CHAPTER TWENTY ONE
Day two
3:18pmNAGPASYA syang lumabas muna ng bahay bakasyunan ng binata at naupo sa kahoy na upuan na ang tanging matatanaw ay malalaking puno, kabundukan at iba't-ibang kulay ng mga bulaklak. Nung una akala nya ay may dagat do'n pero wala naman pala pero okay na din dahil gusto nya ang magandang tanawin doon at mapreskong hangin.
"Totoo kaya ang sinabi nya kahapon? Bakit naman ako ang magiging dahilan ng pag-alis nya? Its kinda weird." Usal nya at pumitas ng dilaw na bulaklak na malapit sa kanya. "I doubt it, siguro sinabi nya lang iyon para hindi na ako magalit sa kanya."
Ang totoo kasi nyan parang nabawasan 'yung galit nya ng sabihin sa kanya ni Ryxer kahapon ang dahilan ng pag-alis nito. Pero hindi naman din gano'n kadali na humupa 'yung sakit at galit na nararamdaman nya para sa lalaki.
"Kailangan nyang maghirap, papahirapan ko sya." Desididong sabi nya at napangisi. "Kailangan kong malaman lahat, lahat-lahat."
Natigil lang sya sa pakikipag-usap sa sarili ng may maramdamang presensya na papalapit sa kanya at ang hudyo ay tumabi pa talaga sa inuupuan nya.
"Do you like the place?" He asks without looking at her.
"Yes pero hindi ibig sabihin no'n na gusto ko din manatili dito." Malamig na tugon nya.
"Six days na lang naman ang pananatili natin dito, pwede bang mag request?"
Napalingon na sya dito at hindi nya inaasahan ang pagtama ng mga mata nila. "A-anong request?" At ang lakas pa talaga ng loob nitong humingi ng request.
"Let's just pretend na wala kang amnesia. Let's just enjoy our short vacation."
"Gusto mong kumilos tayo ng normal?"
"At hayaan ang sarili nating sumaya huwag nating pigilan ang mga sarili natin na gawin ang gusto natin. Let's just pretend that we are free from everything."
Bakit di nya kaya patulan ang gusto nito? Kahit ilang araw lang gusto nyang maging totoo sa sarili nya. She wants the old Charlton back, she missed being love. Namimiss nya 'yung pag-aalaga ng mga taong nakapaligid sa kanya. She missed being baby Charlton!
"Mahirap magpanggap Charlton," Nakatingin ito sa kawalan. "Lalo na kapag kailangan mong itago ang tunay na nararamdaman mo para magmukha kang matapang sa harap ng mga tao." Pinapatamaan ba sya nito? Pwes, tinamaan sya. "That's why I am asking you to act normal, kahit sa maiksing panahon lang gusto kong magpakatotoo din sa sarili ko."
"Then after that, ano sa tingin mo ang mangyayari? Mananatiling pagpapanggap lang lahat iyon."
"Hindi ba tinanong mo ako kung bakit ikaw pa ang sinama ko?"
"Oo pero hindi mo naman sinasagot 'yung tanong na 'yan kung bakit ako pa."
"I am hoping, Charlton, I am hoping na kapag nagkasama tayo baka sakaling bumalik 'yung mga ala-ala mo, baka sakaling maalala mo na kung sino si Ryxer sa buhay mo, baka sakaling maayos pa natin 'to."
"Sino ka ba talaga sa buhay ko?" Kunyari ay wala talaga syang maalala.
"Nung iniwan kita hindi ko na alam kung sino na ako sa buhay mo. Hayaan mo sana na ipakilala ko ang sarili ko sayo at kung paano ako naging parte ng buhay mo."
Nakakaramdam ba sya ng pagka guilty dahil sa pagsisinungaling nya dito? Ang sagot ay hindi. Kasi isa lang ang gusto nya di ba? Ang makita itong masaktan. Kaya dapat pumayag sya sa request nito. Kailangan mahulog si Ryxer sa patibong nya.
"O-okey, we are going to pretend like nothing happened. We just need to act normal—."
"We need to act like a couple, Charlton."
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...