dahil hindi sya mahiya, tatay nya pa man is President. Nako nako.

Tumingin nalang ako sa bintana nang eroplano dahil first time ko lang talaga naka pasok dito! Huhuhu! Ang gagaganda ng ulap tsaka yung dagat! ♡-♡

After nang mga sampung minuto, pababa na ang eroplano! Kyaa~ Japan japan japan!

Tumingin ako sa likod dahil andun nga si Levi, kumaway nalang ako sa kanya. Ginising ko naman yung katabi ko dahil nag-ssleeping beauty pa ang peg eh andito na nga sa Japan.

"Hala beste' nasa Japan na tayo! Hala mag-shopping tayo huhuhu!." Makaawa nya sakin, at sorry Victoria Secret dahil dederetsyo muna tayo sa bahay nang kuya mo :P

"Baba na tayo, dederetsyo muna tayo sa bahay nang kuya mo! Hahaha!" Sabi ko sa kanya. Nag-pout muna sya bago sya tumayo. Tumayo narin kami at bumaba sa eroplano, hinanap-hanap ko muna si Levi kung nasan. Nasa likod ko lang pala, hahaha.

~~~

Hays, nasa labas na rin nang airport! Hinahanap lang namin ang nakasulat na Martinez Family, at yun nga lang...

"Waaaa! *0* Victoria! Welcome to the Japan!"

"Kawaii!"

"I am your Fan Miss Martinez!"

Sikat pala sya dito, gwabe naman. Kasama ko si Levi pero si Victoria naman nasa gitna namin dahil meron syang fans dito sa Japan. Hinanap hanap ko nanaman yung nakasulat na 'Martinez Family' at yun! Nakita ko rin sa wakas! Tinignan ko muna yung mga fans ni Victoria nang masama at ngumiti ako sa kanila bago kami nag-lakad papunta dun sa itim na kotse. HAHAHAH epic ang mga mukha nila ah.

Welcome to the Blood Academy (Not Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon