Si Ms. Bulag?(One Shot Story)(KathNeil)
------------------------Prolouge--------------
Hello, ako pala si Joece Navarro, isang 4th year highschool student. Isa akong ordinaryong studyanteng nerd na may gusto sa isang pinakagwapo, pinakasikat, pinakasporty, pinakamabait, pinakamatalino, at pinaka sa lahat.
Alam ko naman sa sarili ko na hanggang tingin lang ako sa kanya, ang taas-taas niya kasi hindi ko kayang maabot.
Maraming nagkakandarapang babae sa kanya na mas maganda at sexy pa sa akin so anong laban ko.
Kaya nandito lang ako sa tabi tabi pinapanood ang crush ko na nagsisign ng mga clearance last day na kasi ngayon ng pirmahan at wala ng tao sa susunod na araw.
president kasi siya ng student council kaya ayun parte na yan ng trabaho niya ang pagsasasign ng clearance.
Since natapos na ang 3rd year level kaming mga 4th year level na ang sumusunod.At nagkataon ako ang nasa huli.
"Oh! ang gwapo niya talaga" sabi ng babaeng malanding lumulundag habang kinikilig na pinagnanasahan ang crush ko.
"Ok, next" sabi ni Marv.
oo, Marv ang pangalan niya Marv Hangad.
at sumunod kaagad ang malangding babae na nasa harapan ko.
"Ang gwapo mo!!pwedeng pakiss..."( tsup ) sabi ng babae sabay halik sa chicks ni Marv kahit hindi pa ito sumagot...
Ang landi talaga ng babaeng to...Wala man lang humingi ng favor ko.Grr..ang sarap tadyakan...(pero joke lang)..at umalis na yung grrrrrr...na babaeng yun sumusurot dugo ko...!
"Next?" sabi niya.
Ah! wala man lang ba sa kanya yun..sabi ko na naiinis at pumunta nako sa kanya at inabot ang papel ko which is ang clearance ko.
"Miss, anong oras na ba ngayon?" tanong niya.
Hindi niya ba ako kilala???Miss lang?hindi niya ba nakita sa pinirmahan niya ang pangalan ko?
"Uhm..oras na para mahalin ako." sabi kong mahina na mukhang naiinis .
at in just 5 seconds, nagkaroon ng silence.
At hindi ko namalayan na yun pala ang lumabas sa mga bibig ko..Gosh!!!!!!narinig niya kaya..S***
kinakabahan ako.
"Anong sabi mo?" at he disturbs the silence.
"uhm..mag-aalas 5:00 na." sabi ko habang nauutal at inabot niya na ang clearance ko.
at nagsimula nakong humakbang papalayo sa kanya..
"Farewell, my alma mater"
tumigil ako saglit at lumingon sa kanya.Mukhang nakita ko rin siyang tumingin sakin na malungkot baka guni guni ko lang yun.
"And farewell, my love." at nagpatuloy nakong maglakad..
hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko....
-------2 months later----------
Hahay! balik eskwela nanaman, kaya nandito ako ngayon sa dati kung paaralan, kukunin ko kasi ang card ko for this coming enrollment sa Ateneo De Manila kasi ako magcocolege.
"Ah, Maam Lopez, kukunin ko po sana ang card ko." sabi ko kay Mrs. Lopez na 4th year adviser ko last year.
"OO, nandito lang yun, wait muna Joece." sabi niya habang hinahanap ang card ko.
"O, ito na..Kunin mo na rin tong clearance mo." sabay abot sakin habang ngumingiti ng nakakaloka.
"Ah, salamat po maam." ano kayang meron kay maam, mukhang ngayon ko palang siyang nakitang ngumiti ng ganun..