SORRY
Iminulat ko ang aking mga mata. Natigilan ako ng maramdaman ang sakit ng ulo ko. Bumangon ako sa kama at umupo. Pinasadahan ko ng tingin ang bintana ng kwarto ko. Umaga na.
"Damn."
Mura ko sa sakit na naramdaman ng aking ulo. Hinawakan ko ito saglit at atsaka napagpasyahang hilutin ang aking sentido. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa bandang roon. Nakita kong nakatayo doon si Mom at nanlaking mata na nakatingin sa akin.
Now, I remembered everything last night.
Nag iwas ako ng tingin kay Mom at ibinaba ang aking kamay mula sa ulo. Humalukipkip ako at nagbuntong hininga.
"Quendrin!"
Sambit ni Mom. Ramdam ko ang paglapit niya sa akin kaya napatingin ako sakanya. Agad niya akong niyakap mula sa kama.
"Quendrin, gracious glory! Buti nagising ka na! Why did you collapse last night? Sobra kaming nag alala sa'yo."
Alalang sabi ni Mom kaya napatingin ako sakanya. Bakas sa mukha ni Mom na sobrang nag alala siya sa akin. Natigilan naman ako ng mapagtanto ang sinabi niya.
"Nahimatay ako?"
Hindi makapaniwalang tanong ko. Nagtaka naman si Mom sa tanong ko. So, hindi totoo 'yung nangyari kagabi? Hindi totoo 'yung bangayan namin ni Tyler kagabi?
Nagkunot noo si Mom.
"Dinala ka ni Tyler rito kagabi. Nahimatay ka habang nag uusap kayo."
Natigilan ako. Hindi ako makapaniwalang nag collapse ako sa harapan ni Tyler. Kaya pala wala na akong maalala pagkatapos ko siyang kumbisihin na ibaon na sa hukay ang nararamdaman niya sa akin para hindi na kami mahirapan dalawa. Ngayong naalala ko na ang naging pag uusap namin, sumisikip na naman ang aking dibdib.
"Where is he? Umuwi na ba siya?"
Tanong ko. Tinitigan ako ni Mom. Tumango siya kaya nakahinga ang sistema ko ng maluwang. Nabigla ako nanc hawakan ni Mom ang magkabilang kamay ko kaya nag angat ako ng tingin sakaniya. Seryoso ang mukha niya kaya kumalabog ang puso ko.
"Your Dad wants to talk to you."
Nag iwas ako ng tingin at nagbuntong hininga. I don't want this topic. Hindi ko pa siya kayang harapin. Naiinis ako sakaniya. If he wants the best for Tyler, dapat siya mismo ang gumawa ng paraan para magkaayos sila ni Mr. Okinawa. Dapat siya mismo ang umayos sa gulong namamagitan sakanila at hindi 'yong kusa niyang ipinaglayo ang dalawa. Mr. Okinawa is Tyler's Dad after all, biological or not. He should have known that.
Hinigpitan ni Mom ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Your Dad told me the reason regarding what happened last night and I feel sorry for that. Sorry, Quendrin. Don't worry, nagkausap na si Tyler at ang Dad mo kagabi. Magpapakita na si Tyler sa ama niya. Kakausapin niya iyon. Everything will be okay, soon."
Mahinahong ani ni Mom. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Mom sa akin at humalukipkip.
"Not when I say so. Hindi nila kailangang gawin iyon dahil sinabi ko. They should've done that before I threw my cards on them." Inis na ani ko.
"Iyon ang tama, Quendrin kaya kailangan nilang gawin iyon. I'm glad Yui raised a good son like Tyler. He's kindhearted and understanding."
Ani Mom kaya kumalabog ang puso ko. Naalala ko na naman ang pag uusap namin ni Tyler kagabi. I hope he would be fine. I hope I can trust him enough to let him stop our prohibited interactions.
"Where's Dad?"
Tanong ko. Tumayo na ako mula sa kama. Sabay na kaming lumabas ni Mom sa kwarto pagkatapos kong ayusin ang sarili ko. Nadatnan ko roon sa kusina ni Dad na kumakain. Nag uusap rin sila ni Kuya Henrix. Lumapit kami ni Mom sa kanila.
"Goodmorning, Quen."
Pansin sa akin ni Kuya. Tinanguan ko nalang siya at umupo doon sa bakanteng upuan. May nakahain na pagkain sa harap ko. Naramdaman kong tumabi sa akin si Mom. Namayani ang katahimikan sa amin habang kumakain. Tanging kubyertos lang ni Kuya ang maingay.
Ramdam ko ang pag sulyap sulyap ni Dad sa harap ko ngunit binalewala ko na lamang.
"Excuse me Sir Rix...."
Napatingin ako sa likuran ko at nakita ang yaya namin na papalapit sa mesa. Napatingin ako sa dala dala niyang box. I guess that's a cake. Admirer?
"Yes?" Saad ni Rix.
"May nagpapabigay po nito sa'yo." Sagot ni yaya at inabot iyon kay Kuya.
"Manliligaw mo ba?" Tanong ko. Napatingin sa akin si Dad at Mom ngunit itinuon ko nalang ang atensyon ko kay Kuya.
"I never thought that Hannah could give you a cake out of your madness."
Sambit ni Mom kaya bahagya kong kinagat ang labi ko para pigilan ang paghalakhak. Kunot noo kaming tinignan ni Kuya at idinapo ulit iyon sa box ng cake.
Narinig ko ang pagtikhim ni Dad kaya napatingin ako sakaniya. My aura became serious. Iniwas ko nalang ulit ang paningin ko. Pakiramdam ko tuloy sobrang awkward ng sitwasyon ngayon. Alam kong ramdam din iyon ni Dad. Wala rin kasi akong planong unahan siya sa pagsasalita.
"Hindi po iyan galing kay Hannah, Sir. Galing po iyan sa bago nating kapitbahay na lalaki." Ani yaya kaya nag angat ako ng tingin sakanya.
"Lalaki?" Rinig kong gulat na tanong ni Dad habang nakatingin kay Kuya.
I burst out laughing. What the hell!
"Correction, it's gay not man." Natatawang sabi ko.
"Shut up." Sabat ni Kuya kaya umiling-iling na lamang ako habang natatawa pa rin.
Tumahimik kami saglit. Pinagmasdan uli ni Kuya ang box. 'Saka ko lang napansin na may binabasa pala siyang letter doon.
"Kanino ba galing 'yan Rix?" Ani Mom.
Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.
"It's from my highschool bestfriend. Si Ruther Heathevanz Elfero. Haven't you remembered him, Mom?"
Ani Kuya. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi kaya napatingin sila sa akin.
"Oh!" Sambit ni Mom. Dali-dali niya akong inabutan ng tubig kaya agad ko itong kinuha at ininom.
"Tss. Hinay hinay lang." Sabi ni Kuya.
"Be careful, Quendrin." Sabi ni Dad.
Maya maya pa'y nahimasmasan na ako. Nakita kong tumayo na si Dad nang matapos na siyang kumain. Bumaling ako kay Kuya na sumisimsim ng kape.
"Si Ruther ba 'yong sa Bellvue Homes ang ibig mong sabihin?"
Tanong ko kaya nag angat ng tingin sa akin si Kuya Henrix. Kumunot ang noo niya.
"How did you know him?" Naiintrigang tanong ni Kuya.
Halos makagat ko na ang labi ko sa tanong. What would I say? Na nagkakilala kami nang pumunta ako kila Tyler? But I don't want to tell them that way. Mas dadami pa ang tanong nila sa akin. Nag iwas ako ng tingin.
"W-wala. May kaklase lang ako na taga Bellvue. Madalas niyang ikinukwento sa akin ang lalaking iyan. But, nevermind about it."
Ani ko kay Kuya. Nagkibit balikat lang siya at tumayo mula sa kinauupuan. Pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Hmm, I guess Earth is really a small world. Well, pupuntahan ko kung saang bahay siya lumipat mamaya.
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Художественная прозаStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...