This Pogi is in love with you Kurba!

527 9 1
                                    

Hey mga sibs~ First time ko magsulat ng story in Tagalog. Sana walang errors :P Cgeeee~

Title: This Pogi is in love with you Kurba!

Characters: Vice Ganda, Karylle, Showtime Family and more

(Vice Ganda POV)

Akalain mo naman, itong baklang to? maiinlove ulit sa isang babae? Naks naman! Akala ko ba full-time beki na aketch? Bakit nahuhulog nanaman ang damdamin ko sa babae? Nakakadiri!

(Back to regular POV)

Habang may malalim na iniisip si Vice sa kanyang dressing room, may kumatok naman si pinto. "Pasok!" sagot naman ni Vice. Bumukas ang pinto at napalingon ito, "Ah, ikaw pala Billy".

"Bakit? sino yung akala mong papasok?" napatanong naman si Billy. "Wala naman" sagot agad ni Vice. Tumawa ng konti si Billy at umupo narin sa sofa, "ikaw brad ha, lately ang weirdo mo! napansin lang namin ni kuys Vhong ha! Parati ka nang nag-iisa dito sa DR mo. Bakit ba, anong problema mo?" tanong ni Billy na parang curious na curious habang kinuha ang kanyang phone at may itetext. Napalingon naman ng madali si Vice sa direksyon ni Billy, "Ha! Bakit! Pag alone ba may problema na? Agad agad!?" sagot naman ni Vice sa tanong. Tumawa si Billy at sabay sabi, "Hindi naman sa ganon, at ba't ganyan reaksyon mo? defensive mo naman!". Tumayo si Vice sa ikinauupuan niya, palakad-lakad at naka cross arms, "Gusto mong malaman yung totoo?" Napahinto si Vice sa harap ni Billy. Tumango lang si BIlly at napahinto sa kanyang text sabay sabi, "Oo naman". Umupo ulit si Vice sa sofa at nag inhale at exhale bago magsalita. "Ganito kasi yan Billy. I think i'm confused"

Napatawa ng malakas si Billy sa kanyang narinig, "wag kang tumawa! yan na nga yung sinasabi ko eh!" Huminto ng pagtawa si Billy at tinapik sa balikat si Vice, "Hindi...kasi parang ako lang. sige mag continue ka. makikinig ako." Tiningnan lang ni Vice si Billy na para bang hindi ito naniniwala sa sinasabi. "O? ano na? sabihin mo na!" sabi ni Billy kay Vice habang pinuwesto yung sarili nya ng komportable sa sofa. "O? Sasabihin mo ba o hindi?" tanong ulit ni Billy kay Vice. Napa inhale ulit si Vice at nagsmile ng malaki, "Nakakaloka talaga to Billy, mygod!"

"Eh, ano ba talaga yan? dalian mo na! nakakacurious na eh!" sabi ni Billy. Bago makasagot si Vice, biglang may kumatok nanaman sa pintoan. "Vice, tinatawag na kayo ni Direk! 10 mins nalang bago mag start yung show!" Napatingin nalang si Vice kay Billy. Nagsmile si Billy at tumayo sabay inayos yung sarili nya, tumingin ito kay Vice, "Later, e continue mo yung aaminin mo" Napatawa naman si Vice, "Charot! Parang anong importanteng bagay naman tong sasabihin ko!" Palakad na ang dalawa palabas sa DR ni Vice, "Alam ko bigat na bigat kana dyan, kaya e share mo na at tutulongan ka namin dyan." sagot ni Billy. Napahinto si Vice sa may pinto, nag smile ito at napaisip. "Oo nga naman no, may mga kaibigan naman pala ako dito na willing akong tulungan." Tumawa nalang si Vice at nag ready na.

(Fast forward; after the show)

Nung natapos na ang show, papunta na ang mga hosts sa kani kanilang DR.

