Eris Snowe Morales
Ngayon ang araw na nag-break kami ng 3 months kong boyfriend, kahit ako nagulat eh, bakit ba ang malas ko sa lalaki? Lagi na lang akong iniiwan? May balat ba ako sa pwet? Wala naman ah.
Hay nako, pang anim ko na siyang boyfriend. O ayan na, you're judging me! Hindi ako atat sa boyfriend! Nagkataon lang na mabilis ako mahulog, mabilis ako magkagusto, kaya ayan ang napala ko.
Hays, gusto ko ng Starbucks, makabili nga!
Naglakad ako palabas ng bahay, hindi naman ganun kalayo 'yung Starbucks sa'min eh, deretsong Starbucks ako t'as um-order ako ng frappucinno.
Haays, 'di ako affected sa break up kasi alam ko naman nang mangyayari 'yon, tsaka panget din kasi dahilan kung bakit kami nag-break.
Bet lang pala ang lahat! Pero sige, hayaan, gusto ko lang naman siya, hindi mahal. Nasayang nga lang 'yung 3 months ko, bwiset.
Hinintay kong tawagin ang pangalan ko, "Snowe!" ayun na nga, tinawag na ako. Papatayo pa lang ako nang may lumapit sa pwesto ko.
"Miss, sa'yo ba 'to?" tanong nung lalaki. Matangkad siya, itim ang buhok, tama lang 'yung itsura, naka-hoodie na blue at pants.
"Ah, oo, b'at mo kinuha?" tanong ko sa kanya, weird kasi diba? 'Di naman niya ako kilala tapos alam niyang para sa'kin?
Pero imbes na sumagot, ngumiti lang siya sa'kin tapos nilapag niya 'yung frap ko sa lamesa.
"Thank you nga pala" sabi ko, ngumiti siya lalo, teka nawi-weirduhan na talaga ako. "Wala 'yun, ako nga pala si Nathan Regen Garcia" wow, 'di naman siya excited 'no?
"Eris Snowe Morales, nice to meet you" sabi ko na lang, 'tas kinuha niya 'yung kamay ko at nakipag-shake hands siya. Syet, b'at ganun? Parang nanlamig ako bigla? Tapos ngayon.. parang mainit naman? B'at parang may kuryente? Ano 'to? Anong nangyayari?
"Pwede ba ako makiupo?" tanong niya, tumingin ako sa paligid, b'at parang biglang dumami 'yung tao? Wala na ngang bakante.
"Ah, sige lang" sabi ko na lang, ngumiti naman siya, "Hehe, salamat ha! 'Wag ka mag-alala, 'di ako manyak" tawa niya.
Natawa lang din ako, hindi ko alam kung bakit parang ang gaan lang talaga ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala.
"Hindi ka ba o-order?" tanong ko sa kanya, natigilan siya, "Ay oo nga pala! Ang ganda mo kasi eh, nawala tuloy ako sa ulirat" biglaang banat niya, sabay tayo at lakad papunta sa counter.
"Wow, ang bilis bumanat" I said to no one in particular, sabay irap. Ayoko kasi sa lahat 'yung panay banat eh, ang sarap lang banatan.
Maya-maya ay bumalik na siya, "I ordered a cheesecake for you, gorgeous" sabay lapag ng platito sa harapan ko.
"First of all, don't call me gorgeous, second, naiinis ako sa mga lalaking panay banat. And third, thank you kasi gutom na ako eh" sabi ko sa kanya, natigilan siya at maya-maya at tumawa din.
"So this version of you is feisty, huh?" sabi niya habang naka-ngiti, 'dun naman ako nagtaka. Anong version of me? Haaaa?
"Anong ibig sabihin mo sa version of me?" nagtatakang tanong ko, he better answer me because I am creeped out by this.
"What? Ay sorry, wala 'yun! Haha, I think nasobrahan lang ako ng caffeine, nagkape kasi ako kaninang umaga" sabi niya and I eyed him suspiciously.
"Gusto ko lang malaman mo na natatakot ako sa'yo" sabi ko, tumawa siya, "Naiintindihan ko, but you don't have to be" sagot naman niya.
YOU ARE READING
Proving Reality (ONHOLD)
FantasyThere are some love that even death cannot separate.