Chapter 2:
COUSIN!?
COUSIN!?
COUSIN!?
Para akong baliw na nakatulala parin sa kawalan. Hindi ko nga alam pano ako nakarating sa tagpuan namin ng barkada eh.
"Hooooooyyyy!" Sigaw ng sino man sa tenga ko.
"Ay cousin!!" Pagtingin ko sa sumigaw eh, walang iba lang naman kundi tong bruhang si Jet. "Hmpf! Ano ba naman yan Jet. Makasigaw ka dyan para kang tagabundok". Nakabusangot kong wika sa kanya.
"Eh kasi naman sisteret, para kang baliw." Nakaroll eyes nyang sabi sa tono na nang-aasar. "Iniisip mo pa ba ang pinsan ko? Hmm?". Tukso nya pang may kumikinang na mga mata.
Tinaasan ko lang sya ng kilay at inirapan. Kung anu-ano na naman ang naiisip nitong baliw na to.
"Pwede ba! Tigilan mo ko at ng hindi kita mahampas." Pikon kong sabi sa kanya.
Tsk! Nang aasar na naman tong babaitang to.
"Assssuuussss! Por que't nahalata kita ehh, tatarayan mo ako. Hmm. Alam mo namang hindi mo ako matatakot." At tumawa sya ng tumawa. Baliw talaga. I give her a death glare pero ang baliw kong kaibigan hindi talaga natinag. Psh! Tumalikod nalang ako't naglakad papuntang cafeteria kung saan naghihintay na sa amin ang iba naming mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
WHEN LOVE AND HATE COLLIDE
Aktuelle LiteraturLove and sacrifices. When you love someone, you will sacrifice your happiness just to see your someone is happy.