"Vicey!" napalingon si Vice sa direksyon ng tumawag sa kanya. "O, K? baket?" tanong ni Vice. Napangiti si Karylle, "ang ganda mo talaga ngayon Kurba ha" Nanlaki ang mga mata ni Vice sa biglang nasabi. "Ay! Thank you! Ikaw talaga Pogi, finiflirt mo nanaman ako" napangiti ulit si Karylle sa sinabi ni Vice. Napatawa si Vice, medyo kinakabahan. "Anyway Vice, tanong ko lang if available ka tonight? Napagplanuhan kasi namin ni Anne na mag dinner, tayong lahat dito sa showtime...so, sama ka?" Inisip muna ni Vice yung schedule niya bago sumagot, "Ah sige ba. Total, cancelled naman yung taping ko sa GGV eh". Napangiti si Karylle sa kanyang narinig, "Great! Kompleto tayo! Sige, see ya later Pogi!" Bineso ni Karylle si Vice. Bigla namang nakaramdam ng kabog sa puso si Vice. "S-sige Kurba, see ya!" Nagsmile ulit si Karylle bago tuluyang pumunta sa DR niya at kay Anne. Napangiti naman si Vice ng mag-isa ng biglang may nagsalita. "Ikaw Brad ha. Kilig na kilig ka yata ah"

"Ay! Diyos ko Billy!" Napasigaw si Vice, "Wag kang ganyan! Bigla biglaang nagasasalita, nakakagulat ka!" Napatawa nalang si Billy at umakbay kay Vice habang naglalakad ang dalawa papuntang DR ni Vice. "Parang alam ko na yung gusto mong sabihin brad ah" Sabi ni Billy kay Vice na napulunok naman. "At feel na feel ko na nininerbyos kana jan." Tumawa si Billy at pumasok na sila sa DR. Umupo si Vice sa sofa at tinuturo si Billy, "Hoy ikaw Billy ha! Wag ka ngang gumagawa ng kwento!" Umupo narin si Billy sa sofa, "Anong gumagawa! Hindi mo pa nga naman alam yung sasabihin ko eh!" Napatitig nalang si Vice kay Billy, mukhang galit na may mix kaba. "Alam ko weird ito Billy, at nahihirapan na ako sa nararamdaman ko. Kung gusto mo talaga akong tulungan, wag mo kong tinutukso!"

"Hindi naman kita tinutukso... sabihin mo nga sa akin brad, yung totoo ha? May gusto ka ba kay..." napatitig ang dalawa sa isa't-isa, "kanino?" tanong ni Vice kay Billy sabay kilig na smile. Napatawa ng malakas si Billy. "Hoy Billy! Kanino nga!?" Natatawa narin si Vice sabay tinapunan ng maliit na sofa pillow si Billy, "Hahaha, alam mo na naman kong sino tinutukoy ko eh!" Tumawa si Vice, halatang kilig na kilig. "May pa confused confused ka pa jan ha... nagbabalik loob kana pala" sabi ni Billy kay Vice. "Yuuuuck! Wag mo ngang sabihin yan! Nakakaloka!" Napatawa ulit si Billy. "Kaloka ka jan... kelan ba nangyari yan?" tanong niya kay Vice. Napangiti si Vice sa tanong, mukhang confused yung facial expression ni Vice pero nakangiti, "Ewan ko kung kelan talaga nangyari to. Basta! Bigla nalang sumulpot." Nanlaki ang mga mata ni Vice sabay turo kay Billy, "Teka nga! Kasalanan nyo to eh! Kayo ni Vhong, ni Anne, atsaka ni ate Ruth!" Tumawa ng kaunti si Billy, "Anong kasalanan namin? Eh kami ba may control sa damdamin mo!" Napa pout si Vice, "Hindi! Tinutukso nyo kasi kami! Pinupush nyo kami!" Tumayo si Billy at napaturo kay Vice, "Hoy! Part kaya yun sa show! Andun yun sa script! Dinidibdib mo kasi kaya kasalanan mo yan! Atsaka, alam naman namin lahat na bet mo narin yun eh!" Nagsmile lang si Vice, sobrang kilig na. "Ayiiie! Bet na bet naman yung tinutukso sya eh!" Napatawa silang dalawa, "Tumahimik ka!" Napatayo nalang si Vice, sabay ngiti at lumabas sa DR nito. Napangiti naman na may halong konting tawa si Billy, "eto talagang si Vice, kinikilig pa".

(At dyan nagtatapos ang 1st chapter! Ano sa tingin nyo mga sibs? ok lang ba? ^^ Sorry ha, di kasi ako sanay sumulat ng story in tagalog, hehe~ sanay kasi ako sa english, yung mga fanfictions for anime xDD haha sige2x. sana nagustuhan nyo ^^)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Pogi is in love with you Kurba!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon