TOGETHER
"Quendrin, pakilagay to sa loob ng sasakyan. Doon sa front seat."
Puna ni Ate Han sa akin at itinuro ang isang malaking paperbag na may lamang rashguards. Lumapit ako sa sofa at kinuha iyon na kasalukuyang nasa sofa. Napagpasyahan kasi nila Ate Hannah na mag water rafting mamaya pagdating namin sa Papaya Island.
Halos hindi na kami makapali lahat dahil sa sobrang excitement na nararamdaman. Ilang oras lang din ang tulog ni Henrix dahil sa paghahanda ng mga dadalhin ngayon.
"Nasa labas na ba ng garage ang Hiace?"
Tanong ko kay Ate Han at napasuklay ang basang buhok gamit ang daliri. Gusto ko ng bigkisin ito dahil sa haba. Isang taon narin ang nakalipas mula nung nakapaggupit ako ng buhok.
"Yep. Iyon ang sasakyan natin."
Ani Ate Hannah at nagpaalam na umuna nang lumabas habang dinadala ang mga bagahe. Umupo muna ako sa sofa at kinalikot ang phone ko. Nagstatus muna ako sa aking facebook at twitter account.
"Have you seen Steve?"
Rinig kong tanong ni Tito Harvey na nasa gilid ng pinto. Hindi ko sila sinulyapan. Alam kong nasa labas na ng gate sila Tyler.
"Nasa labas na sila naghihintay sa atin kasama si Tyler at Hyder." Sagot ni Daddy sakanya.
Naramdaman ko naman ang ilang yabag na papalapit sa aking pwesto kaya inangat ko ang aking paningin at nakita si Daddy na nakakunot ang noo.
"Anak magbihis ka na." Aniya.
Kumunot ang noo ko at tumingin sa aking suot. Tapos na akong nakapagbihis ng panglakad matapos maligo kaya nakakasigurado akong walang problema sa suot ko.
"Po? Nakapagbihis na ako."
Sabi ko. Napatingin naman ako sa likuran ni Daddy at nakita ulit si Ate Hannah roon. Kababalik niya lang dito sa loob galing sa labas.
"You don't wear like that in an outing like this, do you? We are going into the beach, Quen."
Sabi ni Ate Hannah. Tumayo ako sa kinauupuan. I'm just wearing a jogger and a jacket. What's wrong with that? Hindi naman revealing ang suot ko e.
"Doon nalang ako magbibihis."
Sabi ko nalang. Humalukipkip si Ate Hannah at tinaasan ako ng kilay. Ramdam kong bahagya ng umigting ang bagang niya sa sinabi ko.
Seriously?
"No way. Hindi kita isasama kung ganyan ang suot mo."
Aniya. Ngumuso ako at nagbuntong hininga. Tama nga naman siya, beach ang pupuntahan namin. Para naman yata akong baliw kung ito ang susuotin ko.
Naglakad ako papuntang kwarto at naghalungkat ng susuotin. Isang puting short ang bottomwear ko habang nag spaghetti strap ako ng kulay pula na may puting offshoulder shirt sa labas. Kinuha ko rin ang aking maroon scarf sa hanger at isinanday sa balikat. Isinuot ko rin ang aking black shades.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. An ordinary routine for a simple lady like me. Dumiretso ako ng labas ng bahay nang maiayos ko na ang aking sarili.
"Sakay na."
Rinig kong ani Tito Harvey sa loob ng sasakyan. Dahan dahan akong pumasok sa Hiace. Agad kong naramdaman ang lamig galing sa aircon at nalanghap ang mabangong air freshener sa loob. Nandun na silang lahat sa loob at umaayos na ng upo.
Uupo na sana ako sa tabi ni Daddy nang biglang magsalita si Ate Hannah sa likuran.
"Quen dito ka umupo sa tabi ko."
BINABASA MO ANG
Candle of Placid Concussion
Fiksi UmumStand-Alone #1: Quendrin Ysabelle Madriza is an undeniably tantalizing milady in various deeds that she often does in life. No man is an island knows that she is still that young woman who has been haunted by the dismal and heart-wrenching tragedy o...