SAVIOR BY HATREDTYLER TEXAS RENESIS OKINAWA'S POINT OF VIEW
Isang malakas na upper cut ang pinakawalan ko at isang mariin na suntok sa pisngi ang ginawa ko sakaniya kaya agad siyang natumba.
"Quendrin!"
Agad kong nilapitan si Quendrin na nagtatakip ng mukha niya gamit ang kanyang magkabilang palad at umiiyak. Nakasalampa siya sa sahig at nanginginig ang buong katawan.
"Hey, stand up. Are you okay?"
Tumingin siya sa akin. Putlang-putla ang mukha niya at nanginginig ang mga labi. Tinulungan ko siyang tumayo. Naramdaman kong nanghina ang tuhod niya kaya bahagya ko siyang binuhat at inupo doon sa upuan ng waiting shed.
"D-dad... Dad.."
Rinig kong bulong niya sa sarili habang umiiyak pa rin.
"Hush now, Quendrin."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko alam pero ayaw kong makakita ng isang babaeng umiiyak. Iyon kasi ang kahinaan ko.
"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"
I cupped her face. Tinignan ko ang mga braso niya at ang mukha niya. Bahagya siyang natigilan sa ginawa ko kaya napabitaw ako. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi.
"Okay ka na ba? Sinaktan ka ba noong─"
"Tyler, watch out!"
Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Quendrin sa harap ko. Agad akong tumingin sa likod at nalaglag ang panga ng sasaksakin sana ako ng patalim noong lalaki nang may nagpaputok ng baril sakaniya. Agad kong niyakap si Quendrin na biglaang napatakip ng tainga. Bumitaw agad ako at tumingin sa likod. Nakahawak ng baril si Hyder at palapit siya sa amin ni Quendrin.
"Are you guys fine?"
Tanong ni Hyder. Hinagis niya ang baril sa akin kaya sinalo ko ito. Nabigla naman ako ng napasinghap si Quendrin at umusog palayo ng kaunti sa akin.
"Ilayo niyo sa akin 'yan."
Nanginginig na sabi niya. Tinignan ko ang baril na hinawakan ko. Kinuha ko ang balang nakalagay dito at itinapon. Nilapag ko ang baril sa sahig at nilapitan si Quendrin.
"Calm down, Quendrin. We won't hurt you."
Ani ko sa mahinahong tono. Nag iwas siya ng tingin at pinunasan ang luha niya sa pisngi. Tumikhim si Hyder kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin siya kay Quendrin.
"Really? Then what? After you helped me now... you'll use me? Ako ba ang susunod niyong bikitima pagkatapos kay Dad? Sana hinayaan nyo nalang akong patayin noong lalaki."
Umigting ang bagang ko sa sinabi niya. Ano pang pinagsasabi niya? Nang dahil ba sa nangyari noon sa Dad niya at sa Dad ko ay pati rin kami tatratuhin na niya na parang mamamatay-tao? For heaven's sake, wala kaming kinalaman doon. Problema iyon ni Dad at hindi sa amin kaya labas na kami doon ni Hyder. Nang dahil sa pinapakitang reaksyon niya ngayon, tila ba tinatrato niya kami na parang kriminal na kayang pumatay ng tao ng walang pag-aalinlangan.
Kasalanan ba naming muntik na hold-up siya noong lalaki? Buti nga at nakita ko agad siya dito noong sumigaw sigaw siya e.
"Leave her, Tyler. Uuwi na tayo. Wala siyang utang na loob."
Napakunot noo ako sa sinabi ni Hyder. Kahit kailan talaga, napaka walang modo ng isang ito.
"Don't expect me to thank the two of you. Galit ako sainyong dalawa."
Malamig na sabi niya. Nalaglag ang panga ko. Umigting ang bagang ko kaya bigla akong kinalabit ni Hyder. Tumango siya na parang nagsasabi na aalis na kami. Nagbuntong hininga ako at tumayo.
"No worries, then."
Ani ko at naunang maglakad palabas doon sa waiting shed. Agad akong sinundan ni Hyder. Nagtungo ako sa parking lot at binuksan agad ang sasakyan ko. Hinampas ko agad ang manibela ko pagkaupo sa driver seat.
"Damnit! bakitba kasi pati rin tayo napagkakamalang kriminal?"
Bulyaw ko. Narinig ko namang nagmura si Hyder sa tabi ko at isinara ang pinto ng sasakyan.
"The hell, Ty. Dad Yui is not a criminal."
Ani ni Hyder na parang tinatama ang sinabi ko. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Kung sana andoon ako sa pinangyarihan ng aksidente ng Dad ni Quendrin at ni Dad noon edi sana alam ko kung sino ang totoong kriminal dito. Kung sino talaga ang may pakana dito. Nasa States ako ng mga araw na iyon at hindi dinetalye saakin ni Dad ang nangyari pag uwi ko. Hindi rin ako nakapunta sa korte noon. I can't believe that Dad did that to them.
"Damn Hyder! Quendrin hates me so much!"
Singhal ko. Natigilan kami pareho ni Hyder. Maya-maya pa'y nanlaki ang mata niya at nagmura. Ilang sandali pa nang mapagtanto kong nadulas ako sa aking sinabi. Nag iwas ako ng tingin at inandar ang sasakyan 'saka nagmaneho.
"Hindi halatang may gusto ka sakaniya pero I warn you Ty. Tigilan mo na iyan. Wala kang mapapala diyan. Alam mo namang ayaw ni Dad sa pamilya niya diba?"
Napabuntong hininga ako. Tama si Hyder. Ayaw ni Dad sa pamilya nila. Hindi ko alam ang rason. Siguro dahil sa nangyari noon pero hindi ba nila kayang mag move on at magkabati na lamang? Mahirap bang gawin iyon? Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating na kami sa amin. Pinark ko agad ang sasakyan sa garage. Umunang lumabas si Hyder sa sasakyan tsaka ako sumunod.
"Dad, could you give some spare time to talk with you? "
Tanong ko agad kay Dad pagdating namin sa sala. Nadatnan ko si Dad roon na nakatingin sa frame ni Mom Gea. I miss Mom already. All I ever knew was she died because of her terminal heart disease. Napatingin saakin si Dad. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya ngunit umiling ako.
"Dad, please?"
Seryosong sabi ko. Nagbuntong hininga si Dad at tumayo sa sofa. Nilapag niya muna ang frame doon atsaka lumapit sa akin.
"About what, Ty?"
Bumuntong hininga ako at nagsalita.
"Dad move on, please. Forgive the Madriza."
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
General FictionStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...