Chapter Fifteen

8.5K 166 4
                                    

Pagkalingon ko, nakita ko siya na may biglang hinablot na babae. The girl is wearing a backless red dress that falls sa mid-thigh niya. Tinitignan ko lang sila. Xander's running a finger sa bare na likod nung babae while the woman clings sa arm ni Xander. Nagkalat ang mga mahaharot sa club na to.

Umalis yung dalawang kasama ni Xander at maghu-hunt daw ng babae. Hunter na pala ang mga mahaharot ngayon. >,>

Nakatingin pa rin ako sa kanila when they started to... O___O *gulps*

Napaupo ako ng maayos ng de oras. Feeling ko ang putla ko na. Shemax talaga! They started kissing torridly while yung kaliwang kamay ni Xander e bumaba sa thigh nung babae.

Information overload! Rated SPG na! Masyado pa kong bata para masaksihan yun >///<

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, kumuha ako ng tissue doon sa mesa. Nilukot ko yun at pinagtatapon kina Xander habang naka-close eyes. Malay ko ba kung ano ng ginagawa nila!

I opened one eye. At nakita kong nakatingin si Xander sakin. Thank God they stopped doing unnecessary things.

"Why did you stop? I'm on it!" sabi ni bloody-red lips girl.

"Wait for me outside, baby. I need to talk to someone."

Nakasmile si girlaloo habang naglalakad. Si Xander naman e papalapit sakin. Tumayo ako. Baka mahulog ako sa sobrang kaba e.

"Oh, look who's here," tinignan niya ako from head to toe, "Marunong ka naman palang mag-ayos. Do it more often." he smirked.

"I didn't do that para puriin mo ako, jerk. Anong ginagawa mo?!"

"Uh. Talking to you?" ganda lang ingudngod ang face neto sa fire eh noh?

"Bakit mo ginagawa kay Danna to?"

"Ano bang pakealam mo?"

"Aba malamang lang na makekealam ako dahil kaibigan ko ang girlfriend mo!"

"So?"

"So, ayoko siyang nasasaktan."

"Hay. Alam mo... What's your name again?"

"Arcillas."

"Your first name."

"You don't need to know, Smitt."

"Okay, alam mo friend-ng-girlfriend-ko, kasalanan din to ni Danna e, masyado niyang minamahal ang gaya ko. Ano pa't ang ganda ng mukha't katawan ko kung itatali ko ang sarili ko sa iisang babae lang?"

"Ano pa't gwapo ka nga e sobrang hangin mo naman?" tumawa lang ang mokong.

"Uto-uto yung kaibigan mo e. Matalino ba talaga yun? Bakit walang utak pagdating sakin?"

"Nakakahawa kasi ang pagka-bopols mo eh," nagiging ganito talaga ako pag naiirita.

Tumawa naman siya ulit, "So anong balak mo? Sasabihin mo kay Danna?"

"Oo."

"Well, bahala ka. Sabihin mo man o hindi, panalo na ako rito. Masasaktan at masasaktan pa rin siya."

"Ikaw ang masasaktan pag di ka tumigil sa mga pinaggagawa mo!" tumawa lang siya. Alam niyo yung tawang pang kontrabida? Ganun ang ginagawa niya.

"You know what... I like you."

"I don't care..."

"Wanna play with me?" sabi niya. Sa sobrang iritation ko, kinuha ko yung baso ng milkshake at tinapon ko sa mukha niya.

"Ahw. I'm sorry, di ko sinasadya! As if. I'm old enough to know na bawal paglaruan ang feelings ng mga tao. And besides, who would want to play with you?" I raised an eyebrow.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon