WL&HC: CHAPTER1

9 1 1
                                    

Chapter 1:

"Hey Maddy, anong klase mo ngayon?" Si Jet, isa sa mga best of friends ko noong high school up until now kahit  nasa third year college na kami but we took different courses but still we are best buddies. I am taken up BSBA while her, HRM. Lima kami sa grupo; ako, Jet, Faye, Zyrah and Lyrah. Si Jet ang tipong boyish at madaldal at hindi marunong magpalda. Laging nakamaong pants and t-shirt with cap maliban sa uniform nila kasi kailangan talagang magpalda, skirt kasi yong uniform nila. Pero certified girl yan, tsaka syempre maganda. Marami ngang may crush sa kanya eh, iba't ibang department. Pero isa lang talaga ang crush nyan, si Tyrone na varsity player ng basketball ng school namin nung high school and until now, at certified playboy po yon.


Si Faye naman ay classmate ni Jet na HRM student din. Mahinhin yan at syempre maganda din. Sya naman ang kabaliktaran ni Jet. Laging nakapalda yan pero hindi naman yong old fashion. Lumaki kasi sya sa relihiyosong pamilya kaya nakasanayan nya nang magpalda.

Si Zyrah at Lyrah naman ay magkambal. May ari ng isang sikat na bangko ang pamilya nila kaya nasanay na silang nakukuha ang kanilang gusto. Si Zyrah ang pinakakikay sa grupo at si Lyrah naman ang bookish pero hindi po sya nerd at hindi rin yan nagsasalamin.

"Math building eh. Ikaw?" Sagot ko sa kanya. Napansin ko namang nakamaong sya kaya sinita ko.
"Wala ba kayong laboratory't nakapantalon ka?" Sita ko dito.
"Tapos na po madam. Nagpalit lang ako ng pants, alam mo namang ayoko magpalda. Tsk!" Irita nyang sabi. Napatango nalang ako sa kanya.

Pagkatapos namin mag usap saglit, tumuloy narin ako sa klase ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ng math building ay may nakita akong mga lalaking nakatambay sa gilid. In all fairness, ang gugwapo ha. Ba't ngayon ko lang ata sila napansin dito sa school? Ah, siguro wala lang talaga akong pakialam sa paligid ko. Hmm, pero may isang nag stand out sa paningin ko, for the first time. Hmm. Mukha syang badboy na heartthrob. Ay ewan. Nung tiningnan ko sya sa mata nagulat ako at kumabog yong dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, ang lakas ng heartbeat ko nung nagtama ang aming paningin. Hindi ko akalaing nakatingin din pala sya sa akin. Agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kanya at nagtuloy tuloy lang akong naglakad.
Nang makatapat na ako sa grupo nila agad namang nagdiretcho ang tingin ko sa dinadaanan ko at hindi ko na sila tiningnan.

"Hi Miss Ganda, may I know your name?" Hindi ko alam kung sino nagsabi noon kasi deri-dericho lang ako sa paglalakad ko. Nasa kabilang side pa kasi ng Math building yong classroom ko, pero dito ako dumaan sa kabila kasi may bridge way papunta dun.

Nagulat naman ako ng may sumabay na sa aking paglalakad. Pero deri-dericho parin ako sa aking paglalakad. Nakalimutan ko bang sabihin na ako pala snobbish sa barkada, pero sa mga lalaki lang naman. Ewan ko ba, hindi ko lang talaga feel ang mamansin ng mga mukhang sira-ulo, yon bang mga mukhang playboy, papansin at mahahangin na parang tatangayin ka na sa mga kahanginan nila. Hmf. Kagaya nalang ng sumasabay sa akin ngayon. Nakita ko kasi sa peripheral vision ko na yong lalaking napansin ko kanina ang sumasabay sa akin ngayon. Bigla na namang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa hindi ko malamang kadahilanan. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Baka pareho lang kami ng direction.

"Miss, pwede ko bang mahingi ang phone number mo? O di kaya yong name mo nalang?". Sabi pa nya. Napasimangot naman ako. Ang hangin nya, in fairness din. Hmf. Hindi ko parin sya pinansin at patuloy pa din ako sa paglalakad.

Narinig ko naman yong mga lalaki sa likod namin pero hindi ko parin pinansin. Nalaman ko nalang na mga barkada nya pala yon ng biglang sumigaw ang isa sa kanila.

"Dude, hindi na ata umiepekto ang kagwapuhan mo? Laos ka na ata dude". Sabi nung maputi na singkit. Tawa parin sila ng tawa pero patuloy parin ako sa paglalakad. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napakamot naman sa ulo ang katabi ko. Ang cute lang. Pero binalewala ko nalang ang appreciation ko at binilisan ang paglalakad. Late na rin kasi ako.

