Jade's POV
"Akala mo naman ang sexy mo du'n!" sigaw ko kay manyak habang nagbibihis siya sa loob ng CR, dahil maliligo na kami.
Kaya ko sinisigawan si manyak dahil sa nangyari kanina.
"You guys should swim na habang 'di pa sobrang mainit." sabi ni Tita Shanon sa amin.
Nasa living room kasi kami ngayon at nanonood ng cooking show. Kung 'di niyo pa alam, isang famous chef si Tita Shanon. Kilala na siya sa buong London.
"Tara na Shawn!" yaya ko kay manyak. Syempre kapag kaharap ko sina Tita Shanon at Lolo Antonio, Shawn ang tawag ko kay manyak.
"Marunong ka bang lumangoy?" tanong niya. Mukha ba kong lulunurin?
"Oo naman." sagot ko
"Good for you iha, bagay sayong maging swimmer lalo na at petite ka." nakangiting sabi ni Tita Shanon.
"Ma, palit lang kami ng damit." paalam ni manyak at hinigit na ko papuntang kwarto namin.
"Eto suotin mo." sabi niya sabay hagis sakin ng kulay black and pink na swimming trunks.
Nakalabas na pala siya ng CR.
"Ayos ba?" tanong niya
Napalingon naman ako sakaniya na nakasuot lang ng beach short. Nakangisi ito sakin habang nakapamewang.
Pinahawak niya kasi sakin yung sunblock at tuwalya niya.
Lumabas na siya ng shower room at kinuha sa akin 'yung mga pinahawak niya, katulad ko nakaswimming trunks din siya.
"Tara na!" masiglang sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto namin.
Nilingon ko na nasa taas na pa rin, nakababa na kasi ako ng hagdan.
"Tita Shanon swimming na po kami." sabi ko at tumango naman ito. "Tara na!" hinigit ko na siya palabas
"Ayoko sa dagat marami pang tao. Sa pool muna tayo." sabi ni manyak at nauna ng naglakad papunta du'n sa likod ng rest house nila which is 'yung resort na nila ang nandu'n. Sumunod na ko sakaniya.
Mayamaya ay tumigil kami dahil may sinabi siya du'n sa isa sa mga tauhan nila sa resort.
"Paki private nu'ng pinakamalaking pool." utos ni manyak du'n sa tauhan sa resort nila.
Bago umalis 'yung tauhan ay nagbow muna siya sabay sabing, "Yes, young master."
Bongga talaga nitong si manyak! Lahat ng gusto nasusunod.
"Tinutunga-tunganga mo pa d'yan? Tara na." sabi nito na ikinabalik ng diwa ko.
Habang naglalakad ako ay 'di ko maiwasang mapatingin sa likuran nito, ang sexy pala ni manyak kung magiging babae.
Nandito na kami ngayon sa pinakamalaking pool nila.
BINABASA MO ANG
My Accidentally Buddy
Teen FictionJade Madrid is an independent Fine Arts student at Heinz University who finds herself in trouble when she starts to become a student buddy of Shawn Dela Cortez, an arrogant spoiled grandson of a well-known businessman. A love and hate relationship w...