Wala eh. (One shot) by: KwentongChinita
**
Ynna's POV
Simpleng babae lang naman ako .. Tahimik lang at laging pinagmamasdan ang kapaligiran. Mabait at laging nakangite. mag sasalita lang kung kakausapin .. gaya nga ng sabi ko tahimik lang ako nang may biglang kaway ng kaway sa mukha ko .. as in sa harap talaga ng mukha ko.
"Tsk! ano ba hutahena!" sabi ko at pinalo yung kamay niya. Syempre joke ko lang yung mabait ako! Psh. Pang intro lang yun.
"Kalma! eto naman .. ang aga aga naka-tulala!" sabi niya habang natatawa, "May iniisip ka siguro no?" Oo, iniisip kita jibrille. Si jibrille ang close friend slash maha-- crush ko nang mag tu-two years na! Grabe no?
"Wala .. at kung meron man eh wala ka na din dun!" sabi ko sakanya sabay taray.
"Grabe!" ginulo niya yung buhok ko, "Ang cute cute mo talaga, ynnaa! Bye na nga" kinurot niya ang pisnge ko at saka tumakbo na paalis.
"Gago!" mabilis kong sigaw sakanya. Oo na, salbahe na pero sanay na siya sa ugali kong ganito. "Ay palakaa!! uyy! sino to??" may bigla kasing tumakip ng mata ko ..
"Hahaha!" bigla siyang tumawa .. Ah! alam ko na -____-
"Heina! nako .. ang hilig mo talaga" sabi ko at tinanggal na yung kamay niya habang siya natawa padin .. baliw talaga.
"Anong nakakatawa? -_-" tanong ko sakanya.
"Walaaa! Good morning palaaa!" sabi ni heina .. Si heina .. siya ang bestfriend ko.
"Ha-ha .. ay nga pala, may kwento ulit ako sayooo!" masayang sabi ko sakanya habang kinikilig-kilig pa ..
"Oh ano yun?" interesadong tanong niya sakin.
"Eh kasi .. ahm! kausap ko kanina si crush!! 5 minutes ago! Sinabihan niya ako ng cute .. Shet! alam mo ba yun?? sasabog na ko sa tuwa pero hindi ko lang talaga pinahalata!" kwento ko sakanya.
"Easy!" natatawang sabi niya, "Ganyan ka! lagi mong kinukwento sakin yang crush mo pero hanggang ngayon di mo padin sinasabe sakin kung sino! dugaaa" sabi niya at nag-pout.
Ayun lang.
"Ah .. eh .. " napakamot nalang ako ng ulo dahil tama siya ..Hindi ko masabe sakanya dahil ewan ko? Nahihiya lang ako. Ang tagal na naming mag-bestfriend ni heina pero ngayon lang ata ako nahiya sakanya. Anu bayun -_- "Saka nalang! promise! hehe .. hehe" sabi ko at nag peace sign pa sakanya with matching fake tawa -_________-