Tamang tama namang pagdating ko ay sya ring pagpasok ng professor namin.

Pagkatapos ng klase ko ay pumanta na akong cafeteria para hintayin ang tropa.

Ako nga pala si Maddison Alexis Miranda Villafuerte. Anak ng may ari ng mga sikat na hotels and resorts here in the Philippines pero I don't know if I really belong to that family. Aiit! Tama na nga  tong drama.

Habang naglalakad ako papuntang cafeteria ay nakita ko na naman yong mga lalaking nakatambay kanina at nakatingin na naman yong  mahangin na sumabay sa akin kanina. Ganun pa rin yong ginawa ko. Hindi ko parin sya pinansin at wala pa ring emosyon ang mukha ko kahit kumakabog pa rin yong dibdib ko. At mas lalong nagsirko ang puso ko ng pagtingin ko sa mga mata nya ay bigla nya akong kinindatan. Pero teka, bat parang kinikilig ako?? Hmmf. Muntik na akong mamula, buti na lang napigilan ko ang sarili na magpakita ng emosyon sa lalaki. Pilit kong iniignora ang presensya nya ng mapadaan ako sa harap nila. Hindi sa pagiging asyumera pero, alam kong tinitingnan nila akong magkakabarkada at alam ko rin na sinusundan na naman ako ng mokong na to.

"Miss, wait! .. I just wanna know your name. May I know it please?" Tanong nya sa akin. Gaano ba kaimportante sa kanya na malaman ang pangalan ko? Baka naman pinagpustahan ako ng mga to. Hmf. Bahala nga sya dyan. Tuloy tuloy pa rin akong naglalakad at hindi sya pinansin.

"Ganyan ka ba talaga ka-snob? Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo eh". Dugtong pa nya ng hindi ko sya pinansin. sa kauna-unahang pagkakataon ay hinarap ko sya at pinagtaasan ng isang kilay.

"Excuse me? Pasensya na po ha, kasi sabi ng nanay ko 'Don't talk to strangers' daw. At masunuring anak lang ho ako't sinusunod ko lang ho ang bilin ng nanay ko SIR." Sarkastiko kong saad at pinagdiinan ko talaga ang word na sir. Kakabwisit kahit crush ko pa sya..

Wait.. What!? Did I say it right? Crush!? As in SYA!? Hmf. Hindi ko nga sya kilala eh.

Tinalikuran ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero imbes tumigil eh,sumunod pa talaga sa akin at hindi pa rin ako tinigilan sa kakatanong nya ng pangalan ko. Babanatan ko na naman sana sya nang may tumawag sa pangalan ko na ikinalingon din ng kumag na to. Please remind me later to murder the person who called my beautiful name in front of this handsome jerk!

"Maddy........" Sigaw ng kung sino sa unahan ko. Pagtingin ko, si Jet lang pala. Ang lakas talaga ng boses ng babaitang to. Hay ewan. Kung hindi ko lang talaga to kaibigan. Hmf.
"Hey Maddy, come on. Andun na ang kambal. Sabay na tayo..... ohh.." Napatanga naman sya sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Gabriel?" Dagdag nya pa. So kilala nya tong ungas na to?

"Hey Jet, how are you? Long time no see ahh. Musta sila tito at tita?" Ohh, okay, sila na magkakilala.

"Okay naman sila. Bakit pala hindi ka na pumupunta sa bahay? Sila tito't tita pala?" Jet. Hmf. Ewan ko pero bakit parang naiirita ako sa nakikita't naririnig ko sa dalawa. Kaya bago pa ako sumabog eh, pinutol ko na ang usapan nila.

"Okay, enough of this conversation. Kung gusto nyo pang magkumustahan, hala, uuna na ako. Sumunod ka nalang Jet, okay?"

"Hey sama na ako, no ka ba?" Dali dali naman syang sumunod sa akin nung nag umpisa na akong maglakad palayo pero narinig ko pa nang magpaalam sya dun sa mokong.

"Kuya, una na kami ha. See ya around. Regards me to tita and tito." Jet habang kinakawayan ang lalaki.

"Sure. Basta ba pakilala mo ako dyan sa kasama mo if di na kayo busy. Hmm?" Sabay kindat sa akin. Tusukin ko mata mo eh. Hmmff. I just roll my eyes to him.

Kuya!?

"Kuya?" Tanong ko sa isip na naisatinig ko pala.

"Yep. He is my cousin. Gabriel Lorenzo Cruz Larrazabal is my hottest cousin. Type mo sya no?" She's grinning like an idiot. Tsk! But wait.... COUSIN??

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon