Chapter 1 √

1.6K 42 0
                                    

Seven Years Ago........

••••••••••••••••
Maris' POV

"Sofia, bagay ba?" Tanong sa kanya. Tinignan naman niya ako from head to toe.


Nilagay niya yung kamay niya sa baba niya na para bang nag-iisip. *cross fingers* sana naman okay na toh! Kanina pa kaya kami dito.


"Keri lang" sagot niya tapos tumingin na ulit siya ng mga damit. Napasimangot naman ako.


"Kainis toh! Bagay naman sa'kin eh! Kanina pa ako palit nang palit tapos sasabihin mo lang 'Keri lang'." reklamo ko sabay irap.


Nandito kami sa Mall, sa boutique shop. Nagyaya kasi siyang mag-mall.



"Jane! Maganda naman di ba?" tanong ko naman kay Jane.


"Yah! Bagay na bagay sayo" sagot niya. Buti pa tong si Jane.


"Tara! Nagugutom na ako. Bayaran na natin yan" yaya ni Sofia.
Pumunta na kami sa cashier tapos nagbayad na kami.



Paglabas namin ng shop pumunta agad kami sa Starbucks and nag-order.



"Alam niyo tinatamad pa akong pumasok bukas." kwento ni Sofia.



"Me too. Di ko masyadong naenjoy yung bakasyon natin eh." sabi ko.



"What? Maris ayaw mo nun mas madalas ka nang nasa school kaysa binubungangaan ka ng Kuya Jon mo sa house niyo?" tanong ni Jane.



"True! HAHAHAHA!" sabi naman ni Sofia.



"Kahit naman ganun yun, mahal na mahal ako nun." sagot ko.


"Eh, bakit ba kasi ang sungit-sungit ng Kuya mong yun? Si Kuya Luke naman sobrang bait. Eh yung si Jon, akala mo laging meron." sabi ni Sofia



"HAHAHAHAHAHAHA!!!" malakas nilang tawa. -_-



"Heh! Ganon talaga yun. Minsan may mood swing siya." sagot ko.



"Pinagtanggol mo pa. Ganon din naman yun." sabi ni Sofia



"HAHAHAHAHAHA!!!" tawa ulit nila.



"Alam mo Sofia sabi ni Kuya Jon, gusto ka raw niyang ligawan. Mahal ka na daw niya." sabi ko. Haha!



"Talaga?!" umayos naman siya ng upo. Kumikislap pa yung mata. Crush na crush niya kasi Kuya.



"Yah!" sagot ko.



"Kyaaa---" di niya natuloy yung pagtili niya ng magsalita ako.



"Kidding!" sabi ko sabay tayo. Tumayo na rin si Jane tapos lumabas na kami.



Si Sofia nakaupo pa rin sa loob ng Starbucks. Nakanganga. HAHA!



Btw. Si Sofia Andres and Jane De Leon. Friends ko sila. Mga anak mayaman. Pero sabi nila mas mayaman daw ako sa kanila. Mukha raw kasing reyna yung Mommy ko. HAHA!

Fast forward~~~

Papasok na ako ng gate namin nakita ko namang nakapatay yung mga ilaw sa loob ng bahay.



"Good Evening Ma'am" bati ng katulong namin.



"Good Evening. Bakit nakapatay yung mga ilaw sa loob? Wala pa ba sila Kuya?" tanong ko sa kanya.



"Hindi ko po alam Ma'am. Kararating ko lang po. Nag-grocery po kasi ako" sagot niya.



Ngayon ko lang napansin na may bitbit siyang mga plastik. Tumango naman ako at nauna ng pumasok sa loob.



Pagbukas ko ng ilaw..



"San ka galing?"



"Aaaaahhhh!!" sigaw ko. Nagulat ako kay Kuya Jon.



"ANO BA?!" sigaw naman niya habang nakatayo at nakasandal sa hawakan ng hagdan.



"Bakit ka ba nanggugulat?!" sigaw ko.



"Hindi kita ginulat. Pwede ba? Bawas-bawasan mo yang pagkakape mo. Nagiging magugulatin ka na eh." sabi niya tapos naglakad siya papuntang kusina.



Sinundan ko naman siya.



"Tabi nga!" sabi ko tapos binunggo ko siya. Nakaharang kasi siya sa ref. Kumuha naman ako ng tubig.



"Saan ka nga galing?" tanong ni Kuya Jon.



"Mall." tipid na sagot ko sabay inom ng tubig.



"Anong ginawa mo dun?" tanong ulit niya.



"Nag-mall." tipid na sagot ko.



"Napakapilosopo mo talaga eh!" sabi niya.



"Bakit ano bang ginagawa sa Mall? Di ba nagma-mall?" sagot ko. Para tong timang!


"Sinong kasama mo?" tanong ulit niya.


"Sina Jane." tipid na sagot ko.



"May kasama kang lalaki?" tanong niya ulit. Ano ba naman toh!


"Alam mo Kuya. Bakit kaya hindi ka na lang mag-pulis? Andami mong tanong eh." sagot ko.



Maglalakad na sana ako nang magsalita siya.


"Answer me!" -siya



"Wala" mabilis na sagot ko. Mahirap na baka magalit pa yan.


Siya si Kuya Jon. May isa pa akong Kuya, si Kuya Luke yung panganay. Mabait naman yan si Kuya Jon eh. Sumungit lang yan nung nagbreak sila nung Ex niya. Mahal na mahal niya kasi, palibhasa di pa nakaka-move on.

•••••••••••••••••••••

To be continued.....

If the Feeling is Gone (McRis Feat. Hashtags)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon