Kabanata 35

67 10 0
                                    

A MOMENT OF DISCOURSE

"This is suppose to be your dinner date! Bakit niyo pa ako isasama rito?"

Pasinghal na angal ko kay Ate Han habang nagpatianod sakaniya na hila-hila ang kabilang braso ko. Tinawanan lamang ako ni Kuya Rix na nasa gilid niya. Luminga-linga ako sa paligid at napagtantong na nasa labas na pala kami ng Innova ni Rix. Saan ba kami pupunta?

"You will be our personal chaffeur for now, missy."

Natatawang sabi ni Kuya Rix kaya bahagya akong natigilan. Agad siyang siniko ni Ate Han at pinagsabihan ngunit tumawa lamang ulit ito. What the freaking phrase did she just mumbled out?

"He's lying!"

"Then bakit niyo pa ako isasama rito?"

Nakataas kilay na singit ko agad. Ngumiwi lang ang labi ni Ate Han at nilingon si Kuya Rix na naglalakad rin habang nilalaro ang susi ng kanyang kotse gamit ang kanyang kabilang kamay.

Umirap na lamang ako sa kawalan at sumabay sa paglalakad sakanila. Andito na kami e. I could not back off anymore. Saan nga ba kami ngayon? Inikot ko ang aking paningin sa paligid saka napagtanto kung nasaan kami ngayon. Orphanage?

"Why are we here?"
"Paulit-ulit, Quen?"

Napaawang na lamang ang labi ko habang sinusuyod ang lugar kung saan kami ngayon. Nasa labas kami ng isang kulay puti at malaking gate na nakapinta sa gilid ang 'Borge's 1879 Orphanage'. Seriously, does this look a plesant dating spot?

Lumapad ang ngiti ko at dahang-dahang bumitaw sa kamay ni Ate Han saka humalukipkip. Agad naman siyang napatingin sa akin at nagtaka sa aura ko.

"Uuwi na ako."

Sabi ko at tatalikod na sana ng pumalag si Kuya Rix. Hinawakan ni Ate Han ang braso ko at agad akong pinigilan. Nakatiim bagang akong lumingon sa kanilang dalawa. I have a PMS here pero wala akong nagawa kasi kinaladkad na nila ako rito. Wala akong planong maging chaffeur sa date nila. For pete's sake, this is least bucketlist wish that I would fulfill before I traipse my feet into the grave.

"Not that fast, bunso."

Palag ni Kuya sa akin. Hinawakan niya ang braso ngunit agad ko itong hinawi. Humalukipkip ako at nakasimangot na tumingin sa kawalan. Mas pipiliin ko pa sigurong umuwi ng buhay at magpatuloy sa pag proofread ng files kaysa maging instant thirdweel ng dalawang ito.

"Let her go, Rix. Ayaw niya kaya huwag nalang muna ngayon. I think she's not in the mood. Yet actually Quen..."

Huminto sa pagsasalita ng mahinahon si Ate Han sa akin at nginitian ako. Natigilan ako sa sinabi niyang hindi muna ngayon. What was that supposed to mean?

"This is not a date. Pupunta talaga kami dito sa orphanage yet since, Henrix told me you that you adore kids so much kaya isinama ka namin dito."

Umangat ang gilid ng labi ko at natigilan sa sinabi ni Ate Han. I love kids? Not so much. Ibinalik ko ang tingin ko sa malaking gate. Kids? Crap! I wanted to enter there as in right now. Inilipat ko ulit ang paningin ko kay Ate Han na nakangiti sa akin.

"Sana sinabi niyo agad sa akin? May pa chaffeur pang nalalaman ang isa diyan kahit ang gusto niya lang naman ay gawin akong alipin ngayon."

Taas boses na pagpaparinig ko kay Kuya ngunit umismid lang siya at tumawa. Napailing na lamang ako saka kami sabay na pumasok roon sa gate. Sinalubong kami ng isang security guard at nakipag-usap sandali kay Kuya Rix.

"Sigurado kayong may invitation kayo galing kay Mother Terresa?"

"Opo. Eto o, ebidensya."

Sabi ni Kuya saka may pinakita sa guard na isang maliit na invitation card. Agad na ibinalik ulit ng guard ang paningin niya sa amin at tumango saka kami tuluyang pinapasok roon sa loob ng orphanage.  Natigilan ako at nanlaki ang mga mata nang lumapat sa aking paningin ang malaking function hall ng orphanage katabi ang playground kung saan may mga batang naglalaro. Pakiramdam ko kumikislap ang mga mata ko sa nakikita ngayon.

"May okasyon ba rito or something? Bakit ang dami nila dito?"

Kuryusong tanong ko kay Ate Hannah. Sumabay ako sa paglalakad sakanila ni Kuya Rix at sumunod pataas doon sa hagdan. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. There's a lot of orphanage staffs and guardians all over the place. Dumapo rin ang aking paningin sa malaking stage katabi ng playground na inaayusan ng mga workers rito. May okasyon ba ngayon?

"Yearly guild celebration, Quen. Every year ang okasyon rito. All staffs, retired workers, head officers, sponsors, supervisors and managers are only allowed in this party."

Umarko ang dalawa kong kilay. Sa pagkakaalam ko, wala kaming koneksyon sa orphanage na ito kaya nakapagtataka naman na basta basta lang kaming nakapasok dito ngayon. 'Tsaka wala rin akong nahagip na kakilala ko man lang na bata o trabahente dito sa loob ng orphanage.

"Pero hindi ko sinabing bawal ka dito."

Dagdag pa ni Ate Han at inangkla ang braso niya sa kamay ko. Nagbuntong hininga na lamang ako at napatingin sa harapan. Nakita kong may binuksan na pintuan si Kuya Rix at pumasok roon. Nagdalawang isip ako na sumunod roon ngunit nahila na ako ni Ate Han. Halos mapahiyaw na ako sa gulat ngunit agad rin iyong napawi ng mapansing parang nasa loob kami ng isang malaking opisina.

Dumapo sa aking paningin ang mga staffs at trabahador na napatingin sa amin pagpasok. Natigilan ako nang may matandang babae na lumapit kay Ate Han at Kuya Rix habang malapad na nakangiti.

Bumaling ang mga mata niya sa akin. Pakiramdam ko nanliliit ko. This tingling familiar gaucherie that occurs out of the blue. Ngumuso lamang siya at dumapo ulit ang tingin kay Ate Han at Kuya Rix na lumapit sakaniya. Niyakap nila ang isa't-isa.

"Are we too late, Mother?"

"Nope. You came in a perfect time. Welcome back, my angels."

Nagkagat labi na lamang ako habang pinanood sila. May lumapit rin sakanila na mga seniors at kasing edad din namin. Oh god! I don't know them.

Candle of Placid ConcussionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon