Dear Hello Kitty,
Hello Hello Kitty! Simula ngayon ikaw na ang magiging kaibigan ko at makakasama ko araw araw. Simula rin ngayon, ang tatawagin ko na sayo ay Hello Kitty! Dahil ngayon lang tayo nagkita, magpapakilala ako sayo. My name is Ariana Anne Padilla. I am 14 years old. Nag aaral sa Haven of Widom Academy. Ako ay isang nerd. Nag-iisang nerd sa room namin. Kaya natatakot ako kasi marami ang nagbubully sa akin. Ako rin ay mataba, maliit, pangit, tahimik, may kaya, magalang, masunurin at matalino. Araw araw pagpunta ko sa school marami na ang nagbubully sa akin lagi nila ako sinasabihan na "Pandak! Baboy! Pangit!" . Ayan ang lagi nila sinasabi sa akin tuwing nakikita nila ako. Hindi ko na lang sila pinapansin para walang gulo. Mayroon akong matalik na kaibigan ang pangalan niya ay Princess Beth Salazar. Siya ay sikat sa buong school, maganda, mapayat, matangkad, artistahin ang dating, mayaman at mabait na kaibigan. Ang tatay niya ay may ari ng isang kumpanya. Halos lahat ng lalaki ay may gusto sa kanya dahil sa sobrang ganda niya. Hindi niya ako inaaway o binubully. Lagi niya ako pinagtatangol kapag may bumubully sa akin. Lagi niya ako binibigyan ng pagkain tuwing recess. Lagi niya ako pinapasabay sa kotse niya tuwing umuuwi. Minsan kapag aalis siya papuntang mall lagi niya ako sinasama. Binibilhan niya ako ng mga magagandang damit at mga mamahaling sapatos kahit na ayaw ko. Lagi niya akong nililibre ng ice cream kasi favorite niya yun. Siya ay mabait at tapat sa akin. Mayroon akong dalawang kapatid. Si Ariella at si Kuya lvan. Ako ang pangalawang anak ng aking magulang. Si Ariella ang bunso at si kuya lvan ang panganay. Parehas lang kami ng eskwelahan pero ibang grade. Si Kuya lvan grade 10. Si Ariella ay grade 7. Ako ay grade 8. Sige Hello Kitty, hanggang dito na lang marami pa kasi ako gagawin. Sa susunod na lang. Bye!
-Ariana Anne
BINABASA MO ANG
"Ms. Campus Nerd meets The Fantastic Boys"
Historia CortaMeet Ariana Anne Padilla. Nag-iisang nerd sa Haven of Wisdom Academy. Laging binubully ng sikat na bully boys named Fantastic Boys. Kaya lagi siya nagsusulat sa kanyang diary. May pag-asang pa bang magkabati ang nerd at ang bully boys?