THE TRUTH: FREE OR PAID?
"Dalian mo na dyan anak, nasa labas na 'yung abogado natin."
Dali dali kong kinuha ang sling bag ko na nakalapag sa kama. Isang champagne spaghetti strap dress lang ang suot ko. Simple ngunit elegante tignan lalo na kapag ako ang magsusuot. Chos. Walang papalag.
"Kanina pa ba siya dyan?"
Tanong ko kay Mom habang sinusundan siya ng lakad papalabas ng kwarto.
"Yes. Kanina ka pa inaantay nyan pati yung Dad mo."
Ani ni Mom. Nang makarating kami sa sala ay pinasadahan ko ng tingin sila ni Dad na kasalukuyang may pinipirmahan sa papeles na hinahawakan ng abogado namin. Si Attorney Lucy Centerde II. Naka pormal suit siya na parang isang propesyunal na lawyer habang may katabing briefcase sa bandang kaliwa niya.
"Hindi pa ba iyan tapos, honey?"
Tanong ni Mom kay Dad at tinabihan ito sa sofa. Humalukipkip ako at lumapit sakanila.
"We're now finished."
Sabi ni Dad at tumayo na doon sa sofa. Nakita ko ang bahagyang pagsulyap ni Mom kay Attorney Centerde tapos balik na naman kay Dad.
Napailing nalang ako.
"I assure you that the justice will be served in our eminent favor."
Sabi ni Attorney Centerde at tumayo na rin doon dala ang mga papeles na nasa loob ng puting envelope. Iyan siguro ang isusumite namin mamaya doon sa korte.
"We will look forward with that, Attorney."
Nakangiting sabi ni Dad at nakipaghandshake kay Attorney Centerde. Muntik na akong matawa sa reaksyon ni Mom. Nakapamaywang siya at nakaawang ang labi.
"All we need is courage and integrity from this young lady of yours."
Sabi ni Attorney Centerde at nilapitan ako. Tinapik niya ang balikat ko at nginitian. I casted out a reassuring smile and intently nodded. Inatake ako ng kaba. Sana nga magiging okay ang lahat mamaya. Sana matapos na itong isyu na ito dahil gusto ko nang makamtan ang hustisya na karapat dapat kay Dad at sa pamilya ko.
"However, regardless of these things, calm down yourself first, Quendrin."
Ani ni Mom at nilapitan ako. Bahagya niya akong niyakap. Naiiyak na naman ako. Dala na rin siguro ng mga alaalang naging masamang bangungot pasulpot sulpot akong binibisita. I've been traumatized too much. Lalo na at naging saksi ako sa mga nangyari noon kay Dad. Bumitaw ako sa yakap ni Mom at tinignan si Dad. Nakangiti siya sa amin.
Kung titignan mo si Dad parang walang nangyari sakanya. Para bang walang napagdaanang trahedya. Para bang hindi dumanas ng sakit at hinagpis na mismong nasaksihan ko noon.
"I'll do my best Mom."
Nagthumbs up si Mom sa akin at ngumiti. Nakita ko rin ang pagngiti ni Attorney Centerde. Nilapitan ako ni Dad. Napatingin ako sa mga paa niya. Buti talaga nakakalakad na siya kahit wala siyang isang paa at nakasugerized lang ito. Resulta ito ng krimen na naging biktima siya noon. I tried to look away and face my Mom. Ayaw kong umiyak ngayon. Ayaw ko. Naalala ko na naman kasi 'yung nangyari noon.
"Aalis na kayo?"
Napatingin kami sa ikalawang palapag. Nakatingin sa amin si Kuya Henrix habang bumababa siya ng hagdan. Tumango ako atsaka nagpaalam na kami na aalis na. Bago pa man ako makaiwas ng tingin kay Kuya, nginitian niya ako na para bang sinasabi niya sa mga mata ko na magiging maayos at matagumpay ang lahat kung tapat kong tutulungan si Dad sa kaso niya.
****
Author's Note: Xavier University — Ateneo de Cagayan is a prestigious private university here in Cagayan de Oro, Misamis Oriental.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Ficción GeneralStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...