Kabanata 23

93 9 0
                                    

Author's Note: Hello! If you have already read my Endless Series, you would notice that Clandestine and Hannah have the same surnames. I just needed to clarify that they are cousins, which signify that their Dads are biological siblings. However, please do not be horribly discombobulated. Endless Series does not have any plot, characters and other elements' connection with this story. Thank you.

You may now continue reading.

*****


                                                          HEIGHTS OF BURNING DESIRE

"Quendrin, you're so stunning!"

Sinalubong agad kami ni Ate Hannah kasama ang Mom at Dad niya na si Tita Helena at Tito Hayden. Nakipagbeso beso agad sakanila nang lumapit kami.

"Ikaw rin naman e."

Ani ko kay Ate Hannah kaya ngumiti siya. Bagay sakaniya ang white royal dress na suot niya ngayon. Nakita ko namang nag uusap usap si Tito at Tita kay Mom and Dad. Nasulyapan kong nakahalukipkip lang si Kuya Henrix sa likod nila at nakatingin sa paligid. Nagkibit balikat nalang ako at tumingin ulit kay Ate Hannah. Nakita ko siyang nakatingin kay Kuya Henrix. Tumikhim ako kaya napatingin siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Bahagyang pumula ang pisngi niya.

"His tuxedo looks so germanely dashing and attractive"

Ani niya. Tumawa ako kaya tiningnan niya ako gamit ang puzzle look. Umiling iling ako at inakbayan siya.

"He is dashing and attractive."

Pagtatama ko. Nanlaki ang mata niya. Tumawa nalang ako at sabay kaming nagtungo doon sa may mga seats malapit sa swimming pool. Nakahanay rin ang mga table doon ng mga bisita na may maraming porselana. Gaganapin kasi ang engagement party ni Ate Hannah dito malapit sa pool area. May malaking stage sila doon sa gitna sa gilid ng maraming bulaklak at iba't-ibang chandeliers na nakakabit doon sa stage. Kitang kita talaga ang pagiging marangya ng isang pamilyang Luxtic.

"Dito ba ang table namin?"

Tanong ko kay Ate Hannah. Tumqango siya at nagpaalam na aalis muna.

"Dito ka muna, okay? May pupuntahan lang ako."

Sabi niya. Umupo muna ako doon sa upuan. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Medyo kaunti pa ang mga bisitang andito. Nakita kong abala si Mom at Dad sa pag uusap kila Tita at Tito. Tumayo ako at napagpasyahan na mag washroom muna. Nagtanong ako sa janitor kung nasaan, itinuro niya naman agad ang daan nito.

"Salamat po."

Ani ko. Tumango lang siya. Tumalikod na ako at pumasok na roon sa CR. Nabigla ako noong nakasalubong ko si Tyler. Nakatuxedo siya at bigla ring napatingin sa akin. Nanlaki ang mata niya at ganoon na rin ako. Napaawang ang aking bibig dahil hindi ko inakalang magtatagpo ang landas naming dalawa ngayon dito.

"Bakit ka nandito?"

Nagtatakang tanong ko. Bahagyang tumaas ang kilay niya at humalukipkip.

"Ako dapat ang magtatanong niyan."

Malamang inimbitahan ako ni Ate Hannah dito sa engagement party. Ngunit, hindi ko alam na makakasalubong ko pala siya dito.

"May binabalak na naman ba kayong masama?"

Malamig na tanong ko. Umigting ang bagang niya. Bahagya siyang umiwas ng tingin at parang pinamulahan ng tainga.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon