Ayoko Na! (One-shot Story)

46 2 0
                                    

Author's Note: Hello! Eto yung part two ng 'Mahal kasi kita!'. Dapat basahin niyo yung part one para mas masiyahan kayong basahin ito. Salamat :)

Enjoy reading!

- - - - -

Daphne's P.O.V

One year na simula ng naging kami ni Denver. Well, masaya pero mahirap. Mahirap kasi sunod-sunod ang mga pagsubok na dumadaan saamin.

Pero nakayanan namin yun. Ipinagdarasal namin na sana,tapos na lahat ng pagsubok. Pero,sa tingin ko. Hindi matatapos ang pagsubok. Darating at darating yan.

Andito ako ngayon sa bahay nila Denver. Tinutulungan ko siya sa dino-drawing niya.

 Tinutulungan ko siya sa dino-drawing niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Eto na bali yung bonding naming dalawa.

"Mali! Tsk,tignan mo oh~ ang dumi!" sabi niya saakin. Nalagpas kasi yung pagkulay ko.

"Anu ba naman yan! Ang arte! Eh,pwede namang burahin ah?" sabi ko. Kakainis siya. Mas mahal pa ata niya itong dino-drawing niya.

"Tsk. Papanget kasi kapag binura!" sigaw niya ulit.

"Edi wow! Sorry na~ tss." sabi ko at yumuko.

Hinawakan naman niya ang pisngi ko at hinalikan yun.

"Sorry." sabi niya.

Lumingon ako sakanya, "Hahahahahaha!" bigla nalang akong natawa.

"Bakit?" seryoso niyang tanong saakin.

"Wala lang. Hahahaha, alalang-alala ka kasi!" sabi ko. Ngumisi naman siya.

"Because I don't want to see you mad at me." sabi niya na nakapagpahinto saakin.

Feeling ko namula yung buong mukha ko. Haist! Nakakainis siya. Sa simpleng mga salitang binibitawan niya,kinilig na ako.

"Ahahahaha! Wag ka kiligin diyan! Hahahaha." sabi niya. Tss, and he started teasing me.

"Nakakainis ka talaga!" sabi ko. Tumawa lang siya. Napangiti nalang ako. Sana ganto nalang palagi.

- - -

Monday na ngayon,so it means may pasok kami ngayon.

Nandito na ako sa room namin. Hindi kami magkaklase this year kaya madalang lang kami magkita.

"Uy,Daphne!" may sumigaw sa labas. Akala ko si Denver. Si Clifford pala.

Pumunta ako sa labas,wala pa naman yung teacher eh.

"Oh,bakit?"

"Pwede kaba mamaya?" sabi niya.

"Saan?" tanong ko.

"Kasi may project kami,kailangan namin ng ka-duet. Pero dapat ibang section at ibang grade. Ikaw lang naman kasi kilala ko kaya sana pwede ka."

"Aahh. Sige okay. Anung oras ba?"

Ayoko Na! (One-shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon