Chapter 1

32 0 0
                                    

Ito agad ang bungad sa akin pagkagising na pagkagising ko palang sa umaga.

"Hoy panget! Wash my dress agad because may date kami ng boyfriend ko! Pag di yan natuyo agad I will kill you!" sabi ni miss Andrea sakin na may kasamang sabunot.

"Ako din negra! Linisin mo yung kuwarto ko! At huwag mong nanakawin o papakeelaman yung mga kagamitan ko doon!" sigaw sakin ng nakababatang kapatid ni miss Andrea na si Princess.

"Macey, lutuan mo muna sila ng breakfast bago mo gawin ang inuutos nila." sabi naman ni madam, ang mommy nila.

"O-okay po m-madam..." yun nalang ang nasabi ko at tumungo na ako sa kusina.

Pinagluto ko sila ayon sa kanilang ni rerequest. Gaya ng ham, bacon, egg omelet, pancake at gumawa nalang ako ng mango shake.

Kumuha ako ng dalawang tray para ilagay doon ang mga pagkain at idadala ko ito sa kanilang kuwarto.

Inuna ko si Princess.. Nang mailapag ko na ang tray sa sidetable niya ay bigla siyang nagsalita..

"Oy negra! Hindi ka man lang mag te thank you?"

Tse bakit ako mag papasalamat? Eh siya nga dapat ang magsabi non eh.

"T-thank you.." mahina kong sambit.

"Mali!! I want you to kneel down and kiss my foot saying..'Thank you for the food my princess' after that lumayas kana dito sa room ko. And pag hindi mo 'to nagawa ay talsik kana sa trabaho mo."

Walang hiyang bata... Wala man lang siyang respeto?kahit kakaunti lang?

Ginawa ko ang inutos niya lumuhod ako sa harapan niya at hinalikan ang paa niya. At sinabing

"T-thank you f-for the food m-my princess..."

Pagkasabi ko nun ay umalis na ako sa kuwarto niya. Bakit ba nila ito ginagawa sa akin?

Sunod kong pinuntahan ang kuwarto ni miss Andrea. Pero kumatok muna ako.

*tok, tok, tok*

Binuksan niya ang pinto at sinabing..

"What?!!" mataray niyang sambit na nakataas pa ang kanyang kanang kilay.

"E-eto na po yung p-pagkain niyo." pautal utal kong sagot sa kanya.

"Ilagay mo dun!...... Dali!!" sigaw niya sa akin.

Agad agad akong pumasok sa kuwarto niya. Pero tinisod niya ako bigla.

*crash*

Hala!! Nabasag yung mga plato. Buwisit kagagawan niya 'to.

Tatayo na sana ako nang tinapakan niya ang likod ko, nakadapa kasi ako.

May binulong siya sa akin.

"Shhh wag mong sasabihin kay mom and dad ito huh? Wag mong sasabihin ang totoong nangyari." sabi niya at kumuha ng bubog at sinugatan niya ang braso ko.

"Ahhh--- mmmm!!" bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Bumukas ang pinto at pumasok ang nanay, tatay, at kuya niya.

"Andrea!! Anong nangyari? Okay ka lang?" alalang tanong ng mom niya.

Takte! Ang hapdi ng hiwa niya sa akin.

"Ok lang po mom, pero nasugatan po yata si Macey." inosenteng sagot ni Andrea.

"Macey okay ka lang? Ano bang nangyari?" tanong sa akin ni madam.

"O-opo tinis---

"Mom, nadapa po kasi si Macey kaya nabasag ang mga pinggan at nasugatan siya."putol niya sa sinabi ko.

"Totoo ba yun Macey?" tanong sa akin ni madam.

"Uhh--

"Yes mom, ako po kasi ang nakakita." putol ulit niya

"Shut up Andrea we don't need your explanations. Kita mong si Macey ang tinatanong at hindi ikaw." sabi ng kuya niya.

"Pero kuya--

"Tama ang kuya mo sweetie, hindi naman ikaw ang tinatanong namin." singhal ng dad niya.

"Hindi niya kasi namalayan ang nangyari kaya ako ang tanungin niyo at hindi siya!" sigaw ni Andrea.

"Oh ano naman? Mas nakakasigurado narin kung tatanungin namin si Macey diba? So Macey totoo ba na nadapa ka lang?" tanong sa akin ni Rayvi ang kuya ni Andrea.

Nagdadalawang isip ako kung anong sasabihin ko? Totoo ba o kasinungalingan?

Tinignan ko si Andrea at ang sama ng tingin niya sa akin. Kaya ang sinabi ko nalang sa kanila ay...

"Opo nadapa lang ako..." nakayuko kong sambit.

"See? Ba't di niyo kasi ako pinapaniwalaan?" pagmamayabang ni Andrea.

Hindi na siya pinansin ng parents niya at lumabas na..

"Macey, go to my room.. Gagamutin ko yung sugat mo." utos sa akin ni Rayvi.

To be continued...

A/N

Okay lang po ba? Tell me if it's ugly and I will delete it.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Maid's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon