*Beep*
From: Hubbyloves :***
I'm sorry. Nagkayayaan ang barkada na magbasketball. Hindi ako makatanggi. Bukas na lang tayo mag-date. Ge.
Napabuntong hininga ako. He's being cold lately. Lagi na lang siyang busy. Hindi ko na lang siya tineks na andito na ako sa coffee shop kung saan sinabi niyang magkita kami ngayon. He even made a promise. But still, okay lang sakin.
Wala naman akong magagawa eh. Tinext ko na lang si Dylan. Best friend naming dalawa.
To: Dylan ❤
Are you busy? Puntahan mo naman ako dito sa coffee shop. Wala kasi si Paul eh. I'll wait.
Wala pang isang minuto tumunog na naman ang phone ko.
Binuksan ko ito at binasa.
From: Dylan ❤
What? Wala na naman siya? Yeah, yeah. I'll be there in a sec.Ilang beses na akong napabuntong hininga. Anniversary kasi namin ni Paul tomorrow. Gusto ko lang naman siya makasama today. Pero inuna pa niya ang barkada niya.
Pagkaraan ng sampung minuto ...
"Nakabusangot ka na naman."
Napatingala ako sa nagsalita. Bigla akong napangiti at niyakap siya.
"Hey, I miss you buddy."
"I miss you too. So ano na naman ginawa sayo ni Paul? Hindi ka sinipot? Ano bang problema niya?"
Nag-pout ako. "I dunno. Baka busy lang talaga siya. Hayaan mo na."
"No, Sam! Anniversary niyo na bukas. Bakit ka pa niya niyaya ng date ngayon kung siya din naman ang hindi sisipot. Gago yun ah."
"Chill ka lang. Malay mo may surprise lang siya. Malay mo busy siya pagplanuhan ang gagawin namin bukas. Diba? Pwede naman yun."
Napatango siya. "Pwede rin. Sabagay, si Paul yan eh. Mysterious. Full of surprises."
Sobrang mysterious niya. Hindi ko nga akalain na liligawan niya ako eh. Effortless siya magpakilig. Grabe kung mag effort. Nung valentine's day hinarana niya ako sa classroom namin. Nung birthday ko, niyaya niya ako mag-mall. Pero sobrang nagulat ako nung may sumasayaw sa harap ko at binigyan ako ng isang red rose. Tinignan ko nun si Paul pero nawala siya sa tabi ko. Hanggang halos lahat na ng tao sa mall sumasayaw. Shocks! Eto na ba yung flash mob na sinasabi nila? Kasi nakakakilig. Hanggang sa dumating si Paul with a human size domo teddy bear. My favorite. Kumakanta pa siya nun. Ang daming tao. Pero parang kaming dalawa lang ang nandon. Sobrang gwapo niya. That day is very special. Dun mismo sa lugar na yun at sa araw na yun ko siya sinagot. Kaya double celebration, my birthday and our anniversary.
"Sam to Earth? Hello? Andito pa ako." Nakabalik ako sa katinuan ng magsalita si Dylan. I was taken by our memories. Very unforgettable. Very romantic. Haay. Gagawin niya kaya ulit yun? May surprise kaya ulit siya?
"Naalala ko lang nung sinagot ko si Paul. Parang kelan lang. Diba?"
"Yeah, my two best friends. Kayo na talaga. Ako na ang loner." May halong lungkot sa tono ng boses niya.
"Bat ba kasi wala kang girl friend? Gwapo ka naman ah."
"Taken na kasi yung gusto ko."
"Huh? Sino?"
"W-wala. No need to know. Halika na. Umuwi na tayo. Hatid na kita."
Nginitian ko siya. He's such a good friend.
"Salamat talaga. Sinamahan mo ako dito. Si Paul kasi eh. Haay."
