TRUTH

33 3 0
                                    

Masama ba ako?

Na sabihing hindi ko siya gusto?

Ni hindi nga ako nakakaramdam ng sparks pag nakakasama ko siya.

Ayoko namang gawing tanga yung sarili ko!

Pati na rin siya.

Yung mga kaibigan ko sinasabi na PAASA raw ako.

Hindi naman eh. Hindi lang nila ako maintindihan.

Hindi ko kasi alam kung paano ko pa sasabihin sakanya ng... Hindi ko siya nasasaktan.

Ayoko sakanya...

Kasalanan ko bang gusto niya ako? At hindi ko siya gusto.

Kasalanan ko bang, nahulog siya saakin.

At hindi ko siya sinalo?

Hindi naman diba? Nagpapakatotoo lang ako.

Ayoko sakanya kaya sinabi ko yun.

Pero hindi parin siya tumitigil.

Ano ba ang meron ako? Na wala sa iba. At ako ang nagustuhan mo.

Hayme...

"Gusto kita, kae! At gagawin ko lahat para sayo"

Napailing-iling ako... Ewan ko kung bakit ba ilang beses ko na siyang pinagtulakan naandiyan parin siya.

"Ano bang hindi mo naiintindihan sa AYOKO SAYO."

Masama na kung masama pero ano bang gagawin ko? Magsinungaling. Tama naman diba? Habang mas maaga pa sinasabi ko na... Kasi habang tumatagal mas lumalim ang nararamdaman niya...

Umatras siya... 

"Ano rin ba ang hindi mo maintindihan sa GUSTO KITA."

"Kung bakit ako? Madaming iba diyan. Marami ka pang babae na makikilala!"

"Alam mo..."

Tumingin siya saakin... Ayoko to, hindi ako sanay ng ganito

"Gustong gusto ko na magalit sayo. Pero hindi ko magawa. Kahit na pinagtutulakan mo ako. Kahit na araw-araw sinusungitan mo ako."

Naawa ako ng makita kung may tumulong luha sa mga mata niya. Pero ayokong kaawaan siya.

"Kahit na lagi nalang, araw-araw pinapamuka mo saakin na hindi mo ako gusto... Bakit? Anong mali saakin?"

Hindi ko gustong makaramdan ka ng pagkukulang sa sarili mo. Sorry.

"Walang mali sayo... H-hindi ko lang siguro makita kung ano yung espesyal sayo. Sorry, kung pakiramdam mo may mali sayo... "

Hindi ko na kaya to... Pakiramdam ko napakasama ko ng tao.
Natawa siya ng sarkastiko... at tiningnan ako.

"Kung walang mali saakin, bakit hindi mo magawang gustuhin ako? Ang tagal ko ng nagpapakatanga sayo! Kae, limang taon na."

TRUTH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon