Twenty six

2.2K 123 4
                                    

Gustong-gusto ng umalis ni Prema sa talampas pero may hinihintay siya. Ever since na nagpakita sa kanya ang kanyang ama ay hindi na siya makatulog ng maayos. She badly needed someone to talk to. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin siya makapagdesisyon.  Pero everyday narito siya, naghihintay hindi sa kanyang ama kundi sa isang tao na nakagaanan niya ng loob, si Firen.

Alam niya na busy ito sa tournament na nagaganap and after the tournament syempre sa kasiyahan at sa mga babae.  Naintindihan naman niya, lalaki ito natural lang na may pangangailangan, pero ang hindi niya maintindihan ay ang nararamdamang inis sa dibdib sa tuwing nakikita niyang may mga babaeng nakalambitin dito at daig pa ang sawa kung makalingkis sa katawan ni Firen.  At mas lalo nagngingitngit ang kanyang dindib dahil halatang nag-eenjoy ang hinayupak na Warlord.

Maraming babaeng walang pakundangang inalok ang mga sarili dito.  And she can't blame them either.  Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit naiinis siya.  At sa tuwing pinagmamasdan niya itong nag-eenjoy sa piling ng mga haliparot ay parang humahaba at tumatalas ang kanyang mga koko sa kamay.  Oh how she wanted to slash their faces with her claws!  Gusto niyang bumaha ng dugo hindi lang sa mga babae kundi pati na rin ang dugo nito.

At ngayon nandito na naman siya, naghihintay.  Alam naman niya na hindi ito darating.  Malamang nag-eenjoy sa piling ng mga babaeng haliparot. 

Nagpupuyos ang damdamin ni Prema sa naisip.  Mabilis ang kilos na naglakad pabalik sa malaking stallion na si Thunder at sumakay, halos paliparin niya sa pagtakbo ang kanyang kabayo.

Nang makarating sa palasyo ay agad bumaba sa kanyang kabayo si Prema, may lumapit na batang lalaki sa kanya para kuhanin ang renda sa kanyang kabayo pero pinigilan niya ito.  She won't take long.  Malalaki ang mga hakbang na pumasok si Prema sa loob, kahit nasa malapit pa lang ng pintuan ay dinig na dinig na niya ang ingay na nagmumula sa kasiyahan.

There was no need to announce herself dahil hindi naman siya magtatagal, kaya naman here she is, lurking in the shadows, eyes searching in the crowd, drunk crowd. 

And there he is.  Kasama nito sa mahabang lamisa ang mga kaibigan nito at may mga kasamang babae.  Sa kandungan nito ay may isang magandang babae.  She remember her, isa ito sa mga BattleMages na nag-eensayo sa baba ng talampas.  Before her eyes and without inhibitions naghalikan ang dalawa.  Muli ay hindi maintindihan ni Prema kung bakit may kung anong mainit na bagay na parang pumiga sa kanyang dibdib.  Leaving her weak at parang nauubusan ng lakas ang kanyang mga kamay at paa. 

Instead na yumuko at ibaling sa iba ang kanyang paningin ay patuloy na pinagmasdan ni Prema ang dalawa.  Hindi pa rin tumigil ang mga ito sa paghahalikan, no wonder hindi na ito bumalik sa talampas para bisitahin siya.  Mukhang mas nag-eenjoy ito sa mga kasama ngayon.   Kumpara naman sa kanya na sobrang boring ang personality, maganda nga naman ang company ng mga kasama at kaibigan nito ngayon.  Kung bakit naman kasi hindi siya mahilig sa kasiyahan.  Muli ay napatingin si Prema sa dalawang pares na naghahalikan.  He must have been very bored to spend time with me.

