May isang binata na magandang lalaki na galing Maynila, ang pangalan niya ay Zack. may nakita siyang napakagandang babae na ang pangalan ay Christy, ito'y kanyang natipuhan subalit hindi niya ito kinikibo. dumating ang araw na si Christy na ang gumawa ng paraan sa sobra niyang pagkagusto kay Zack, tinawag ng mga barkada ni Christy si Zack, at nung makalapit na ay nagpakilala ang mga barkada nito, at nung makaraan ang ilang minuto ay iniwan ng mga barkada ang dalawa at napasarap ang kwentuhan nila, mula 8:30 ng gabi hanggang sa madaling araw ng 3:30, bago umuwi ng bahay si Zack ay inimbitahan ito ni Christy na maging kanyang Escort sa isang beauty contest sa nalalapit na araw, sa araw na yun ay tuwang - tuwa si Zack sapagkat hindi niya akalain na maiimbitahan siya na maging Escort at sa ganun pang programa, hindi kasi sana'y si Zack na maging gwapo sapagkat bago ito lumuwas ng Maynila ay medyo maitim ito at mataba pa, pero nung makabalik na ng probinsiya galing Maynila ay lumitaw ang kanyang pagiging magandang lalaki, makalipas ang isang linggo na magkaibigan ang dalawa ay nagpahayag agad ng damdamin ang lalaki sapagkat nagustuhan niya ang pagtrato sa kanya ng babae, agad naman tinanggap ni Christy ang inaalok na pag-ibiig ni Zack sapagkat nahumaling siya sa kagwapuhan ng lalaki. makalipas ang ilang buwan ay nagsumpaan ang dalawa;
Zack: "Gusto ko ikaw ang maging lola ng mga apo ko, kahit hindi ka na maganda ay mamahalin pa rin kita"
Christy: "Hmp bola! Totoo ba yan? baka ipagpalit mo lang ako"
Zack: "Pangako ko, hinding-hindi kita ipagpapalit, kahit ano pa ang mangyari, ikaw lang ang maganda sa aking paningin at wala ng iba pa."
Christy: "Promise ha, wag mo akong pagpapalit, ayoko kasi masaktan"
Lumipas ang taon ay bumalik ang maitim na kutis at ang pagkamataba na katawan ni Zack, kasabay ito ng panglalamig sa kanya ng kasintahan;
Zack: "Iniiwasan mo ba ako? bat kung nag-tetext ako di ka nag-rereply, at kung tumatawag ako pinapatay mo ang cp mo?"
Christy: "busy kasi ako"
Zack: "Kahit limang minuto lang sa isang araw sana ang ilaan mo para sa akin masaya na ako, Mahal mo pa rin ba ako?"
Christy: "ano bang tanong yan?"
Zack: "Kung hindi mo na ako mahal ako na lang ang magmamahal para sa ating dalawa."
Christy: "Ewan ko!"
Dumating ang araw na pinagpalit ni Christy si Zack sa isang napakayaman at napakagandang lalaki na nagngangalang Jake;
Cristy: "Tigilan mo na ako, may bago na akong kasintahan."
Zack: "Ang hiling mo sa akin noon wag kitang ipagpapalit, subalit ako pinagpalit mo."
Cristy: "kalimutan na natin yun, tapos na yun."
Nalungkot si Zack sa nangyari, sa tuwing nalulumbay ay tinititigan nito ang larawan nila ni Christy na nagsisilbing ala-ala sa kanyang mga masasayang araw na nagdaan.
Napansin ni Zack na mas magandang lalaki siya nung bago pa lang sila magkasintahan ni Christy, napansin niya na mas bagay sa kanya ang medyo payat at maputi, kaya nagsimulang mag-diet at mag-workout si Zack at sinimulan niya rin iwasan na maarawan para muling magustuhan ni Christy.
Lumipas ang mga araw, dinala ni Jake si Christy sa ibang bansa hanggang sa nawalan na ng pag-asa si Zack na magkabalikan sila ni Christy, madalas puntahan ni Zack ang plaza kung saan siya sinagot ng dating kasintahan at kung saan sila madalas namamasyal.
Sa pagmumuni-muni ni Zack sa plaza ay nakita siya ng pabling niya na kaibigan na nagngangalang John;
John: "Habang ngayon ba ay hindi mo pa rin ba nakalimutan si Christy?"
Zack: "Pabayaan mo na muna ako, maligaya ako na nabubuhay sa ala-ala"
John; "Nahihibang ka na ba? madaming babae diyan, bat di mo ako gayahin na sabay sabay pa sila!"
Zack: "Hindi kaya ng konsensiya ko ang mang agrabyado, sa ngayon di ko pa kaya na maghanap ng iba."
Ng may dumaan sa kanila na babaeng sira ang mukha.
John "Zack yun na lang ang sa iyo."
At sinigawan ni John ang babae;
John: "Mamaw! ang kaibigan ko bigo!"
At pinagtanggol ito ni Zack;
Zack: "John wag mo naman bastusin! kawawa naman ang tao!"
John: "Magsama na lang nga kayo!"
Umalis si John sapagkat hindi nito nagustuhan ang sinabi ng kaibigan.
Nilapitan ni Zack ang babaeng sunog ang mukha at kinausap.
Zack: "okay ka lang ba miss? pagpasensiyahan mo na ang kasama ko ha!"
Lumuha ang babae at nagsalita;
Christy: "Zack patawarin mo ako. huhuhu..."
Zack: "Christy?"
Christy: "Hindi ko hinihiling na balikan mo ako, gusto ko lang mapatawad mo ako sa kasalanan ko sa'yo"
Zack: "Ano ang ginawa sa'yo ng lalaking yun at nagkaganyan ang mukha mo?"
Christy: "Wala! sumabog ang building kung nasaan ako, tapos pagkalabas ko ng ospital pinagtaguan na ako ni Jake"
Zack: "Kung alam ko lang na mangyayari sa'yo ito hindi ko na sana hiniling sa Diyos na ika'y muling magbalik sa akin. nakalimot ka man sa ating sumpaan, hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinabi ko na kahit hindi ka na maganda ay mamahalin pa rin kita.
THE END
BINABASA MO ANG
May Anyo Ba Ang Pag-ibig?
RomanceSila Zack at Christy ay magkasintahan na nagsumpaan na di maghihiwalay ano man ang mangyari, sapagkat may kinalaman ba ang kanilang anyo upang manatili ang kanilang pag-ibig?