As stealthy as she can manage, she left without anyone noticing her.  She rode her horse like her life depend on it and disappeared into the night.

~~~*•*~~~

Kanina pa na nakaramdam ng pagkabored si Firen.  Hindi na sana siya aattend sa party na iyon pero hindi siya maka hindi sa mga kaibigan lalo na at selebrasyon ito ng pagtatapos ng tournament.   Ilang araw na rin siyang hindi nakadalaw at nakita ang babaeng hindi niya maiwaglit sa kanyang isipan.  Hindi niya alam ang gagawin dito or how to proceed.   Surely, sa tagal na nito sa mundo ay may ideya na ito sa kanyang layunin.  He befriended her, not just because may motibo siya, oh well partly, pero talaga namang masaya at matalino itong kausap.  He flirted with her as well, though she never flirted back, he felt na kahit papaano ay nakapasok na siya sa puso nito even just as a friend.  Kahit sinabi na nito na may pamilya na ito sa Ghenzi.  Pero dahil wala siyang naamoy na bango ng ibang lalaki sa katawan nito kaya alam niya na wala itong kinakasama ngayon.  At marahil matagal na itong hiwalay sa kung sino mang lalaking nakarasyon nito.  If there is, wala naman din iyon problema sa kanya, he could always kill him.

He knows that he's no match for her pero gusto niya pa ring subukan.  He even tried to get her out of her mind.  Simula ng makilala niya ito ay halos gabi-gabi ay iba't-iba ang kapareha niya sa kama, just to douse the fire burning in his veins.  Pero sa tuwina ay ang amoy nito ang lagi niyang hinahanap.  He is a dragonkind, even without his shifting abilities, he is strong and the male in him recognize Prema as his female.  Kahit ngayon, he is even barely aware na kanina pa siya hinahalikan ng babaeng nakaupo sa kanyang kandungan.  Hindi naman niya pwedeng paalisin ito, baka mapahiya.  Dahil sa iniisip kaya muli na namang nabuhay ang init sa kanyang katawan, at marahil ang akala ng babaeng kasama niya ay ito ang dahilan.  Ayaw niyang maging unfair kaya humiwalay siya dito.

The moment na naghiwalay ang kanilang labi ay may naamoy si Firen.  He inhaled air into his lungs at kulang nalang mapamura sa naamoy.  Mabilis na tumayo, nakalimutan niyang may nakaupo pala sa kanyang kandungan kaya muntik pang bumagsak sa sahig ang babaeng nakalimutan niya ang pangalan, mabuti nalang at naagapan niya.  Hindi pa man ito tulungang nakatayo ay tinalikuran na niya ito.  Gamit ang matalas na pangamoy ay hinahanap niya si Prema.

He found the place where the scent is strong but there was no one there.  Nagtaka pa si Firen kung bakit nakarating siya sa  madilim na parti ng malaking bulwagan.  Muling humarap si Firen para hanapin sa kasiyahan si Prema, baka naroon ito.  Pero pagharap niya unang nakita niya ang inuupuan niya kanina.  Narooon pa rin ang mga kaibigan at mukhang nag-eenjoy kahit lango na sa alak.  May kanya-kanya itong mga kasama na babae, at higit sa lahat naroon din ang babaeng nakakandong sa kanya kanina.

"O shit!" Mura ni Firen.

Instead na bumalik sa kasiyahan ay napagpasyahan ni Firen na sundan at hanapin si Prema.  Hindi niya maintindihan kung bakit may kaba siyang naramdaman.  Wala naman silang relasyon kaya wala siyang makitang mali kung may iba man siyang babaeng kasama.  But the thought of Prema standing alone in the shadows watching them, watching him kissing with another female doesn't bode well for him.  Daig pa niya ang lalaking nahuling nanloko ng asawa.  Parang gusto niyang magpaliwanag dito. 

"Damn it!" Bakit naman kasi hindi ito lumapit sa kanila at nakisali.  Bakit kailangan nasa madilim na parte ito ng silid and then left?

Kinuha ni Firen ang kanyang stallion sa kwuadra at sumakay.  Isa lang ang daan na tinatahak, ang Strongbow Manor.

Tahimik na ang kabahayan, wala na ring ilaw na nakabukas maliban sa ilaw sa labas ng bahay.  Napabuntonghininga si Firen.  Maybe his is wrong, baka naman hindi ito nagalit o naroon para panoorin siya.  Maybe she just wanted to see the party and doesn't want to join.  Alam naman niya na hindi ito mahilig sa party.  At bakit naman ito magagalit?  Magagalit lang ito kung pareho sila ng nararamdaman.  With that thought in mind, tumalikod si Firen sakay pa rin ng kabayo at pinatakbo ito paalis. 

Lying "alone" in his bed, hindi pa rin maiwaglit sa isipan ni Firen ang nangyari kanina.  Sa kaiisip hindi na tuloy niya maintindihan kung ano ang gusto niyang mangyari.  Kung walang nararamdaman sa kanya si Prema then theres nothing for him to worry.  Hindi naman siguro ito magagalit sa kanya kung nakita man nitong may kahalikan siyang babae dahil wala namang rason.  Pero kung tama ang pakiramdam niya na pareho sila ng nararamdaman at nakita sila nito?  Napabangon si Firen sa naisip.  Maaring nasaktan ito sa nakita.  And that thought made him uncomfortable.  Hindi mawaglit sa isipan niya ang hitsura ng madilim na parte ng silid na iyon at nakatayo doon si Prema na nag-iisa at nasasaktan habang pinagmasdan siya.  Kahit naman siguro siya ay ganun ang mararamdaman.  Pero ang kaibahan lang ay hindi siya mananatili sa dilim, what's the point.  Papatayin niya ang lalaking kasama nito.  Alam na ng buong kaharian ang pagiging interesado niya sa elfo, bakit pa ito makisawsaw?

Bumalik ng higa si Firen.  Bukas na bukas, makikipagkita siya dito.  And..."shit!" Muli na namang napabangon si Firen.  If there is need to apologize or explain gagawin niya.  Ayaw niyang kung ano-ano ang pumapasok na ideya sa utak nito.  She had so many bottled up emotions and she doesn't handle emotions so well.  So, for her peace of mind and sa kanya na rin.  Makikipagkita siya dito bukas.

-•note•-
After reading elemental Mage Tempest, can you ever imagine the high and mighty High Lord Firen having heart trouble?  And the fearsome Commander General having no clue that she is inlove?  Lol!😍 it only shows that pagtinamaan ka ni cupido, siguradong huli ka!  Ang tanong!  May forever kaya?
Thanks guys! 

May 8 chapters remaining pa po bago matapos ito.

Kiss! Kiss!😘

xiantana

ViticiPrema *Elemental Mage Prequel*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon